Simula

80.9K 1.1K 37
                                    

I sighed looking outside while watching the busy street of New York. Namimiss ko na ang mga pinsan ko sa Pilipinas pero nakakapag adjust naman ako, with the help of Tito Ram's family.

I looked at my watch and I saw that its already 7pm.

I looked at my phone at napa-ngiti ako dahil nakita kong nagpost si Jerem ng group picture nilang magkakasama sa isang restaurant. Mukhang nag dinner sila, kompleto sila doon with Jess. He posted it in our Viber Groupchat.

Naiinggit ako! I replied and sent a crying sticker.

"Ms. Jade, we're here" wika ng driver ko. Lumabas na ako at tumingala, I stared at the hotel kung saan gaganapin ang auction ng mga young businessman. Pakana to ng SSM so imbitado ako. I actually don't want to come pero pinilit ako ni Rickos dahil kasama daw siya sa i-aauction. Gusto niyang mag bid ako for him, uh! He is bluffing.

"Ris, pag in-auction si Rickos, bid for him okay? Ayokong maki sawsaw doon." Sabi ko at ngumiti sa sekretarya ko.

Nung pumunta akong New York ay nagtrabaho na ako under SSM, actually ayaw nilang pumayag na head ng marketing lang ako dahil isa daw ako sa anak ng may ari but I insisted. I want to build my own name not just as anak ni Bea and Chand Scott.

Its already six months after I went here and I am missing my family already. Araw araw naman ay nag s-skype kami and I am always active sa viber groupchat namin pero iba parin pag sa personal. Buti nalang at Rickos, Tita Ella and Tito Ram are there for me.

Pumasok na ako sa venue at linibot ang mata ko, there are familiar and unfamiliar faces.

"Ija" napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isa sa mga major stock holders ng company. Isa rin siya sa mga matalik na kaibigan ni daddy.

"Tito Daniel" bati ko at mabilis na lumapit sakanya. Mabilis ko itong yinakap.

"Buti po at nandito kayo? Huling balita ko ay nasa Greece daw po kayo with your family." Magalang kong sinabi.

"Well, I will never miss the chance to be here. Inimbitahan ako at naisip kong pumunta tutal tapos na ang bakasyon namin." Tumango naman ako, dumaan ang isang waiter kaya kumuha ako ng wine.

"Hey" may umakbay sa akin at nagulat ako dahil doon. Natawa naman si Tito Daniel dahil doon.

"Rickos!" Naiinis kong sabi at inalis ang pag kaka-akbay niya sa akin. Siniko ko siya pero binalik parin niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Hi Tito!" Masiglang bati ni Rickos. Gosh! Jerem the 2nd!

"Kayong mga batang kayo. Are you in a relationship? I mean the two of you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tito at napabitaw naman sakin si Rickos dahil natawa siya.

"Tito! Parang kapatid ko na si Jade! That would be incest" natatawang paliwanag ni Rickos. Pati tuloy ako gustong matawa.

"Tsaka tito, before si Jasmine ang binubusit niyo sakanya. Ngayon ako naman?" Dagdag ko pa kaya napangiti si Tito Daniel.

"Well sorry for that ija." Wika niya at may bumulong na isang staff sakanya. Tumango naman siya sa staff bilang tugon.

"I need to go. See the both of you soon. Kumusta niyo ako kay Ram." sabi ni Tito at mabilis na lumabas ng venue.

Humarap ako kay Rickos at pinalo siya sa braso.

"Ano nanamang problema mo? Ikaw ah! Mag lalabas ako ng pera sayo so ayusin mo but I think konti lang naman ang ilalabas kong pera. Wala naman siguradong mag bi-bid for you" biro ko sakanya kahit sigurado akong maraming mag bibid sakanya. I need to ready a big amount of money for this buti nalang at alam kong babayaran niya ako. And besides, sa Charity naman mapupunta ito.

Loving The Green Stone (FS # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon