Chap. 13DEAL

676 123 6
                                    

Dumating sa Colombia ang eroplano. Nakaparada na ang kotse ni Lucas. Hindi sumabay sa kanyang mga kapatid si Lucas. Umuwi sya sa kanyang bahay. Doon sinalubong sya ng kanyang mga kasambahay.

Tuwing umuuwi si Lucas sa kanyang pamamahay; pakiramdam nya ay naninibago sya. Palibhasa hindi sya madalas pumirmi sa bahay na 'yon. Balak na nga nyang ibenta.

"Como estas Señor?" Bati ng isang kasambahay.

"Estoy Bien, gracias." Sagot lamang nya.

Tinungo nya ang kanyang silid at doon nagpahinga. Iniisip nya si Ricky.
Hindi nya alam kung gaano sya katagal manatili sa Colombia at Africa. Pero iniisip nyang maghihintay si Ricky sa kanya at 'yon ay pinapaniwalaan nya ng husto.

Kinagabihan pumunta si Lucas sa pamamahay ng kanyang mga magulang. Isang malaking masyon ang bahay ng mga Estrella.Nandoon narin sina, Yasmine; Baste at ang asawa nitong si Natashia.

"Hello, Luke." Binati ni Natashia si Lucas.

"Hi Ate Natty." Nakipagbeso beso si Lucas. Yumuko pa si Lucas at lumuhod sa harap ni Natty.

"You still beautiful Ate..parang nasa edad 30's ka parin." Binobola ni Lucas si Natty dahil ayaw nyang makaramdam ito ng awa sarili; dulot ng karamdaman na Spina Bifida.
Isinilang si Natty na may ganung sakit. Ngunit inibig parin ni Baste. Lumala ang karamdaman nito nang nagkaroon pa sila ng anak.May mga supling sina Baste at Natashia na dalawang lalaki at isang babae.

( AN : Ang Spina Bifida ay sakit na nagiging lumpo ang taong meron nito.

TRIVIA : Isa sa naging kabit ni Prince Charles ng England ay may sakit na ganito. Naging Kakampi ni Princess Diana na pabagsakin si Camilla Parker Bowles ngunit sila ay pumalpak. Kaya naging winner sa labanan si Camilla. Unfortunately, both Diana and the other mistress died with a broken heart. )

"Tse! Binobola mo parin ako. Yikes! Balita ko may girlfriend kana daw at mukha kang seryoso. Sa wakas makikita narin kitang maglalakad sa altar." Dugtong na sinabi ni Natty.

"Yes, of course." Sagot ni Lucas. Nagkatitigan naman sina Yasmine at Baste.

"Hijo, mabuti at sumama ka kina Baste na bumalik dito." Bumaba sa hagdanan si Doña Veronica; ang ina nina Lucas. Kasabay nya ang ama nina Lucas na si Doñ Sebastian.

"Mabuti at buo na ang ating pamilya. Matagal karin nawala Lucas." Sabi ng kanilang ama. Tinungo nila sabay sabay ang hapag kainan.

Habang sila ay kumakain masaya silang nag-uusap. Ni wala sa kanilang usapin ang tungkol sa negosyo. Pinag-uusapan nila ang mga nagdaang panahon..tawanan ang maririnig sa loob ng hapag kainan.

Nang matapos sila niyaya sina Lucas ng kanilang ama na mag-usap sa isang pribadong silid.

"Siguro naman Lucas nabanggit na sa 'yo ni Baste ang tungkol sa negosyong nais kong pasukin sa Africa. Anong masasabi mo?"

"Opo.Papa, gaano ninyo kasiguradong malakas ang kapit natin doon?"

"Ang kaibigan ko ang tutulong sa atin na makapasok sa Africa. Malaki at malawak ang kanyang Diamond Mining Business..sa South Africa, Boswana..and some other parts of African Continent. Kung hindi tayo makakahanap ng Mining Area para sarili natin . Then we have to invest our money in his company; while searching for companies who are lacking with financial. Tutulungan nya tayo."

Nagkatinginan sina Lucas at Baste.

"Pero may isang paraan upang maging matatag ang pakikisama natin sa kompanya ng kaibigan ko. Lucas, ayaw ko nang patagalin pa ang pag-uusap na 'to. Batid kong desidido si Baste sa binabalak kong ito..at kailangan ko rin ang desisyon mo."

MUCHACHOWhere stories live. Discover now