Kabanata 15

28.3K 519 23
                                    

Freedom

Inayos ko ang sumbrero ko at tinanggap ang inaabot ni Jayden na glasses sa akin.

"Doon muna kami ni Dylan" tumango ako sa sinabi ni Jasmine. Sumunod ang mata ko sakanilang dalawa ni Dylan at hindi ko mapigilang mapangiti.

Nagpumilit si Dylan na sumama, ayaw siyang pasamahin ni Jasmine dahil daw baka hindi ako komportable na sumama ang kapatid ni David pero sinabi ko na okay lang sa akin dahil wala na sa akin iyon.

Napalingon ako nang magsalita si Jayden. Nasisinagan pa ng araw ang kanyang mukha kaya hindi ko siya makitang maayos.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Jayden habang nag iikot kami sa may Borbon, isa sa mga municipality ng Cebu.

Ito na ang second stop namin ngayong araw na ito para sa paghahanap kay Ate Pin.

"Huh?"

Inilibot ko ang mga mata ko sa lugar. Wala pa kaming nakikitang lead.. pero naguumpisa palang kami. Hindi ito ang oras para sumuko. I know we are getting there.

"Bakit hindi natin isasama ang Argao at ang mga kalapit na lugar doon sa lilibutin natin?" Napabuntong hininga ako at inayos ang sumbrero ko.

He was talking about what I said a while ago. Nakausap na kasi ni Ivor ang kapatid niya na tumulong sa paghahanap.

"Hindi naman sa hindi natin hahanapin si Ate Pin doon. Its just.. tutulungan tayo ni Ivor para mahanap siya. Mas mabilis tayong makakapag-hanap if hindi na natin kailangan isipin pa ang mga lugar na yon"

I know na hindi siya sangayon dito pero I really think that this is a great idea. Mabilis kaming makakapag move sa ibang lugar kung mababawasan ang mga kailangan namin libutin.

"Fine.. I trust that Montgomery" napangiti ako at nag-abot na sa mga tao ng flyers.

Actually, hindi naman namin kailangan sumama sa paghahanap pero gusto namin ay kahit sa firstday lang ay nandito kami. I want to help finding her kahit konti lang. Si Kuya Joss nga ay gustong gustong sumama pero hindi niya magawa dahil kailangan siya sa opisina. He is now the CEO of SSM kaya hindi siya pwedeng mawala doon.

"Sana po ay ma-contact niyo kami kung mahahanap niyo po itong nasa picture." Ngumiti ako sa isang matanda at binigyan din ang iba pang mga nagtitinda.

"Hindi ba ito yung natagpuan doon sa dagat na palutang lutang? Yung magandang babaeng napulot ni Delfin at ni Marissa?" Napalingon ako sa sinabi ng matanda. Tinatanong niya ito sa kasama niyang nagtitinda.

Liningon ko si Jayden at mabilis kaming lumapit doon. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko.

"Manong.. nasaan po iyong babae? Pwede po ba namin siyang makita?" Wika ni Jayden. Nakita ko ang ekspresyon ng matanda at mukhang hindi maganda ang sasabihin niya.

Ito na yon. Malapit na.. konting konti nalang.

"Ay hijo! Nahuli kayo. Lumipat sila ng tirahan kahapon lamang. Nakahanap kasi si Marissa ng trabaho sa ibang bayan." Parang bumigat ang loob ko sa sinabi ng matanda. Nakakainis pala at nakaka frustrate kapag alam mong malapit na pero hindi mo pa makuha.

Lumapit na din si Jasmine sa amin kasama si Dylan. Napahawak ako kay Jasmine.

"Yung babae po? Sinama po nila? Bakit po nila hindi sinabi sa mga pulis? Saan po sila lumipat?" Sunod na sunod na tanong ni Jayden.

"Hijo hindi ko rin alam pasensya na. Palipat lipat din kasi iyong pamilyang iyon." Napapikit ako..

"Y-yung babae po? Kumusta po siya?" Nanginginig kong tanong. Pero parang nahimasmasan naman ako nang makita ko ang ngiti ng matanda.

Loving The Green Stone (FS # 2)Where stories live. Discover now