Chap. 32 AUBREY

736 136 16
                                    

AN : MGA READERS NA NAG-AABANG SA LOVE STORY NINA LUCAS AT ALMOND..ESTE YVONNE/ RICKY..Mag-isip kayo kung sino ang nanay ng bata.

NADINE...HYRA..OR OTHER WOMAN..

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Sa hacienda Del Blanco, kasalukuyang nagpapahinga si Ricky nang...

TOK TOK TOK

"Yvonne anak, tumawag sa akin si Hyra . Kailangan mong pumunta ng Assuncion sabi nya. Kakausapin ka daw ng doktor." Sabi ni Margarette.

"Bakit naman po?"

"Kukunan ka ng dugo para sa isang test. "

"Ganun po ba."

"H'wag kang mag-alala. Ano mang oras pwede kang sumakay ng eroplano papuntang Assuncion. Gusto mo ba ngayon kana aalis?"

"Mmmm..sige po. Para makabalik rin agad ako." Sabi ni Yvonne. Kaya mabilis nag-impake ng gamit ang dalaga. Tumawag agad sa airport si Margarette.

Paparating narin ang truck na sinasakyan ni Lucas. Nasa 10 metro nalang at nakikita na ni Lucas ang karatulang nakasulat HACIENDA DEL BLANCO.

Huminto ang truck sa harap ng Guard House.

"Sinong nagpadala sa inyo dito?"

"Galing kami sa Hacienda Monseñor. Inutusan kami ni Mr. ZETH MONSEÑOR." Sabi ni Lucas.

Tinignan ng guard ang isang papel na iniabot ni Lucas.

Isang Gate Pass.

"Pasok kayo." Sabi ng gwardia at binuksan ang gate.

"Pumunta muna tayo kay Señor Fabian. Ibibigay ko ang pera." Sabi ni Lucas.

"E di diretso tayo sa mansyon." Sagot ng kasama ni Lucas.

Dumiretso sila ng takbo. Hanggang inihinto ng driver ang truck sa gilid ng daan.

"Ako na ang pupunta doon." Sabi ni Lucas. At agad syang bumaba sa truck. May kalayuan pa ang lalakarin nya ngunit natatanaw nya ang mansyon. Naaalala nya ang kanyang mansyon..

Malapit na si Lucas nang makita nyang nasa harap ng mansyon ang isang van. At nakita nyang lumabas ang dalawang matanda. Sa isip nya sila na marahil ang nagmamay-ari ng hacienda. Huminto muna si Lucas at tumayo. Dahil sa tingin nya may inihahatid sa van ang mag-asawa. Tumingin muna sya sa paligid..hindi nya nakitang lumabas si Yvonne at nagpaalam sa mga magulang..sumakay agad ito sa van dahil malayo pa ang airport.

Nagitla na lamang si Lucas nang umandar ang van. Nagsimulang naglakad upang lumapit sa mag-asawa. Dumaan pa sa harap nya ang van na sinasakyan ni Yvonne.

Nagkataong binabasa ni Yvonne ang text ni Zeth.

"I CAN'T VISIT YOU RIGHT NOW. I HAVE A COLD. I MISS YOU."

Napangiti naman si Yvonne. Kaya sinagot nya ang text.

"Aalis ako papuntang Assuncion. Matatagalan ako."

Mabilis namang sumagot si Zeth..

"Maghihintay ako. "

Nakadama ng kunting kilig ang dalaga. Hindi nakita ni Yvonne si Lucas nang makasalubong ng van ang lalaki.
----------------------------

"Magandang araw po Sir , ako po yong inutusan ni Señorito Zeth para ibigay ang pera. Tsaka kukunin na ho namin yong mga bigas." Sabi ni Lucas kay Fabian.

"Ahh..Oo..tumawag sya kanina. Bueno, pumunta kana lang doon sa bodega namin ng bigas." Sabi ni Fabian.

Napatingin si Lucas kay Margarette. Biglang may tumambol sa dibdib ni Lucas.

MUCHACHOWhere stories live. Discover now