Kabanata 23

740K 17.4K 5.1K

Kabanata 23

Ang Sakit

Nakatulog ako sa bus dahil sa kakaiyak. Nanatiling naka-off ang cellphone ko hanggang sa nakarating na ako sa Manila. Wala akong planong tignan kung nagtext o tumawag ba si Jacob. Hindi rin ako sigurado kung may magbabanggit ba sa kanyang nanggaling ako doon. Tanging mga empleyado at si April lang ang nakakaalam na nanggaling ako doon.

Ginabi ako sa bus at madaling araw akong nakabalik ng Maynila. Sabado na at may ramp na ako mamayang 3PM pero kailangan nasa backstage na ako by 12. Uuwi muna ako para maligo at magpaliot ng damit. Buong byahe, wala akong kinain. Isang araw yata akong walang kinakain. Hindi naman ako ginugutom sa nangyari.

Namumugto din ang mga mata ko. Ayokong magtagal sa bahay at baka dalawin lang ako ng hinagpis doon. At pag nagdesisyon si Jacob na umuwi sa weekend na ito, baka magpunta siya sa bahay dahil wala ako sa kanila. Ayoko muna siyang makita. Gusto kong magpalamig. Kasi pag magkita kami agad, baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya. Alam kong kailangan naming mag usap pero wa'g ngayong naiisip ko pa yung halikan nila ni Jasmine.

"Rosie?" Kinatok ako ni Maggie sa banyo.

Madaling araw akong dumating kaya hindi niya namalayan. Ngayon lang siya nagising na nasa banyo na ako.

"Kasama mo ba si Jacob?" Dinig ko ang ngisi niya sa tanong niya.

"HINDI!" Sigaw ko.

"A-Ah? Nasan siya?"

"Nasa Alegria!" Sabi ko at nilakasan ang shower.

Hindi na ulit nagtanong pa si Maggie. Nang natapos akong maligo, nagbihis na agad ako at nag impake na naman ng damit para mamayang gabi. Sasama din ako sa party nila mamayang gabi.

"Rosie," Sambit ni Maggie habang inaayos ko yung bag at sinusuklay ang buhok.

Magpagupit kaya ako? Madaling-araw parin ngayon at pag aalis ako dito ng ganitong oras, wala akong mapupuntahan.

"Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa pagpunta mo ng Alegria?"

Umirap ako, "Obviously ang nangyari ay bumalik agad ako dito."

"Bakit nga? Nag-away ba kayo?"

Hindi ako nagsalita.

"Mag, magpapaspa lang ako para sa ramp mamaya. Saan ba maganda? Massage, spa, salon at kung ano pa... Saan maganda?"

Napakunot ang noo ni Maggie sa tanong ko, "Sa ganitong oras magpapa spa ka?"

"Oo. Saan?"

"Try mo na lang sa Vanity Works. May problema ba?"

"Salamat."

Binalewala ko ang tanong ni Maggie. Atat na akong umalis dito. Baka mamayang 6AM ay dumating na si Jacob sa bahay nila. Pag nakita niyang wala ako doon, susugod yun dito. YUN AY KUNG MAHAL NIYA PA AKO! Kung hindi, baka hindi na yun mag aabalang hanapin pa ako. O baka nga hindi na yun mag-aabalang umuwi pa dito.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!