Kabanata 12

847K 18.5K 6.8K

Kabanata 12

Paano Kung

Sa gabing iyon, hindi kami pinayagang matulog na magkasama o iisa lang ang kwarto. Sinugod ni Auntie Precy ang bahay nina Jacob nang nag alas nuwebe na at di parin ako umuuwi sa Bahay ni Lola.

"HOOOY! Ilabas niyo si Rosieee!" Panay ang sigaw niya sa labas ng gate nina Jacob.

Kahit nanonood kami ng TV sa sala nina Jacob, dinig na dinig ko parin ang pag-aalburuto niya.

Nagkagulo ang buong bahay ni Jacob. Lumabas kami ni Jacob para tignan si Auntie Precy. Lumabas din ang ibang mga katulong at guards nina Jacob para tignan kung sino yung mukhang baliw na pasigaw-sigaw sa gate.

"Precy, pwede mo namang pindutin ang door bell. Hindi mo naman kailangang sumigaw." Nabigla ako nang pati pala si Don Juan ay lumabas.

Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Auntie Precy. Umiling si Don Juan at tinignan kaming dalawa ni Jacib.

"I-Iuuwi ko si Rosie! Hindi siya pwedeng matulog dito! Dalaga pa siya kaya bawal!"

"Nako! Di na uso yan ngayon-"

Pinutol niya si Don Juan, "Hindi uso sayo, pero sakin, uso! Kanya-kanyang trip lang yan!" Sinugod ako ni Auntie Precy at hinila palayo kay Jacob. "Sorry, Jacob. Alam ko namang mabait kang bata... kaya okay lang naman siguro sayong sa amin matutulog si Rosie, diba?"

"Para namang ito ang first time na magkatabi kaming matulog. Eh naka ilang beses na kami."

Nalaglag ang panga ng lahat, except kay Don Juan.

"A-Anong sabi mo?"

Nakita kong pumula ang pisngi ni Jacob. Naasiwa siya sa pakikiusyuso ni Auntie Precy.

"Ibig kong sabihin... Ilang beses nang natulog si-si Rosie dito sa bahay namin-"

"Oo! Dahil sa mga beses na iyon, hindi niyo pinaalam sakin ang pagdating niyo. Pero ngayong alam kong nandito siya, sakin siya matutulog. Susmaryosep."

"Auntie..." Napabuntong-hininga ako.

"Sige na, Rosie. Umuwi ka na lang sa inyo at baka mabaliw pa yang Auntie mo." Sabi ni Don Juan.

Biglang sinapak ni Auntie Precy ang braso ni Don Juan.

"Tseh! Ayoko lang..." Nakita kong mas lalong pumula ang pisngi ni Auntie.

Hindi ko alam kung ano dapat ang karugtong kasi hindi niya na dinugtungan pa... Tinalikuran niya na lang sila para umalis na.

"Jacob," Tumindig ang balahibo ko sa boses na ginamit ni Don Juan. Malamig at puno ng command. "Ihatid mo sila."

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!