Kabanata 4

1M 21.8K 8.6K

Warning: Mejo Malandi...

----------------------

Kabanata 4

Ang Kailangan

"Pag naging successful ito, itetreat ko kayong lahat sa Imperial Bay!" Panghuling sinabi ni Ms. Bubbles pagkatapos ng rehearsal.

Pumalakpak ang mga models.

"Kaya gusto ko talaga sumali sa BSM ramp dahil dito."

"Bait talaga ni Ms. Bubbles!" Dinig ko ang mga comments ng mga models sa likuran ko.

"Thank you, Miss Bubbles!"

"Okay. See you sa sukatan! Be there, ayt? Ayoko ng last minute nang nagsusukat. I'll call this a day." Tumango siya at ngumiti samin.

Maiksi ang buhok ni Ms. Bubbles at palangiti siya. Designer kaya fashionista. Akala ko intimidating siya nung una, pero mali ako.

"Hi!" Untag ni Brandon sakin habang tumatayo ako at aalis na sana.

Nasa labas si Jacob, naghihintay sakin. Binalewala ko si Brandon pero pinilit niya ako. Sinundan niya ako sa paglalakad.

"Saan bahay niyo? Para mahatid kita! May sasakyan ako."

I glared at him. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

"No, thanks. Ihahatid ako ng boyfriend ko."

"Boyfriend mo pa pala talaga siya. Alam mo kung gusto mo ako, aasawahin kita agad. Wala ng boyfriend-boyfriend."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasabayan niya ako.

"Rosie!" Naaninaw ko si Jacob na seryosong nakahalukipkip sa labas ng office ni Ms. Bubbles.

"Jacob..." Halos tumakbo ako papunta sa kanya.

Nababanas ako sa kakasunod ni Brandon sakin.

"Sige, Rosie! Ingat ka! Alis na ako." Sigaw ni Brandon.

Napapikit tuloy ako sa inis at sa kaba. Natigilan si Jacob at tinignan si Brandon. Hindi na lumingon ulit si Brandon. Patuloy na lang siya sa paglalakad pagkatapos niyang sabihin iyon at lagpasan kami.

"Nag uusap kayo nun?" Tanong niya sakin ng nakasimangot.

"Hindi. Feeling yung mokong na yun. Naiinis nga ako."

"Edi iwasan mo?"

"Iniiwasan ko naman eh. Nakakainis! Hindi ako tinatantanan."

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!