Hinimas niya ang isa kong dibdib. Ganoon na lamang ang gulat ko at sa sobrang bilis ng galaw niya ay naramadaman ko na lang tinutudyo ng dila niya ang nipple ko. Tinulak ko siya at tinaas ang bra ko.

"Anong ginagawa mo!" habol habol ko ang aking hininga. Para akong napagod sa sobrag hingal kahit umupo lang naman ang ginawa ko.

Kinagat niya ang ibabang labi, inismiran niya ako at inayos ang damit ko. Muli niya akong pinahiga sa kama at humiga sa tabi ko. Tumawa siya at hinalikan ang sintido ko.

"What can you say?"

"Say about what?" tinaasan ko siya ng kilay. Hinuli niya ang kamay ko at linaro ang daliri ko.

"About what we did. I'm about to make you come, kung hindi mo ako pinigilan ay first orgasm mo sana ito."

"At bakit mo naman gustong gawin 'yon?" pagsusungit ko at tinaasan siya ng kilay ngunit muli niya akong tinawanan at linagay ang kamay niya sa bewang ko. Napasinghap ako ng hilain niya ako papalapit sa kanya.

"It's my way of welcoming you in my life again, but good thing you stopped me. Kung hindi ay manganganak ka na sana after nine months." hinampas ko siya.

"Samson hindi 'yan magandang biro!"

"I know. I know. I'm sorry, okay? Na carried away lang." tumawa siya at hinalikhalikan ang noo ko.

Kinagat ko ang ibabang labi at nag pigil ng ngiti. Kahit nahawakan na niya, nahalikan at nakita ang dibdib ko pakiramdam ko ay hindi iyon kabastusan. Kitang kita ko kasi ng pagmamahal sa mata niya. Kung paano ito mangislap sa tuwing titignan niya ako. I see nothing but love.

"So, uhm… what are we now? I mean, ganito ang set up natin ngayon? Magkikita kapag… alam mo na." tumigil siya sa paghalik sa mukha ko at pinantay ang ulo saakin.

"Is this what you want, Rosalyn? Kasi sa totoo lang ayoko ng ganito. Gusto ko akin ka lang at ang buong oras mo." napabuntong hininga ako.

"Samson, hindi kasi ganoon kadali-"

"Alam ko. Kung ito lang ang pwede nating gawin sa ngayon ay wala na akong magagawa pa. Makikipaghiwalay ako kay Talia sa araw na gugustuhin mo. Ikaw na lang ang hinihintay ko, Rosalyn. It's my fault that you fell in love with Felix. Kahit masakit, magtitiis ako."

Hindi ako sumagot at yinakap siya. Ibinaon ko ang aking ulo sa dibdib niya. Nahihirapan ako. Ramdam ko namang nagsusumikap siyang muling makuha ang tiwala ko pero hindi parin ganoon kadali. Madaming masisira at magagalit. Kung ito lang ang tanging paraan para magkasama kami ay susubok ako. Kung hindi nag click ang pagkakataong ibibigay ko sa kanya ay mananatili ako kay Felix.

Kung kabaliktaran nito ang mangyayari… handa akong ipaglaban si Samson, at ang muling pag-usbong ng damdamin ko sa kanya. Kahit sa ganitong set up lang… mananatili ako sa taong lubos na nakakapagpasaya saakin.

"I have to go, past nine na baka hanapin ako ni Kuya Ronnie." anas ko ng humiwalay sa kanya. Sumimangot siya at humigpit ang yakap sa akin.

"I thought you're going to sleep here."
"Samson, hindi pwede." mas lalo siyang sumimangot kaya naman tumawa ako ng mahina at kinurot ang ilong niya. 

"Fine." binitawan niya ako at umupo sa kama. "By the way, pupuntahan kita bukas sa trabaho mo."

"Why? Hindi pwede, makikita tayo ni Talia."

"Gagamitin ko sasakyan ni Jackson, tatawagan kita kapag nasa school na ako. Hihintayin kita sa labas." ako naman ang sumimangot at tumayo. Nagsisimula pa lang kami pero parang may balak na siyang mag pahuli.

"Kung hindi ka sisipot, papasukin kita sa opisina mo. Wala akong pakialam kung makita nila tayo." binato ko siya ng unan ngunit nahuli niya iyon at tumawa.

"Blinack mail mo pa ako!"

Magkahawak kamay kaming bumaba ng hagdan at hindi maiukubli ang wagas na ngiti sa aming mga labi. I felt stupid for letting him controls me. Pero may magagawa pa ba ako kung bumabalik ang dati kong nararamdam para sa kanya at nagiging marupok sa tuwing nagmamakaawa siya at ngumingiti?

May kapangyarihan talaga si Samson at nagagawa niya akong palambutin. Nang huminto ang sasakyan sa may kanto ay nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga, nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpahatid pauwi sa kanya samantalang gusto ko pa siyang makasam ng mas matagal.

"You really want to leave me right now?" hinuli niya ang baba ko at hinarap ang mukha sa kanya.

"Kailangan,"

"Pero ayaw ko." sumumingot ako at dinamba siya ng yakap.

"I really have to go, Samson. Kita na lang tayo bukas, okay?" nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago humiwalay.

"Okay. See you tomorrow, Rosalyn." napangiti ako at natanggal ang mabigat na bagay sa dibdib ko ng ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba at sinara ang pinto. Pagkasara ng pintuan ay sinandal niya ako sa sasakyan at muling siniil ng agresibong halik. Binuka ko ang aking labi upang lumalim pa ang halikan namin. Nang humiwalay kami sa isa't-isa ay habol habol namin ang paghinga.

"See you tomorrow?" tumango ako at hinalikan ang pisngi niya. Hindi ko man kasi kita ang mukha niya dahil madilim at tanging poste lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag ay ramdam ko ang lungkot ng boses niya.

"Opo. Ingat ka sa pag-uwi ah?" tumango siya at muling hinalikan ang labi at noo ko.

Pinisil ko ang kamay niya. Tumalikod at aalis na sana ngunit ayaw niyang bitawan ang kamay ko kaya naman napatigil ako at sinulyapan siya.

"Samson,"

"Dapat kasi sa kwarto ko na ikaw matutulog." dinala niya ang kamay ko sa labi at hinalikan iyon bago pinakawalan. "Bye, Rosalyn, good night."

"Good night, Samson."

Tuluyan na akong tumalikod at binilisan ang paglalakad. Nang muli akong lumingon sa gawi niya ay nag alala ako ng hindi ko na matanaw ang bulto niya. Kinabahan ako at tumigil sa paglalakad. Nasaan na si Samson? Akmang babalikan ko siya ng may umilaw sa direksyon niya. Cellphone niya iyon at winagayway sa ere.

"Go home, Rosalyn. Kita tayo bukas. I love you."

Sinunod ko ang sinabi niya at tumakbo hanggang sa makarating sa bahay. Sumandal ako sa pintuan ng makapasok at hinawakan ang kaliwang dibdib ko. Malalagutan na yata ako ng hininga sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now