Chap. 30 SEARCH

727 144 13
                                    

AN ; Meet the new character.

♡♡♡♡☆☆☆☆☆

Umuwi si Lucas sa kanyang mansyon. Gulat ang mga kasambahay sa kanyang pag-uwi.

"Lucas, bumalik ka. May trabaho ka bang aasikasuhin dito?" Tanong ni Aling Minang.

"Nay.." Nababasag agad ang boses ni Lucas nang makita ang tinuturing n'yang pangalawang ina. Napalapit sya at napayakap ng maghigpit.

"Nay, may nangyari na hindi maganda sa pamilya namin. Alam kong nagkakagulo sila ngayon doon. Alam kong nasasaktan ng husto si Ate Natty."

"Anong pinagsasabi mo? Bakit masasaktan si Natty? Sinong mananakit?" Nalilito si Aling Minang na tinanong si Lucas.

"Si Kuya...at si Luna..nagkaroon ng lihim na relasyon. Nay, hindi ako ang ama ni Joshua..Kundi si Kuya."

"Dios mio." Napatakip ng bibig ang mayordoma.

Napatakip ng mukha si Lucas at napaiyak.

"Bakit nagawa ni Baste at Luna 'yon sa 'yo? Paano si Natty?"

Umiling si Lucas.

"Hindi ko po alam kung bakit? Hindi na ako interesadong malaman pa." Sagot ni Lucas.

Samantala narinig naman ng ibang kasamahan ng mayordoma ang pag-uusap.

"Grabe naman, ang landi talaga ni Luna." Nasabi ni Avet.

"Ang lakas pang pinaalis si Ricky noon, 'yon pala may ginawang milagro. Tse!" Inis si Myrna.

"Sana hindi na lamang umalis si Ricky. E di sana tuloy ang saya." Nasabi naman ni Jessa.

"Ano pang magagawa natin? Matagal nang nangyari ang lahat. Tsaka hindi man lang tumawag si Ricky sa atin ni minsan.

_____________________________

Kinabukasan, habang nagsasampay si Jessa ng nilabahang damit. Lumapit si Lucas.

"Jessa, hindi ba tumawag si Ricky sa iyo ni minsan?"

"Hindi po, Sir."

"Hindi ba't magkaibigan kayong matalik at magkababata?"

"Opo."

"Alam mo kung saan sila nakatira?"

"Sir, noong nasa Elementarya kami magkapitbahay at magkababata kami. Pero lumipat sila ng tirahan.Gayun paman madalas silang dumadalaw sa bahay namin noon. Noong nasa High School kami madalang na lamang dumadalaw si Ricky sa bahay. Dahil nga nagkakasakit na ang kanyang ama. At kailangan nyang tumulong sa bukid. Nang magtrabaho sa syudad nagkikita rin kami. Nalaman nyang naghahanap tayo ng makakasama ko dito dahil naikwento ko sa aming tiyahin noon, na kaibigan naman ng tiyahin ni Ricky." Salaysay ni Jessa.

"Jessa, samahan mo akong pumunta ng Mindanao. Hahanapin ko sya." Sabi ni Lucas.

"Pero Sir.." Nag-aalangan si Jessa.

"Samahan mo ako."

Napaisip si Jessa.

--------------------------------

Kinagabihan nag-impake ng gamit si Jessa.

"Ano? Aalis kayo ni Sir. Hahanapin ninyo si Ricky? Ibig sabihin hindi parin give up si Sir sa totoong nararamdaman nya kay Ricky? Ang wagas naman magmahal. Ha ha ha ha.." tawa ng tawa si Myrna.

"Gaga! Eh sila naman talaga ang magkalove team. Umepal lang ang makating si Luna." Sabay ismid ni Avet.

"Sana nandoon nga si Ricky. Paano kung wala na? Saan namin sya hahanapin?" Napaisip din si Jessa.

MUCHACHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon