Chapter 20: Meeting the half-humans

Start from the beginning
                                    

"Maupo na muna tayo Council…"… utos naman nung lalaking may dalawang sungay at ilong ng kalabaw..

Naupo nga sila katabi ng prinsipe..

"… hoy babae wag ka dyang tulala!!mun'tanga ka lang…tss!!umayos ka nga nakakahiya yang itsura mo…"… pinaikutan ko lang siya ng mata!txk!!wala na nga akong ginagawa dito eh!!ako na lang palagi ang napapansin… "…by the way, they are the council members.. at siya si Jeric..ang tagapamahala!"… pagpapakilala niya dun sa half-carabao… nakakatakot ang itsura niya lalo na kapag lumalaki ang butas ng ilong niya…

"Ikinagagalak kitang makilala binibini… sila naman ang ilang miyembro ng council… ito si Charlie…-  "…turo naman niya dun sa babaeng kalahating aso…"ingat lang sa kanya…bigla-bigla na lang kasi yang nangangagat!"…tumawa naman yung charlie sa sinabi ng tagapamahala…

"Wag kang maniwala hindi yun totoo…sa kanya ka mag-ingat at baka bigla na lang yan manuwag…hahaha"

"Ok enough!"… maawtoridad na utos ni Jeric at binigyan ng masamang tingin yung taong-aso!

"okay!pikon…"…nangingiting sagot naman niya…

"…nagpakilala naman sa'yo si Sweetcel kanina di ba??kaya yung asawa na lang niya ang ipapakilala ko… yang katabi niya ay ang asawa niyang si Giovanni…-"…napadako naman ang tingin ko sa lalaking tinutukoy ng tagapamahala…
-_-!?? Seryoso??mag-asawa sila?? Hindi ko akalaing pwede palang ma-attract ang pusa at unggoy sa isa't-isa!! Kasi naman san ba kayo nakakita ng pusa at unggoy na mag-asawa?? erR!!

"Hi…"…bati nung unggoy na si Giovanni sa'kin… napatango na lang ako bilang sagot!

"… at ito naman si Robelyn,siya ang aking kanang-kamay!"

Nag-smile na lang ako dito… nakakatense kasi kung makatingin ang robelyn na 'to eh! Parang istrikta siya dagdagan pa na nakasuot siya ng salamin… she's half-pig! Chubby din siya at Meron siyang tenga at ilong ng isang baboy… oink!oink!hehe

"… may iba pang miyembro ang council…makikilala mo din sila kapag nakapaglibot na kayo dito sa lugar namin…"

"Napanu yang mga sugat mo??"…biglang tanung nung taong aso na si Charlie ng dumako ang tingin niya sa mga tuhod ko…

"Ah anu kasi nada-…"

"wag na kayong magtanung…Nang dahil sa katangahan yan!"…singit naman ni kiel!! napaka-bwisit talaga kahit kailan!txk!!

"…grabe naman prince Kiel…why so rude on her??"… tanung naman ni sweetcel pero nakangiti naman ng nakakaloko..

Hindi umimik si Kiel,sa halip ay kumain na lang ito ng kendi.. eh??gusto ko ding kumain ng ganun! Pwede kaya akong kumuha ng konti sa parte ng bahay na 'to??

Napansin ko namang,lumabas sa isang kwarto yung babaeng nagbukas ng pinto para sa'min ni Evan.,yung may long-silvered hair..may dala siyang maliit na palanggana at lumapit sa'kin..

".. linisin natin sugat mo., "…sabi niya at dinampian ng bimpo ang sugat ako… matapos niyang linisin ng tubig ang sugat ko ay may nilagay naman siyang kakaibang bagay na kulay brown at pinatungan ng isang uri ng dahon na ngayon ko lang din nakita… medyo makirot kaya napapangiwi na lang ako…"maya-maya lang wala na yan kaya wag ka ng mag-alala…"

tumayo na ito at iniligpit na din niya ang mga ginamit niya sa paggamot sa mga sugat ko…

"Salamat…"…

Ngumiti lang siya sa'kin bago siya umalis at pumasok ulit dun sa silid kung san siya lumabas kanina…

"…siya si Samantha… she's one of the good witches that possessed a healing spell and she's a furtune teller at the same time…"

Astig naman pala ang magic niya… siya pala ang doctor dito!tapos nakakahula pa siya…magpapahula nga ako sa kanya pag may pagkakataon…hehe itatanung ko kung matatagpuan ko na ba yung matagal ko ng hinahanap…

"Ouch-…"… napangiwi ako ng hindi ko sinasadyang mahagip ng kamay ko ang tuhod ko…

"Tanga talaga!tss…at wag kang ngumiwi dyan…lalo kang pumapanget!tss…"

"Heh!!!bwisit!!"…

Napansin ko namang nangingiti ang mga councils pati na din ang katabi kong si Evan…bakit kaya??anu ba naman yan??weird na nga looks nila…pati ba naman ugali weird din…ahay!

"…uhm excuse me po, uhm pwede pong magtanung??"… nahihiya kong tanung at tingin dun sa tagapamahala…

"Nagtatanung ka na!tanga…"…walang modo talaga ang prinsipeng 'to!hindi naman siya ang tinatanung eh!!

"Oo naman,anu ba yun binibini??"

"…uhm…anu po kasi… uhm…pwede pong makahingi ng kendi at tsokolate??",. Naiinggit kasi ako sa mokong na yun eh!panay kain ng kendi hindi man lang ako anyayahan… selfish!

napunoh ng tawanan ang buong sala at ng lingunin ko si kiel ay napapailing na lang din siya,.

anu ba mali sa tanung ko??hmft!

"Oh!!"… sabi ni Kiel at tinapunan ako ng isang kendi na parang lollipop style kasi may stick na hawakan… buti na lang at nasalo ko kung hindi baka sa mukha ko na yun lumanding…ang bastos talaga ng lalaking 'to!grrR!!!…"para kang bata!tss…"

"Of course you can… eat all you can…"

Wow!!eat all i can daw!!haha pero baka sumakit naman ngipin ko nito…


















-----------

To be continue…

I'm Dame And This Is My Almost A Fairytale Story ♚♛(Completed)Where stories live. Discover now