Chap. 15 Truth

806 135 16
                                    


Nagising si Lucas nang maramdaman nyang may mabigat sa kanyang dibdib. Dahan dahan nyang dinilat ang kanyang mga mata. Nagulat sya nang makitang hubot hubad sya at ang kanyang asawa.

"Luna..."

"Mmmmmm....mmmmm.."

Naramdaman ni Lucas ang pagkapa ni Luna sa kanyang sandata. Alam nyang muling buhay na buhay ang kanyang alaga at pwede itong pumasok sa lungga ng kanyang asawa. Ngunit..agad napabangon si Lucas.

"Shit!" Napamura sa sarili si Lucas at dali daling tinungo ang banyo. Agad syang nagbabad sa tubig na maligamgam. Gusto nyang sisihin ang sarili sa paglimot na iwasang makipagtalik sa asawa.

"F**! Ang tanga ko..bakit hindi ko naisip kagabi malamang merong halong drugs ang mga nainum ko. Oh God...ayaw kong dagdagan ang problema ko. Gusto kong makawala sa pinasukan kong gusot."

FLASH BACK

Colombia..

Noong nasa relasyon palang sina Luna at Lucas..may mga sandaling nagniniig sila.
Wala namang hinihiling si Luna sa kanya. Basta't gusto lamang nito na pansinin ni Lucas.
Minsan nagkaroon ng Business Meeting si Lucas sa isang hotel. Nang matapos makipagtagpo si Lucas kanyang kliyente ay inimbitahan si Lucas na sumama sa isang PentHouse party. Palibhasa matagal nang kakilala ni Lucas ang kliyente kaya nakisama sya.
Nasa labas palang ng pinto si Lucas nang marinig nyang naghihiyawan ang mga tao sa loob ng bahay.
Sadyang malaki ang bahay at madaming tao ang dumating. Nakisiksikan pa nga si Lucas upang makapasok sa loob.

Nang nasa loob na sya ng bahay agaw pansin sa kanya ang ilang mga kababaihan na nagsasayaw sa taas ng mesa. Natuwa naman si Lucas na manuod. Maya maya nagsialisan ang mga babae at pumasok ang isang babae...walang iba kundi si Luna. Nanlaki ang mga mata ni Lucas nang makitang sumasayaw si Luna kasama ang isang lalaki.
Hindi normal na sayaw ang nakikita ni Lucas sa kinikilos nina Luna at ng lalaki..kundi isang pagpapakita ng sekswal na kilos...
Humiga pa ang lalaki sa sahig at umupo si Luna sa ibabaw ng lalaki. Sabay giling nito kaya nagsisigawan ang lahat.

Hindi akalain ni Lucas ang pagwawala ni Luna sa ganun sa madaming tao.

"Hanep si Luna..simpleng move lang yan..dun sa isang bar..sobrang erotic ang dating.."sabi ng kliyente sa kanya. At marami pang naikwento sa kanya ang kliyente tungkol kay Luna.

Isang dahilan kung kaya nawala ang gana ni Lucas na makipagmabutihan kay Luna.

Ngunit hindi pa nagtatapos doon..

Minsan sinama sya sa isang boxing fight ng isang kaibigan. Pumasok sila sa isang boxing gym kung saan gaganapin ang laban. Tinapos ni Lucas ang laban ng boxing. Nagtataka si Lucas kung bakit pinigilan sya ng kaibigan.

"Pare, h'wag kang umuwi. May hot fight mamaya. Sigurado magugustohan mo." Sabi ng kaibigan. Kaya napaupong muli si Lucas.

Napansin ni Lucas na medyo dumilim ang paligid. Iilang ilaw na lamang ang natitira. Nakatutok ang ang spotlight sa boxing ring.

May umakyat na isang babae. Pamilyar kay Lucas ang katawan ng babaeng 'yon. Nakasuot lamang bg manipis na damit. At nakikita ang panty at bra nito.Biglang kinabahan si Lucas. Tumunog ang musika. Sumayaw ang babae at humarap sa mga tao.

"Luna.."

Kasabay ang pag-indayog ng katawan ni Luna..nakakabinging hiyaw ng lahat ng kalalakihan.

May isang lalaking lumapit at nakisayaw kay Luna. Kung anong nakita nya sa Penthouse party ganun din ang nangyari. Hindi nya maunawaan kung bakit ganun si Luna.

Kaya simula noon iniiwasan nya ang dalaga.

END OF FLASHBACK

"Alam kong katuwaan lamang para sa 'yo ang ginawa mo noon. Gusto mo lamang mapansin. Hindi ko akalain na magtatapo tayong muli."

MUCHACHOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu