Kabanata 9

33.5K 607 16
                                    

Home

Nakatingin ako sa labas ng kotse. I am smiling pero tinatago ko iyon, nahihiya ako sakanya. Ano ako? Highschool? Hindi ko naman akalain na sa ganito lang ay kikiligin ako, tuwing titingin ako sakanya ay mahuhuli ko siyang tumitingin din sa akin.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at nakita kong seryoso lang ang tingin niya sa harap. Pinagsiklop niya ang isa niyang kamay sa kamay ko.

Napatingin ako sa harap dahil nakita ko si Jerem at Rickos sa harap ng apartment ko. Bakas din ang gulat sa mga mata Ivor. Pinisil ko ang kamay niya noong tumigil kami sa harap nila. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nakangisi si Jerem at nakakunot ang noo ni Rickos.

"What are you doing here? Pagkatapos niyong i-neglect ang call ko ay magpapakita ka dito?" Baling ko kay Jerem at nagseryoso ang ekspresyon niya.

Bumaling ako kay Rickos. "Hindi ba ay sa makalawa pa ang balik mo?"

"Ginamit namin ang Harris" he was pertaining to the family's private plane.

Kinabahan ako bigla. Nasa likod ko pa rin si Ivor. Tinignan ko ulit silang dalawa, hindi sila mag pa-private plane kung hindi importante.

"We need to go home Jade" seryosong wika ni Jerem. Napaawang ang labi ko.

Number one, Jerem is not the serious type so maybe something happened. Number two, why suddenly go home? Number three, hindi nila ako ki-contact for how many days tapos ganito bigla? Number four, sumama pa si Jerem para sunduin ako, there must be something.

"W-why?"

Nagkatinginan silang dalawa. Lumapit sa akin si Ivor at hinawakan ang kamay ko. I saw Rickos' expression at hindi siya natutuwa.

"Ate Pin is missing" ani Jerem, nagiwas ng tingin si Rickos.

Napatakip ako sa bibig ko. Humigpit ang hawak sa akin ni Ivor. Ang dami kong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.

"W-what happened?" Nanginginig ako. Ngayon ko lamang napapagtagpi ang mga pangyayari. Is this why they can't contact me? Hinahanap nila siya?

Paano siya nawala? I want to ask things pero walang lumalabas sa bibig ko.

"We'll explain it to you later. Papasok na muna kami at aayusin ang mga gamit mo" saad ni Jerem.

Tumingin si Rickos kay Ivor. "Mukhang kailangan mo ding magpaalam sakanya"

Malamig ang kanyang tinig ng sabihin niya iyon. Pumasok silang dalawa sa apartment ko, Rickos has the spare key kaya nakapasok sila. Liningon ko si Ivor at halata ang mga pangamba sa mata niya.

"I need to go home Ivor" nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I will help find her. Do you want me to go with you?" Mabilis akong umiling.

Ayoko naman na dahil lang sa akin ay babalik siya. May mga dapat din siyang ayusin dito.

"Representative ka ng Montgomery kaya ka nandito hindi ba? Teo can't continue what you're doing, Danziel is not around so you need to be here. Kaya ko ito.. kahit ganito naman ay kilala mo naman siguro ang pamilya namin hindi ba? We can find her." Saad ko.

Ngumiti ito at yinakap ako. Napangiti din ako at yinakap siya.

Pakiramdam ko napakabilis ng lahat.. nakakatakot sa bilis. Its like we're in a roller coaster ride, nakakatakot dahil sa bilis, maraming pagdadaanan, maraming paikot-ikot pero sana tulad nito ay babalik at babalik pa rin kami.

"Wait for me there.. tatapusin ko lang ang mga dapat tapusin dito" tumango ako ng marahan at nagulat ako nang may humila sa akin mula sa pagkakayakap niya.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon