Chap. 24

740 136 12
                                    

Hindi makapaniwala si Yvonne sa lahat na nagyayari sa buhay nya. Muling pinagtagpo ang kanyang mga magulang. Tila iniwasto ng tadhana ang kanilang mga buhay.

Bumalik sina Yvonne sa Hacienda. Napansin ni Yvonne na tahimik lamang si Margarette.

"Mama, may problema ba?"

"Wala anak. Iniisip ko lang, ang tagal na panahon na aking hinintay bago tayo pinagsamang muli. Akala ko noon imposibleng mangyari ang lahat. Pero heto, nangyari ang di inaasahan."

Hinapit ni Yvonne ang ulo ng ina, at pinasandig sa kanyang balikat.

"Masaya ako ngayon Mama. Pakiramdam ko buo na ang pagkatao ko. Salamat sa inyo. Napawi ang lahat ng sakit at paghihirap ko sa buhay." Bulong ni Yvonne.

--------------------------------

Mula nang muling nagtagpo sina Margarette at Fabian, napansin nina Yvonne at Kenneth ang madalas na malayo ang tingin ni Margarette. Tila may gustong sabihin sa mga anak ngunit hindi kayang aminin.

Sa kabilang dako naman...

"Papa, hindi pa po ba kayo matutulog? Malalim na ang gabi." Sabi ni Monsor.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Monsor, hiningi mo ba ang cell number ng Tita Margarette mo? O di kaya kay Yvonne."

"Sorry. We didn't ask."

"What?!" Tumaas ang boses ni Fabian. Nagulat naman ang anak.

"Hey, relax Pa." Pinakalma pa ni Monsor ang ama.

Lumabas si Verdini nang marinig ang mataas na pagboses ng ama.

"What's up?" Tanong ni Verdini.

"Samahan nyo ako sa Hacienda Del Blanco, gusto kong makausap si Margarette." Mukhang hindi napapakali ang matandang lalaki.

Tumaas ang kilay ni Monsor. Nakita nyang nag HEART sign si Verdini.

Tumango si Monsor.

"Anong nginingiti nyo d'yan? Matulog na kayo." Sabi ni Fabian.

"Okay. Matulog narin po kayo." Sabi ni Verdini.

"I can't sleep."

"Pa, stop thinking of her. Kailangan maayos kayo bukas. Dadalawin natin sila. You have to prepare yourself."

"Fine."

Sumunod na araw, habang nasa hardin sina Margarette, Yvonne, Kenneth, Hyra at ang sanggol na si Sky..

"Señora, may dumating po kayo na mga bisita." Pinaalam ng katulong.

"Sino?"

"Hindi po namin kilala eh."

Napilitang pumasok ng loob bahay si Margarette. Tinungo nya ang sala upang harapin ang mga panauhin.

Napatigil sa paglalakad si Margarette nang makita si Fabian kasama ang dalawang anak na mga lalaki.

May dalang bulaklak si Fabian.

Napangiti naman si Margarette.

"Mabuti at naisipan nyong dalawin kami dito." Lumapit si Margarette.

Nakipagbeso beso naman ang mga anak ni Fabian kay Margarette. Inabot ni Fabian ang bulaklak na dala.

"Eh kasi po gusto kayong makita ni Papa. Ang kulit. Takot yatang manligaw." Kusang lumabas sa bibig ni Verdini.

"Verdini." Napakunot ang noo ng ama ni Verdini sa kanya.

Nagkamot na lamang ng ulo si Verdini sabay ngiti kay Margarette.

MUCHACHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon