Chapter Nine: Corey's Back

609 26 1
                                    

A/N:

Sobrang patawad sa late update pero sinabi ko naman sa inyo na male-late na talaga ako ng update di ba?

ni-remind ko kayo....

pakibasa yung author's note sa last page!!! Mahalaga ang nakalagay dun!!!

Ito na!!!!

*********************

Chapter Nine: Corey's Back

Lacey's POV

It's almost been two years nang maaksidente ako. Feeling ko may mahalaga na nawala sa akin araw-araw pero hindi ko naman maalala kung ano yun. Lagi kong iniisip kung may nakalimutan ba akong mahalagang dapat gawin nung araw na naaksidente ako. Pero wala talaga. Wala nga akong maalala after the accident. Ang alam ko lang ay tungkol sa pag-aaral at pangalan ko. Hay.......

Dapat siguro wag ko nang alalahanin, baka sumakit lalo ang utak ko. Dapat pa naman eh masaya ako.

Dahil....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nag-propose na sa akin ang long term boyfriend ko. Si Drake.

Sabi ng parents ko sa akin nung maaksidente ako na mahal na mahal ko si Drake at siya ang lalaking nag-iisa para sa akin. Hindi ko naman alam kung paniniwalan ko sila kasi nga wala akong matandaan. But when I was at the hospital, lagi akong dinadalaw ni Drake. Inaalagan niya ako at lagi niya akong sinasabihan ng 'I love you'. In short ay naniwala ako dahil nararamdaman ko rin naman na mahal niya talaga ako. I risked. Masaya naman din ako ngayon dahil sa kanya. Pinabasa pa nga sa akin ni Drei yung mga love letters na binigay ko sa kanya dati. Nakakahiya mang aminin eh, mukhang dead na dead ako sa kanya.

I know that it's really early na ma-engage kami. College pa lang ako at siya naman ay fresh graduate pa lang pero sabi niya sa akin ay ramdam na ramdam na niya na I'm the 'One' for him at matagal na rin niya akong pinagtitiyagan kaya pumayag na ako. Hindi naman sa parang no choice ako,
.
.
.
.
.
.
.
Okay, no choice nga ako pero konti lang. Gwapo at mabait si Drei, may trabaho na siya at mahal niya ako kaya naman sino ako para maging choosy? Normal type lang naman ako na babae. There's nothing special about me. Just a girl with a permanent amnesia.

Nasa mall ako ngayon para bumili ng dress na isusuot ko mamaya sa family dinner sa bahay namin. Sasabihin na namin sa parents ko na nag-propose na si Drei at alam kong matutuwa sila sa balita. Nag-text na rin ako sa bestfriend kong si Keera about sa proposal na ginawa ni Drei.

Wala pa kong natatanggap na reply. Ang weird nga ni Keera eh. Nagkukuwento siya sa akin ng mga adventures namin before ako maaksidente. May naikuwento rin siya about nang mag-camp kami sa bundok tapos eh kinidnap daw kami ng gwapong lalaki na nagiging wolf. Yung reaction ko lang nun habang nagkukuwento siya ay,

0___o

Don't blame me. At first, hindi ko talaga alam kung bestfriend ko talaga yung babae o hindi. Tingnan nyo naman, may amnesia ako nun tapos nagkukuwento siya ng mga fantasy sa akin?! Akala ko talaga nun eh siya yung takas sa kabilang kuwarto.

Pag naaalala ko yun ay natatawa pa rin talaga ako. Pero mabait din naman si Keera at nakakatawa talaga siya kahit minsan kapag naiirita kasi super girly at kulit niya. Dahil siguro sa mga ganung qualities kaya kami naging mag-bestfriend.

Her Beta ManWhere stories live. Discover now