Kabanata 20

722K 17.4K 6.2K

Kabanata 20

Kahit Hindi Darating

Hindi ako mapakali sa mga sumunod na araw. Hindi ko kayang mag isip ng bukod sa nangyayari ngayon kay Jacob. Nakakabuti nga ang paglayo niya sakin pero nakakasama din naman pala sakin.

Tulala ako tuwing may klase.

"Rosie!" Sabay snap ni Callix sakin isang araw nang nasa canteen kami. "Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Belle. Dapat kasi nag react na ako sa kalandian nila kanina. Dahil di ako nakapagreact, nagtaka tuloy ang dalawang ito.

"A-Ano?"

"Ang sabi ko, Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala!"

Tinignan ko si Belle at Ava na kanina pa nakatingin sakin gamit ang nag-aalalang ekspresyon.

"Okay lang ako..." Ngumisi ako.

Binalewala ako ni Belle pero diretso parin ang titig ni Ava sakin.

"Are you sure? May problema ba kayo ni Jacob?"

"W-wala!" Nanginig ang boses ko sa sagot ko.

Kumunot ang noo niya, "Tinawagan mo na ba siya?"

Napalunok ako sa tanong niya.

Kahapon, tinawagan ko siya...

"Hello, Jacob?"

"Rosieee!" Excited ang boses niya nang tumawag ako.

Tumaba ang puso ko nang narinig ang boses niyang sabik. Napawi lahat ng pagdududa ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Eto, kumakain? Ikaw? Wala ka bang pasok?" Tanong niya.

"Uhmmm. Papunta ako sa next class ko ngayon. Hehe. Anong kinakain mo?"

"Itong niluto ni Jasmine. Taste test daw. Unang beses niya pa daw tong niluto kaya ako muna ipapatikim niya."

Napalunok ako.

"Hindi naman ako naniniwalang unang beses eh ang sarap agad. Galing niyang magluto, ah! Grabe!"

"Wow! Talaga? Ano bang niluto niya?" I need to make this conversation as normal as possible!

"Brownies. Hindi kasi siya mahilig mag bake pero ngayon sinusubukan na niya."

AH. OK. Yun ang napala ko sa pagtawag ko sa kanya.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!