Chap. 8 Marca del Amor

994 139 20
                                    

Hindi alam ni Ricky kung anong gagawin nya.

"Narinig ko ang sinabi mo."

Nagsimulang kinabahan si Ricky. Aatras sana sya nang..

"Ayy!"

Muntik syang mahulog sa pool mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Lucas na hinawakan ang kanyang kamay. Sa lakas ng hatak ni Lucas ay napayakap si Ricky sa kanya.

Bahagyang naitulak ni Ricky si Lucas ngunit hindi binitawan ng binata ang kanyang kamay. Minsang pang siniil ng halik ni Lucas si Ricky. Halik na tila sabik na matikman ang labi ng muchacho.

Hindi na magawang kalabanin ni Ricky ang nararamdaman. Nadarang narin sya sa halik at yakap ni Lucas. Tila nahipnotismo si Ricky sa gayuma ni Lucas at nakulong agad ang isipan.

Dinala ni Lucas si Ricky sa silid nito. Mistula wala sa sarili si Ricky.

Ginayak ni Lucas na maupo sa kama si Ricky, sunod sunuran lamang ang muchacho. Halatang pagod naman si Lucas. Subalit napapawi ang pagod gayung may magandang eksena ang sumalubong sa kanya.

"Lie with me..." sabi ni Lucas at parang nasa hipnotismo si Ricky. Niyakap sya ng amo nito.

"Pero.." mahinang sagot ni Ricky. Sumenyas lamang si Lucas at tinapik ang isang unan na katabi ng unan nya. Kaya nahiga si Ricky.

"Sleep with me. I need you here. Good night,  Sweetie." Sabay hipo ni Lucas sa mukha ng muchacho. Nagkatitigan sila at pakuway hinagkan ni Lucas ang noo ni Ricky, hanggang tuluyang nakatulog silang dalawa.

Dumaan ang ilang oras ...

nagulat si Ricky nang may naramdaman sa kanyang dibdib na kiliti. Napadilat sya nang kanyang mga mata..

Si Lucas sinisipsip ang kanyang dibdib. Tila sanggol na uhaw sa gatas.

"Lucas.." hindi malaman ni Ricky kung anong gagawin..damang dama nya ang init ng dila ni Lucas. Di man lang nya namalayan ang pagtaas ni Lucas sa kanyang t-shirt.

"H'wag...hindi ako..handa." sabi ni Ricky. Sakay tumigil si Lucas. At ngumiti.

"This is only the beginning Ricky...mas malayo pa ang mararating mo...just trust me..."Bulong ni Lucas.

"Pero Lucas, di mo dapat gawin 'to sa akin gayung wala akong pahintulot. Kahit alam kong magkapareho tayo ng kasarian.." Asik ni Ricky. Napakagat ng labi ang binata. At sinabing..

"I understand..I'm sorry." Mahinang sagot ni Lucas. Sabay hinalikan ang pisngi ni Ricky..at muling nagsalita.

"Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na di ka mahalikan. Babae ka para sa akin. Ang bilis ng pangyayari at agad akong nahulog ng sobra sa 'yo."

Napakagat ng labi si Ricky. Hinapit ni Lucas ang kanyang ulo at muli silang natulog.

Alas singko ng madaling araw..bumaba si Ricky. Hinanap si Aling Minang at pinaalam ang pag-uwi ni Lucas.
Gulat man ang mayordoma ay pinagkibit balikat nalang.

Muling umakyat si Ricky sa silid ng amo..at doon hinintay ang paggising nito.

------------------------------

MARCA DEL AMOR
( Mark of Love )

Nang magising si Lucas nakahilig sa tabi nya si Ricky.

"Good morning Love." Bati ni Ricky.

"Himala at hindi ko na kailangan pindutin ang buzzer upang papuntahin ka dito. I love to wake up in the morning..when you're beside me." Sabay yapos ni Lucas sa muchacho.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now