Kabanata 8

811K 20.3K 3.1K

Kabanata 8

Surpresa

Mabagal mag maneho si Brandon.

"Bagal naman." Parinig nung lalaking model.

Tumawa si Brandon, "Kasalanan ko ba kung natutuwa akong bagalan 'to?"

Umiling ako. Wrong! Hindi siya mabagal mag maneho. Talagang sinasadya niyang bagalan ito.

Sumusulyap-sulyap pa siya sakin tuwing nag-oovertake siya. Nagpapasikat. Tumingin na lang ako sa labas para di ko na mapansin ang pagsulyap niya.

"Matagal na ba kayo ng boyfriend mo?" Binasag niya ang katahimikan.

Umubo yung lalaki sa likuran at humalakhak.

Hindi ko siya sinagot.

"Hmmm. Hindi naman siguro yun importante. Yung mga mag-asawa nga naghihiwalay din."

Pinaglaruan ko yung singsing na binigay ni Jacob sakin noon. Napuna niya agad kaya yun naman ang pinagdiskitahan niya.

"Engaged na kayo?" Tanong niya.

Liningon ko siya at sinimangutan.

"I'm just asking. What's wrong with that?" Tumawa siya nang nakita ang pagsimangot ko.

"Mag drive ka na lang." Sabi nung isang babae na tumatawa na rin.

Nang nakarating na kami sa Imperial Bay, nabigla ako dahil kakapark niya pa lang ay lumabas na siya agad sa sasakyan niya at umikot.

Akala ko nagmadali siyang pumasok sa loob ng resort, yun pala, pinagbuksan ako ng pinto. Napaawang ang bibig ko habang naglahad siya ng kamay at nakangisi.

Kumunot ang noo ko at umiling.

"No, Thanks. Kaya ko mag isa." Sabi ko at bumaba ng mag isa.

Ngumuso siya habang tinitignan akong naglakad palayo sa sasakyan niya. Humalukipkip ako at inayos ang buhok kong mejo may bakas pa ng hairspray sa modeling. Gusto ko tuloy maligo.

"Hi! Ba't ang tagal niyo?" Bati ni Kira samin.

Kasama niya si Ms. Bubbles at ilang models.

"Nandoon na sila sa loob. Nagkaroon ng maliit na program. Bilisan niyo na! I also have rooms for you. Ibigay niyo na lang sa sa reception yung bags na dala niyo." Sabi ni Ms. Bubbles.

"Oh, Rosie? Yan lang dala mo? Di ka ba mag s-stay?" Tanong ni Kira.

Umiling ako, "Di eh."

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!