Chap. 29 REGRET

813 144 26
                                    

Agad sinugod sa hospital ang ina nina Lucas. Galit na galit ang ama nina Baste dahil sa pangyayari.

"Ma..Mama.." umiiyak si Yasmine dala ng takot nya sa kalagayan ng ina. Niyakap sya ng kanyang ama.

"Yasmine, h'wag kang mag-alala maliligtas ang ina nyo." Sabi ng ama nito.

Samantala sa bahay nina Lucas, walang tigil din ang iyak ni Luna. Takot na takot si Luna. Agad syang nagligpit ng gamit.

"Kailangan kong lumayo. Ilalayo ko si Joshua. Baka kunin nila sa akin ang anak ko.." natataranta si Luna. Kinuha nya ang cellphone at tinagawagan ang sekretarya ng kanyang ama.

"I need the plane. " Ang sabi nya sa sekretarya. Walang ibang naisip si Luna kundi takasan ang lahat. Alam nyang uusigin sya ng mga pangyayari kung mananatili sya sa Colombia.

Sa kabilang dako...Sa pamamahay ni Baste.

"H'wag kang lumapit sa akin! H'wag mo akong yakapin!!! Nakakahiya ka!!!" Bulyaw ni Natty na umiiyak.

"Natty...Natty...patawarin mo ako..."
Nagsusumamo narin si Baste.

"Bakit Baste?Bakit mo ito nagawa sa akin? Baste, sana kung hindi kana masaya sa akin...ipagtapat mo...hindi mo ako pinaasa na mahal mo parin ako...kasi naniwala ako ng husto...ang sakit Baste...ang sakit sakit...paano na ang mga bata? Paniwala silang mahal mo parin ako...paniwala silang pinsan nila si Joshua...maging sila NILINLANG MO!"
Halos maputol ang ugat sa leeg ni Natty sa kasisigaw kasama ng kanyang malakas na paghagulgol.

Walang masabi si Baste kundi ang sambitin ang pangalan ng asawa..at umiyak narin..alam nyang kamumuhian sya ng kanyang pamilya sa kanyang ginawa.

"Umalis ka Baste...umalis ka sa harapan ko!!!" Sigaw ni Natty.

Tumalikod si Baste at lumabas ng bahay.

"Ahhhhhhhhh!!!!" Kasunod na marinig nya ang malakas na hagulgol ng asawa.

Tumutulo rin ang luha ni Baste. Hindi matigil tigil ang kanyang kaba. Hindi nya alam kung saan pupunta...nahahati ang kanyang isipan..pupunta ba sya sa kanyang ina na nasa hospital? Mananatili sya sa kanyang asawa na umiiyak? Hanapin si Lucas? O pigilan si Luna na h'wag ilayo ang bata?

Napasabunot si Baste sa sarili at humagulgol. Nanaig ang pag-alala nya kay Natty.

Nang...

KRINGGGGG KRINGGGGG

"Hello."

( Baste, alam na nila ang katotohanan. H'wag mo akong pigilan sa desisyon ko. Ayaw kong madamay si Joshua. Hindi ko ibibigay ang bata sa inyo. Hindi ko kailangan ang suporta mo. Nagkasala tayong pareho...kung natatakot ka...ganun din ako. AKO ANG SISIHIN MO DAHIL TINUKSO KITA. PERO BASTE, H'WAG MONG IWAN SI NATTY. )

Umiiyak din si Luna sa kabilang linya.

"Luna, ito na ang kinakatakutan ko noon paman..pero nagmatigas ka. Hindi ko rin nagawang pigilan ang sarili ko. Heto, wasak na ang lahat...wasak na!!! Tapos ikaw tatakasan mo na lang...Oo makakatakas ka...pero ako malulubog ako sa kahihiyan sa harap ng aking mga anak. Nakalimutan ko sila dahil sa aking sariling pangangailangan. Paano ko maipapaliwanag sa kanila ang nangyayari sa amin ng kanilang ina;Kung lahat na nakikita nila sa amin ay puro pagmamahal? Luna...hindi ko alam kung anong gagawin ko."

Hindi na magawang sumagot ni Luna kaya pinutol nito ang tawag.

"Shit!" Napamura si Baste.

Nang muling tumunog ang kanyang cellphone..

Tumatawag si Lucas..

"Lucas, mag-usap tayo..Lucas patawarin mo ako..."

Mabilis nyang sinabi sa kapatid.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now