Chapter 56 - Final Chapter of Book 1

Start from the beginning
                                    

Nitong mga nakaraang araw ay balisa at hindi mapakali sina Mama at Papa. Lagi silang may malalim na iniisip. Kapag tinatanong ko naman kung ano yun, ayaw nila akong bigyan ng diretsong sagot kaya wala ako magawa kundi ang intindihin at unawain na lamang sila. Kahit hindi nila sabihin sa akin, alam ko naman na ayaw lang niyang mag-alala ako ng husto.

" I love you. . " Mahina lang ang pagkakasambit niya pero tamang tama lang para makaramdam ako ng kilig at naging dahilan para ako ay ngumiti nang pagkalapad lapad at heto na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

" I love you too. . Daniel. " Biglang siyang kumawala mula sa pagkakayakap sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha kaya tumango ako para lalo siyang maliwanagan.

" Salamat. . Hindi ko na pala kailangang manligaw kasi ngayon pa lang sinasagot mo na ako. " Lalong lumapad ang kanyang ngiti. . Ginantihan ko siya ng isang napakahigpit na yakap.

" Shayne! "

" Hmmm. .  " may naramdaman akong may umaalog sa katawan ko kaya napadilat ako bigla at ang ulo ko. .

" Anak! Kanina pa kita ginigising. May bisita ka. Hintayin ka na lang namin sa baba. " Sabi ni Mama sa akin.

" Bisita? Sino naman po? Sige po sunod na lang po ako. " Saka lumabas ng kwarto ko si Mama.

Napasapo ako sa ulo ko. Bakit ganon? Napakasakit na naman ng ulo ko na parang bang inihahampas ang ulo ko sa pader na parang yelo! Hindi ko alam kung bakit napapadalas na ang pananakit nito. Kulang lang ba ako sa tulog dahil sa napapadalas kong pagpupuyat nitong mga nakaraang araw dahil sa paggawa ng mga questionnares sa quiz bee. Speaking of quiz bee. . Dahan dahan akong bumangon sa kama ko at pumunta sa study table ko.

Teka. . kung natutulog ako?. .  Paano ako napunta sa bahay?

Sa pagkakatanda ko,  nasa ICCT ako at nakikinig ng lecture ng prof namin nang bigla ako makaramdam ako ng pagkahilo kaya nagpaalam ako na mag-ccr lang ako. Pagtayo ko sa upuan ay tuluyan na akong nawalan ng malay at huli kong narinig ang pagtawag ni Daniel sa pangalan ko.

Kung hindi ako nagkakamali, si Daniel ang naghatid sa akin sa bahay at hindi ako kinidnap? Sino kaya yung taong nagdala sa akin sa baba. Siguro tanungin ko na lang si Mama para malaman ko kung sino at kailangan ko siyang mapasalamat pero isa lang ang isinisigaw ng isip at puso ko. .

Sana si Daniel ang naghatid sa akin dito. . Kung siya? Paano niya ako nadala dito sa kwarto? Ibig sabihin ba nito. . Ang mga yakap at halik na nasa panaginip ko ay totoo? Pero paano?

Hinatak ko ang upuan sa study table.

O__O

" Bakit nandito yung gamit ko? Ano yun nilabas ko lahat ng gamit ko nung tulog ako? Hindi naman ako nagsleep walking -__- " Biglang bulalas ng aking bibig.

Nasa labas nga ang mga gamit ko pero maayos niya itong inayos. Napansin ko ang isang papel na nakaipit sa isa sa nga libro. Hinatak ko ito ng dahan dahan at saka sinuri mabuti kung ano ang nakalagay dito.

" Score. . sheets. . "  Binasa ko nang mahina ang nakasulat sa papel.  .

Score sheets? Hindi ba ito yung ginagawa  ko kagabi? Pero paanong natapos na ito ng ganon ganon na lang? Ang galing ko naman siguro kung natutulog ako eh ginagawa ko ito kaso iba yung panaginip ko kesa sa iniisip ko.

Natatandaan ko pa ang ilang eksena o parte ng panaginip ko. Ang mga parteng yun ay parang makatotohanan lalong lalo na sa part na yun.

Napahawak ako bigla sa labi ko. Naramdaman ko talaga siya na may humalik sa akin. Malambot at mainit ung labi niya at yung halik niya, punong puno ng pagmamahal. Kung tutuusin, napakaswerte naman ng taong yun. Nakanakaw pa siya ng halik sa akin. >.<

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now