Kabanata 14

28.4K 590 22
                                    

Family

Naka sandal kami sa hood ng sasakyan niya. We were just there while looking at the sky. Pinaglalaruan niya ang kamay ko. Lumingon ako at tinignan ang driver niyang pinagmamasdan kami.

"Joachim, pupunta pala kami sa Visayas tomorrow.. sasama ako sa first day ng pagiikot sa visayas."

"I'll help. Wag na kayong pumunta sa Argao. I'm just gonna tell Teo about your case para siya na ang maghanap doon." Napangiti ako pero ayoko ng ganon.. nakakahiya.

"No need. Wag mo na siyang abalahin pa. Kami nalang ang pupunta doon." Saad ko.

"No, I insist. Para mabawasan yung lilibutin niyo. I am gonna ask my people to search there too" tumango nalang ako. Maybe I really need his help. May lupa sila doon kaya mas kabisado niya ang Visayas.

Lumingon ako at napatingin ulit sa driver niya.

"Hindi ba nakakahiya sa driver mo?" Nasa loob lang kasi ito habang kami ay namo-moment dito.

"Nah, don't mind him. I trust him and he knows what I've been through so hindi na ako nahihiya sakanya. He was also a good friend of mom." Hindi ko mapigilang mapangiti sakanya. He treats him like a family pero kahit ganon ay gusto kong ma-overcome niya ang takot niyang magdrive.

"I think you should learn how to drive" hinihintay ko siyang magalit pero hindi yon nangyari.

"Bakit naman? I can survive forever na may driver" I need to pursuade him atleast.

"Paano pag nagka anak na tayo? Driver din ang maghahatid sakanila?" I hope gumana to.. please.

"You have a point. Well okay.. I'll try" nanlaki ang mga mata ko. I mean ito ang gusto kong sagot pero hindi ko expect na ganito niya kabilis ibibigay.

"Really?" Masayang masaya ako. Atleast he is trying.

"Yes.. I want to do this. For myself and for you" tumango ako at tumingin muli sa langit.

I will bring him back. I will bring back his missing pieces.

"I need to go back to New York.. I just need to see you." Tumango ako sa sinabi niya. I know, balita naman sa akin ni Ris ay malapit na daw matapos ang project doon ni Ivor. Ris is one of the staff na under ng SSM na tumutulong sa project ng Montgomery.

"Ate! Dad's calling you. Bakit hindi ka pa daw pumapasok?" Sabay kaming napalingon sa lumabas ng gate.

My annoying sweet brother, Jace was standing in front of our gate. Ngumisi ito at nagpamulsa.

"Jace.. tell dad that I'll be there shortly" pinanlakihan ko pa siya ng mata. Panira talaga tong kapatid kong to!

Jace and I are very close. Kahit na madalas kong kasama ay sila Jasmine at siya naman ay sila Jamelia.. pag uwi naman ng bahay ay siguradong may bonding time kami nila mommy. He knows everythin, pati na ang about kay David dati. Hindi lang siya nag rereact dahil bata pa siya non but now that he is a college student, mukhang nakikisaw-saw na ang kapatid ko sa love life ko.

Lumapit siya sa amin at ngumisi lalo. We often tell him na kamukhang kamukha niya si Jerem. Close din kasi ang dalawa dahil siya ang laging kino-kontyaba ni Jerem.

"Dad is eyeing you.. there" saad niya sabay turo sa CCTV namin na nakakabit sa gate. Tutok na tutok ito sa amin.

Kung meron pa silang pagkaka parehas ni Jerem ay siguro ang kakayahan nilang buwisitin ang araw ko.

Napakagat ako ng labi at liningon ko si Ivor. Wala mang takot sa mga mata niya at nagkibit balikat lang. People are usually afraid of my dad lalo na sa business world pero na-alala ko ang sinabi ng mom niya. They are richer than I thought they are kaya siguro malakas pa rin ang loob niya.

Loving The Green Stone (FS # 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat