Kabanata 9

788K 19.9K 4.1K

Kabanata 9

Sigaw

Mahigpit niya akong niyakap habang humahalakhak. Tinakpan ko na lang ang mukha ko kahit nakasandal na ako sa dibdib niya. Pag naaalala ko talaga ang mga pinagdaanan namin, naiiyak na lang ako.

"Uyyy! Jacob! Nandito ka pala!" Tinapik ni Kira ang balikat ni Jacob.

Kinalas niya ang pagkakayakap sakin. Pinunasan ko ang sarili kong luha at natawa na lang sa sarili ko.

"Kilala ba kita?" Pambungad na tanong ng supladong si Jacob.

Nalaglag ang panga ni Kira pero ngumiti din.

"Ano ka ba! Ang sama mo ah? Turned on tuloy ako!" Humalakhak siya at kinindatan ako.

Umiling ako sa reaksyon ni Jacob. Seryoso at mukhang galit ang mukha niya.

"Kaw naman, di ka mabiro." HInaplos saglit ni Kira ang biceps ni Jacob.

Kumunot ang noo ni Jacob nang tinignan ang kamay ni Kira na nakahawak sa braso niya.

"Well, anyway, swimming, anyone?" Change topic ni Kira.

"Jacob, swimming?" Tanong ko.

Narealize kong unti-unti na pala kaming pinapaligiran ng mga models.

"Oh my gosh! Siya ba yung kumanta? Ang ganda ng boses ah?" Sabi nung isa sa pinakamatangkad na model. "Rosie? Di mo sinabing magaling pala kumanta yung boyfriend mo."

Ngumisi lang ako.

"Siya yung vocalist ng bandang Jacob, diba?" Tanong nung isang model.

Narealize kong naka two piece silang lahat. Ako at si Jacob lang yata ang balot na balot dito. Pati mga male models ay nakikiusyuso na rin.

Hinawakan ni Jacob ang kamay ko at umambang hihilain ako palayo.

"Uhm, oo." Sagot ko sa huling tanong. "Uhmmm. Sige, excuse me..." Sinabi ko sa mga nakiusyuso bago kami umalis ni Jacob.

Nagpahila na ako kay Jacob para malayo na kami sa mga usisero. Sinundan nila kami ng tingin kahit umupo kami sa pinakamalayong table.

"Rosie, uwi tayo ng Alegria mamaya." Aniya.

"WHAT? HA? Bakit?" Nabigla ako sa desisyon niya.

Hindi kaya napagdesisyunan niya nang doon siya mag f-field study sa Alegria?

"Basta!" Ngumisi siya.

"Huh?"

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!