Chap. 6

869 148 22
                                    

Bahagyang naitulak ni Ricky si Lucas. Hindi nya inaasahang gagawin ni Lucas muli ang dating ginawa. Langhap ni Ricky ang amoy ng beer sa bibig ni Lucas. Alam nyang dala ito ng alcohol sa katawan ni Lucas kaya nagkakagawa ng bagay na hindi iniisip.

"Señorito, hwa'g po." Ang sabi ni Ricky.

Tila natauhan si Lucas sa sinabi ni Ricky.

"I...I'm sorry." Napapahid ng labi si Lucas gamit ang kamay. Agad tumalikod si Ricky. Tumatambol bigla ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Gusto man n'yang pagalitan si Lucas ngunit hindi nya kayang gawin.

"Ricky.." Muling tawag ni Lucas. Ngunit hindi na lumingon si Ricky; bagkus tumakbo ito papuntang cottage.

Nagmadaling pumasok si Ricky sa loob ng kanilang silid ni Jessa. Sinapo nya ang kanyang dibdib at napayakap sa unan.

"Anong nangyayari kay Lucas? Bakit ganun?"

Nakadama ng pag-aalala si Ricky sa sarili.

Maya-maya biglang bumukas ang pinto.

BLAG!

Dumating si Jessa at nagulat si Ricky dahil sira ang strap ng swimming bra ni Jessa.

"Yot; anong nangyari at bakit sira ang strap ng bra mo?" Tanong ni Ricky. Nakita pa ni Ricky na medyo namamasa ang mga mata ni Jessa.

"Yot, hayop talaga itong si Porteng." Tila galit si Jessa.

"Bakit?"

"Biruin mo, sabi n'ya hahalikan lang daw nya ako sa labi. Pumayag naman ako..walang hiya bigla ako sa pilitang pinahiga sa buhangin. Tapos, dinaganan."

Napanganga naman si Ricky sa salaysay ng kaibigan.

"Tapos nun, pinilit nyang tanggalin ang bra ko..Dios ko, sinipsip nya ang dibdib ko..nakita mo 'to? Ayan, nagkaroon ako ng kiss mark. Nanlaban ako..aba, gusto nya yata akong REYPIN..sa pilitan nyang ibinuka ang mga hita ko. Kaya nanlaban ako. Sabay sipa ko sa kanyang sikmura..kaya ayon tumilapon sya ng bongga! Kaya tumakbo na ako."

Nababasag pa ang boses ni Jessa.

"Alam kong syota ko s'ya, pero sana bigyan ng kunteng respeto ang aming relasyon. Hindi 'yong pag gusto nya; go lang kami ng go!" Tuloy na litanya ni Jessa.

Walang masabi si Ricky.

"Isusumbong ko sya kay Sir Lucas. Tama, at ng mabigyan sya ng babala."
Galit si Jessa.

Sa kwento ni Jessa napaisip tuloy si Ricky. Paano kung si Lucas ang gagawa nun sa kanya?

"O bakit natahimik ka? Ikaw ba virgin pa?" Agad na tanong ni Jessa.

"Oo naman. Natatakot kasi ako baka..."

"Mareyp ka O baka mabuntis ka?Ganern? Inday Ricky, safe tayo sa pagbubuntis. Pero malamang hindi safe tayo sa ALMOND." Sabi ni Jessa.

"Almond?"

"Yup. Ang ibig kong sabihin ALMURANAS..para sosyal pakinggan ALMOND."

Napatakip sa bibig si Ricky. Sabay tawa. Inayos naman ni Jessa ang nasirang strap ng bra.

"Juscolored, paano na 'to bukas? Hindi ako makapagsuot ng swimming bra ko. Walang hiya na Porteng..nag-iwan pa ng marka. Anong gagawin ko sa strap nito?gagawing TIRADOR, at manghuli ng ibon..ANGRY BIRD ang mode ng byuti ko. " Muling naiinis si Jessa.

"Mag-t- shirt kana lang." Mungkahi ni Ricky.

"Syempre. Ayaw kong pagpyestahan ng dalawang lukaret na kasama natin. Si Avet at Myrna mga saksakang pasaway." Hindi agad maipinta ang mukha ni Jessa.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now