Chap. 16 LEAVING

703 138 16
                                    

LUNA'S POV

Nang malaman kong magbabakasyon si Lucas dito sa Pilipinas, lihim kong tinawagan ang aking isang tauhan upang sundan ang mga kinikilos ni Lucas. Mabuti nalang at agad nakahanap ng espiya dito sa Pilipinas . Ilang araw na inaabangan ng espiya ko ang bahay na 'to.
Tinanong ko kay Baste ang tungkol sa tinutuluyan ni Lucas dito pero sadyang malihim rin si Baste at pinagtatakpan si Lucas.

Mabuti nalang dumating ang hindi ko inaasahan...hindi ko inaakalang buntis ako. Magagawa pa kaya akong iwan ni Lucas gayung dinadala ko ang isang dugong Estrella?

Hindi ko hahayaang iiwan ako ni Lucas sa ere. Ano man ang mangyari merong mag-uugnay sa aming pamilya. At ang aking pinagbubuntis ang magbubuklod sa aming dalawa. Mali man ang simula ng aming pagsasama..umaasa akong hindi nya magagawang iwan ako ng basta basta.

Wala pala akong dapat pangambahan. Akala ko sa isang babae nahuhumaling si Lucas. Hindi ko akalaing isang Bakla ang kanyang lihim na karelasyon. Paligayahin man ng baklang ito si Lucas ng ilang beses..Hindi parin mapapasa kanya si Lucas. Hindi naman siguro sira ulo si Lucas na gugulin ang panahon sa isang walang kwentang relasyon.

Tinitigan ng maigi ni Luna si Ricky.

"Ikaw pala si Ricky. Ang karibal ko kay Lucas. I thought you're a woman. Salamat at maigi naring pinaligaya mo sya kesa mapunta sa ibang babae. Mahirap kasing baka magkaanak pa si Lucas sa labas."
Nakangiti pa si Luna kay Ricky.

Tunaw na kandila ang pakiramdam ni Ricky nang mga sandaling 'yon. Hindi nya akalaing magagawang saktan sya ng ganun ni Lucas. Binaling ni Ricky ang tingin sa ibang direksyon. Hindi nya magawang tumitig kay Luna.

Maging sina Jessa ay di makakilos. Mabuti nalang lumapit ang mayordoma.

"Ricky halika muna." Inalalayan ng mayordoma si Ricky na umalis sa harap ni Luna.

Parang naging blangko ang isipan ni Ricky sa kanyang natuklasan na kasinungalingan ni Lucas..

Dinala si Ricky sa kanyang silid.

"Manay....si Lucas....bakit nya nagawa ito sa akin?" Humarap si Ricky sa matanda ang kasunod ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Ricky...wala rin akong alam...gulat din ako sa narinig ko." Pag-aamin ng matanda.

Biglang napahagulgol si Ricky. Gusto nyang magwala. Hindi nya akalain na ganun ang kapalit ng kanyang maiksing kaligayahan.

"Manay...minahal ko naman sya...totoo naman ako sa kanya...bakit ganito ang ginawa nya sa akin.?"

Halos hindi maunawaan ng matanda ang mga sinasabi ni Ricky sa matinding iyak nito.

Pumasok naman sina Jessa sa silid ni Ricky.

"Bayot....Dios ko..ito na nga ang kinakatakutan ko eh...mahirap mahalin si Lucas..marami kang karibal na hindi mo alam."Napayakap ng matindi si Jessa sa kaibigan.

Maging sina Avet at Myrna ay awang awa kay Ricky.

"Aalis na lang ako...hindi ko kaya itong nangyayari sa akin." Agad nagdesisyon si Ricky.

"Bakit ka aalis?" Tanong ni Avet.

"Ayaw ko na. Hindi ko kayang tumagal dito." Nangangatal ang labi ni Ricky dulot ng pag-iyak. Tila nalilito rin kung anong gagawin.

"Ayaw kong mabastos sya sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw ko syang pagtawanan nila..Dapat hindi nalang ako naniwala sa nararamdaman ko sa kanya...hindi ko mararanasan ang ganitong sakit.
Binigay ko ang lahat sa kanya..ganito pala ang kapalit."
Tuloy tuloy ang iyak ni Ricky.

MUCHACHONơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ