Chap. 5

788 142 9
                                    

Nang umahon sa tubig si Ricky nakatuon parin ang mga mata ni Lucas sa kanyang muchacho.
Nahuli ni Ricky ang mga titig ni Lucas.

"Señorito pwede na po ba tayong bumalik? Baka kasi meron silang kailangan sa inyo." Panimula ni Ricky.

"Ah..Oo...Oo nga. Tara mabuti pang bumalik na tayo." Sagot ni Lucas sabay napakamot ng batok nya. Naunang naglakad si Ricky. Muling inaagaw ang atensyon ni Lucas na mapansin ang hubog ng katawan ni Ricky.

"Holy cow! Bakit ganun ang kanyang katawan? Daig pa ang isang ordinaryong babae." Napapanganga si Lucas habang nakatingin kay Ricky na naglalakad.

Pumunta sila sa dalampasigan kung saan naghihintay ang jet ski nila. Naunang sumampa si Lucas. Sumunod si Ricky.

"Humawak ka ng mabuti." Sabi ni Lucas.

Muling naramdaman ni Lucas ang paglagay ni Ricky ng kamay sa balikat nya. Minsan pa hinawakan ni Lucas ang kamay ni Ricky at inilagay sa kayang baywang.

"Hold on tight. Bibilisan ko ang pagpapatakbo. Okay?"

"Opo, Sir." Tipid na sagot ni Ricky.

At umandar ang jet ski. Sadyang mabilis ang pagpapatakbo ni Lucas. Nakakarandam ng takot si Ricky. Kusang napahigpit ng maigi ang pagyapos ni Ricky sa katawan ni Lucas.

"Dios ko po..ayaw ko pang mamatay. Kaloka! Bakit pa ako sumama sa kanya?" Naipikit na lamang ni Ricky ang kanyang mga mata. Samantala si Lucas hindi nakadama ng pagkailang sa yakap ni Ricky.

Todo pikit ng mata ang ginawa ni Ricky. Hanggang naramdaman na lamang nya ang pagbagal ng takbo ng jet ski. Hanggang sa huminto ito.

"We're here." Sabi ni Lucas. Aalisin na sana ni Ricky ang kanyang mga kamay mula sa pagkayapos kay Lucas. Nang pinigil ni Lucas.

"Don't." Sabi ni Lucas.

"Sir."

Hindi umimik si Lucas.

Ngunit..

"Ricky!!" Napalingon si Lucas. Paparating sina Myrna at Avet. Kaya mabilis inalis ni Ricky ang kanyang kamay at bumaba sa ski. Sinalubong nya ang dalawang kasamahan nya.

"Bayot, saan ba kayo pumunta ni Sir? Ikaw ha, sinusolo mo na yata si Señorito Lucas." Tuloy tuloy na sinabi ni Myrna.

"Hoy, mahiya ka naman sa mga pinagsasabi mo." Saway ni Avet kay Myrna.

"Ah..pumunta lang kami sa kabilang isla." Sabi ni Ricky.

"Ang daya naman. Gusto rin naming makapunta doon." Nakaismid na sinabi ni Myrna.

"Eh di sabihin nyo sa kanya." Utos ni Ricky.

"H'wag na." Sabay pang sagot ng dalawa. At bumalik silang sabay sabay sa kanilang cottage.

Nilingon ni Ricky si Lucas. Nakita nyang kinakausap nito ang isang bangkero. Napatingin si Lucas sa kanila. Nginitian na lamang ni Ricky ang amo.

---------------------------

Gabi..gumawa ng bonfire sina Porteng at Jessa sa harap ng kanilang cottage. Habang sina James at Lucas ay nakaupo sa lupa at umiinum ng beer. Sina Myrna, Avet, Aling Minang at Ricky ay panay kwentohan.

Hindi maiwasan ni Lucas na hindi lingunin ang grupo nina Aling Minang. Nakuha ang pansin nya kay Ricky. Panaka naka nyang sinusulyapan ang muchacho.

"Sir, hanep din ang katawan nitong bagong muchacho ninyo. Akala ko nung una babae..yon pala kauri rin ni Jessa. Hayop! Ang ganda ng katawan. Ni walang muscles di tulad ni Jessa; mukhang boxer he he he he.." Nasabi ni James.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now