Chap. 4

799 149 13
                                    

Kinabukasan nang madaling araw nagising si Lucas. Napatingin sya sa kanyang paligid. Napakunot ang kanyang noo nang matagpuan ang sarili sa ibang sillid.

"Uhhh..ang sakit ng ulo ko." Nasapo ni Lucas ang kanyang ulo. Napatingin s'ya sa kanyang sarili.

Nakita nyang nakasuot lamang sya ng puting t-shirt at naka-boxer shorts.Palinga linga sya sa paligid. Wala ang kanyang dating sinuot na damit.

"Great. Paano ako makakalabas nito kung boxer shorts lang ang suot ko?" Tinignan ni Lucas ang kanyang cell phone.

"6:30 na nang umaga." Nasabi ni Lucas. Alam n'yang gising na ang lahat ng kasambahay nya sa ganung mga oras. Kahit may hangover si Lucas pinilit nyang tumayo. Ginamit nyang tapis ang kobre kama at lumabas ng silid.

Mabuti nalang walang katulong na napapagawi sa sala. Kaya mabilis syang naglakad at tinungo ang hagdanan patungo sa kanyang silid.

Nang marating nya ang kanyang silid, muli syang nahiga sa kama at muling natulog.

-------------------------

Samantala sa kusina, abala ang mayordoma na sinasamahan ang taga-luto sa paghanda ng pagkain ni Lucas. Sa labas naman nagdidilig ng mga halaman sina Jessa at Ricky.
Pagkatapos sa hardin tinungo nina Jessa at Ricky ang loob ng bahay; at doon muling naglinis.

Habang ginagawa ni Ricky ang trabaho lumilipad ang isipan nya tungkol sa nangyari sa nakalipas na gabi...Ang sandaling hinalikan sya ni Lucas.

FLASHBACK

Nabigla si Ricky sa halik ni Lucas. Naramdaman nya ang lambot ng labi nito. Sandali lamang ang halik na 'yon ngunit mabilis na tumakbo sa kanyang buong katawan ang kuryenteng bumuhay sa natutulog nyang dugo.

At kusang bumitaw ang labi ni Lucas at..

ZZZZZZZZZ ZZZZZZZ...

Natulog muli si Lucas. Saka lamang naisip ni Ricky..marahil na nanaginip lamang si Lucas dala ng pagkalasing nito.

Hinubaran ni Ricky ng damit si Lucas matapos nyang pinunasan ang mukha nito. At pinalitan nya ng T-shirt ang Polo na suot ni Lucas. Hindi nya maunawaan ang sarili kung bakit ginagawa pa nya ang mga bagay na hindi nya dapat gawin.

Walang halong malisya ang tumatakbo sa utak ni Ricky. Ngunit nang mapagawi sya sa ibabang bahagi ni Lucas..

"Eto ang hindi ko pwedeng palitan. Dios ko, kahit bakla ako alam ko ang limitasyon ko. At hindi na tama kung pati ang boxer shorts nya ay papalitan ko pa. "

Napatingin si Ricky sa binata. Parang may isip ang kanyang mga kamay at hinaplos nito ang mukha ng amo.

"Salamat ha. Hindi ko inaasahan ang ginawa mo. Alam kong nananaginip kalang..hindi naman ako asyumera na mapaniwala ang sarili agad. Salamat ulit." Ang sabi ni Ricky. At kinumutan si Lucas.

END OF FLASHBACK.

Napahawak si Ricky sa kanyang labi. At pinikit ang kanyang mga mata. Inisip nyang hindi nya pwedeng ikwento kay Jessa ang tungkol sa halik ni Lucas..ayaw nyang maging usapin ang lahat. Kaya pinatuloy nya ang kanyang trabaho.

Eksaktong alas-dyes ng umaga muling nagising si Lucas. Nakadama sya ng gutom kaya..

Tumawag sya sa intercom.

"Manang, paki hatid nalang po ng pagkain ko dito sa silid."

Habang sa kusina naman.

"O tumawag na si Lucas paki hatiran ng pagkain nya doon sa kanyang silid." Utos ni Aling Minang.

"Naku, may gagawin pa po ako. Si Ricky nalang po ang utusan nyo." Sabi ni Jessa.

"Jessa ikaw nalang. Ako ang gagawa ng trabaho mo." Nagsimulang naalarma si Ricky.

MUCHACHOOù les histoires vivent. Découvrez maintenant