Chapter Eleven: Jerica Rios

597 21 5
                                    

A/N:

Kamusta... Naisip kong mag-update ngayon kasi natuwa ako sa comment ng isang reader last chapter...

You know who you are, and I would like to say thank you sa sinabi mo. Nakakatuwa talaga kapag nagre-response ang mga reader...

Salamat ulit sa lahat ng readers!!!

VOTE AND COMMENT

*******************************

Chapter Eleven: Jerica Rios

Lacey's POV

Hay....

Nakakabagot naman dito ngayon sa university. Wala akong makausap. Wala si Keera dahil magkaiba kami ng kursong kinuha. Kaya nakakabato tuloy dito sa classroom. Kahapon din may kinuwento na naman sa akin si Keera habang nasa dinner kami kasi nga pinaalam na namin sa parents ko na nag-propose na sa akin si Drake. Siyempre tuwang-tuwa ang papa at mama pero nagpaalala ang papa na wag munang gagawin ang mga bagay na mag-asawa lamang ang gumagawa. Yung kapatid ko namang si Louie parang medyo against sa plano namin ni Drake.... Nararamdaman ko rin kasing ayaw ni Louie kay Drake.

Bakit kaya?

Since the accident, napansin daw ni Keera na parang naging aloof na ang kapatid ko kay Drei. Which is nakakapagtaka raw dahil nga magkakilala raw ang mg ito. Yun yung paliwanag sa akin ni Keera nun.

Mabalik tayo sa sinabi sa akin ng bestfriend ko sa dinner. May sinabi siya sa aking pangalan na lagi ko daw ikinukwento sa kanya bago ako maaksidente. Yun daw ang na-meet kong lalaki dati sa isang bundok na hindi na niya matandaan pero sure daw siya na iyon daw ang lagi kong sinasambit. Ang pangalan na sinabi rin sa akin ng isang weirdong lalaki sa mall nung bumili ako ng maisusuot para sa announcement ni Drei sa parents ko.

Pangalan na nung simula kong marinig...para bang matagal ko nang kilala. Parang meron ang pangalan na ito na naging parte ko. Pero ano?

Ano ba ang meron sa pangalan na...Conan?

Ano ba yan!? Ginugulo ko pa ang magulo ko ng isip. Saka masama rin na nag-iisip ako ng ibang lalaki bukod sa boyfriend ko... I mean fiancé ko. Feeling ko tuloy ang hitad-hitad ko. Erase-erase that! I need to get that name out of my system.

Bigla akong natauhan sa mga pinag-iisip ko nang may tumapik sa likod. Lumingon ako at nakita ko ang isa kong blockmate na adik sa pag-aaral. Siya nga pala si Jerica Rios.

"Yes?" tanong ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Ang lalim yata nang iniisip mo, sa sobrang lalim eh nakapag-monologue ka na dyan" sagot nito na nakangiti.

Emeged!!! Na-voice out ang thoughts nya?

Kakahiya naman... >___<

"Ahhmmm...ano ba ang mga pinagsasabi ko?" curious ako kung ano na ang isiniwalat ng aking maingay na bibig.

"Hmmmm...narinig ko lang na may binaggit kang Conan pero yung iba di ko na masyadong marinig kasi parang bumubulong-bulong ka eh."

"Naku! Ganun ba? Nawi-weirduhan ka na siguro sa akin."

"Hindi naman. Weird din naman ako eh kaya ramdam kita kapatid" aniya sabay tawa.

Natawa na rin ako at naiisip na... 'Aba! May sense of humor din pala ang isang to. Akala ko kinain na ng lahat ng libro niya. Mabuti naman at may nasalba.'

"Nga pala...saan ka kakain?" tanong niya.

"Dapat sana dun malapit sa pond."

"Bakit?"

Her Beta ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon