"Kung ano man yung ipinakita ni Jacob na kabaitan kay Jasmine, dahil lang yun sa pagiging maawain niya."

Napalunok ako. Bumalik ulit sakin lahat ng alaala nung magkalayo kami ni Jacob.

Tumatango si Auntie Precy sa sinabi ni April, "Mabait kasi si Jacob. Yun ang punto. Sigurado akong nagkakaclose lang sila ni Jasmine kasi hinahayaan niya na lang. Kakagaling lang sa break up ni Jasmine-"

"Pero nag confess siya kay Jacob... Sinabi niyang mahal niya si Jacob at hinalikan sa labi."

"Yun ang point ko, Rosie." Singit ni April. "Kakagaling lang ni Jasmine sa break up, kaya nabigla si Jacob nang sinabi ni Jasmine yung feelings niya para kay Jacob. Nagdalawang isip pa siya kung harsh niya bang tatanggihan si Jasmine o dahan-dahan niyang tatanggihan ito. Basta ang alam ko, sa aarw na nagkita tayo dito sa Alegria, agad umalis si Jacob pabalik ng Manila. Ni hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagdalaw mo. Saka ko narinig na nag away si Jasmine at Jacob."

"Bakit?" Tanong ko kahit obvious na.

"Ang sabi ng mga nagtatrabaho sa trucking, narinig daw nilang sinigawan ni Jacob si Jasmine na 'SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN'" Humagalpak sa tawa si Auntie Precy.

Napangisi din si April.

Ngumuso ako at tinignan ulit silang dalawa. Mangiyak-ngiyak na si Auntie sa kakatawa.

"Lokong Jacob! Ewan ko ba! Talagang baliw siya sayo, Rosie." Sabi ni Auntie.

"Di ko naabutan yung pagsigaw niya. Umalis na ako. Nadisappoint ako sa pagtagal nung halik."

"Yun din ang iniisip kong iniisip mo kaya ako nandito para ipaliwanag sayo ito." Sabi ni April ng nakangiti.

Hindi ko na naman siguro kailangan ng paliwanag. Bago pa ako nakarating dito at narinig yung paliwanag nila... napatawad ko na si Jacob. Salamat na rin at narinig ko ang side ni April, nawala na ng tuluyan ang bigat ng nararamdaman ko para samin ni Jacob.

"Uhm... Thanks, April." Huminga ako ng malalim.

"Okay lang. Pambawi sa lahat ng nagawa ko. Kung hindi rin naman sakin si Jacob, dapat sayo lang siya." Ngumisi siya.

Ngumisi din ako.

Weird. I know that was weird pero bakit nakangisi din ako?

"Ehem! Uy, girls! Kumain na nga kayo..."

Tumawa si April at kumuha na ng plato para makakain.

Sa sobrang saya ko sa sinabi ni April, baka gawin kong scholar yung anak niya in the future!

"So, okay na kayo ni Jacob, Rosie?" Tanong ni Auntie Precy.

"Oo naman." Sabi ko.

"Weh? Hindi ako naniniwala! Kung totoong okay kayo, ba't andito ka?" Tumaas ang kilay niya.

"Akala ko ba ayaw mo nang nasa bahay nila ako?" Tumaas din ang kilay ko.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now