Kabanata 19

699K 16.7K 3.5K

Kabanata 19

Tumatawa

"B-Bakit ka nandito?" Pambungad kong tanong kahit kitang-kita ko ang pagiging badtrip niya ngayon.

"Hinihintay kita." Aniya. "Tagal mong magbihis, eh."

"B-Bakit?"

Inayos ko ang sarili ko. Tinignan niya ako, head-to-foot. Pero nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko. Inayos ko pa lalo ang sarili ko.

Tumaas ang kilay niya at nag-iwas ng tingin. Pareho kaming bumuntong-hininga kaya nagkatinginan din ulit kami.

"Tapos ka na ba?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Hindi mo naman ako kailangang hintayin. You can go without me. We're not-"

"Not lovers, yes! Pero ang boyfriend mo lang ba ang may karapatang maghintay sa'yo, Rosie?"

Umiling ako. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to-"

"Kung kinakabahan ka dahil tingin mo narinig ko ang usapan niyo, oo, inaamin ko, narinig ko ang lahat. Pero wala akong sasabihin."

Uminit ang pisngi ko. Tumayo siya at suminghap.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... Pero wala akong karapatang masaktan. Lika na."

Naglahad siya ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa paglalahad niya ng kamay. Seriously? Iniisip niya bang tatanggapin ko yan?

"OOOPPS!" Sabi ng biglang pumasok na model. "Sorry... Uhm, nakaistorbo pala ako dito." Humalakhak siya.

"Hi-Hindi... Pa-a-"

Bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko ay nakaalis na ang humahalakhak at may masamang tingin na model.

"Naku naman!"

Tinalikuran ko si Brandon para lumabas na at matigil na itong kahibangan dito. Lumabas din siya. May ibang model na nagbubulung-bulungan tapos tumitingin saming dalawa. Hindi ko na lang sila masyadong inisip.

Pumunta na ako sa grupo nina Jamie na ngayon ay nakaupo sa buhangin malapit sa isang malaking bonfire.

"Rosie!!!" Sigaw nila.

Naglahad sila ng space para sakin.

"Dito ka..." Sabi nung isang model.

"Thank you." Ngumisi ako at umupo na rin kasama nila.

Nakita ko naman si Brandon na sumama sa pag iinuman ng male models sa kabilang side namin. Sumulyap din siya sakin. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang bibig niya nang nakitang nakatingin din ako sa kanya. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!