Chap.1

2.2K 163 19
                                    

PAALALA / PAHIBALO / 주의

AN : Tulad sa mga ibang kwento ko, nais kong iparating sa inyo na ito ay KATHANG ISIP LANG. Kung sa tingin ninyo ay hindi maganda ang kwento; h'wag nang basahin at umabot pa sa epilogue..

Kung matatalino kayo at naghahanap ng superb story..BAWAL BASAHIN ANG KWENTONG ITO. KASI HINDI KAYO MAG-I-ENJOY. :)

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Dumaong ang isang barko galing Mindanao...

RICKY'S POV

Dios ko, hindi ko alam kung anong naghihintay sa buhay kong ito. Wala akong maisip na paraan upang mapakain ko ang aking mga kapatid. Ayaw kong maging pabigat sila kay Tiya Belen. Gayung matanda na ang aming tiyahin at masakitin.
Sana naman maging maayos parin ang buhay nila kahit nasa malayo ako.
Ang hirap ng buhay ko. Simula pagkabata lahat trabaho na ang inatupag ko. Ako na ang katuwang nina Nanay at Tatay sa bukirin. Ang naiwang kakarampot na lupa ay nawala pa sa amin. Nawala nang dahil nagkasakit ang mga magulang ko..at nagamit din sa pangmatrikula ko noon sa paaralan.
Mabuti nalang nandyan si Tiya Belen. Ang nag-iisang kamag-anak namin na kumupkop sa aming magkakapatid nang mawala sina Nanay at Tatay. Kung wala s'ya paano na kami? Paano na ang mga kapatid ko? Sinong titingin sa kanila?
Kaya handa akong mamasukan sa kahit anong trabaho basta't marangal..alang alang sa kapatid ko at Tiyahin.
BAKLA MAN AKO PERO KASING LAKAS KO PARIN ANG ISANG TUNAY NA LALAKI...Kakayanin ko ito..kakayanin ko.

Mula sa pier ng Assuncion, malapit lamang doon ang Bus Terminal. Nagmadali si Ricky na marating ang terminal dahil may sasalubong sa kanya.

Ito ang kauna unahang pagkakataon ni Ricky na nakarating sa syudad ng Assuncion. Mangha mangha si Ricky sa naglalakihang mga gusali. Halos sumasakit ang kanyang ulo sa walang tigil na kakalingun lingon sa paligid.

"Bayot!"

Nagitla si Ricky nang makita ang kanyang Best friend at kababata na si Jessa..na isa ring bakla.

"Bayot!" Tili rin ni Ricky.

"'Yot welcome to Assuncion. Bigatlan nakaabot na jud ka diri."

( Bigatlan ( malandi) nakarating kana rin dito. )

"Mao jud. Ginoo ko, kanindot jud diri sa Assuncion."

( Kaya nga. Dios ko, ang ganda nga dito sa Assuncion. )

" Sa wakas nigawas na jud ka sa kalasangan. City girl kana karon. Level up...Congratulation!"

( Sa wakas lumabas kana rin sa kabundukan. City girl kana ngayon. Level up...Congratulation!)

At sabay silang nag-apir.

PAK

"Yot kinakabahan nga ako kanina eh. Iniisip ko kasi baka hindi tayo magkikita."

"Gaga!Pwede ba naman 'yon? Ayaw yata kitang mapahamak."

"Thank you, Sis." At niyakap ni Ricky si Jessa.

Naglakad pa silang dalawa papunta sa hintayan ng taxi. Bitbit ni Ricky ang kanyang malaking bag.

"Yot, kinakabahan ako sa trabahong papasukan ko. Baka kasi istrikto yong amo mo. Di ba sabi mo may pagka-Español 'yon? "

"Ay naku, mabait 'yong amo ko. Tsaka, parating wala sa bahay. Nagbabakasyon lamang 'yon dito. Ang totoong bahay nya ay nasa Colombia."

Kwento ni Jessa.

"Ganun ba. Eh di mabuti." Sagot ni Ricky.

"Naku Bayot, pag nakilala mo sya..parang gusto mo nang magpa-reyp sa kanya!" Agad na sinabi ni Jessa.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now