Kabanata 6

873K 20.3K 6K

Kabanata 6

Simpleng Sinabi

Maaga akong nagising nang nag Sabado. Kakagising ko pa lang, binati na agad ako ng kaba. Iniisip ko palang ang venue na mukhang mauupuan ng halos isang libong tao, nanginginig na ako. Hindi ito unang beses na humarap ako sa mga tao. Noong highschool ako sa Alegria, sumali na ako ng Miss Intrams.

"Jacob..." Sabi ko.

Nag pu-push up siya sa balcony ng bahay nila. Maaga siyang gumising para mag jogging. Naabutan ko na lang siyang nag pu-push up na ngayon. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang half naked na nagpupush up pero na didistract parin ako.

Ang akala ko noon ay nahubog ang katawan niya sa Alegria dahil sa pagbubuhat ng kahoy at iba pang gawaing bukid, pero sinabi niya rin saking nag eexercise na rin siya noon pa. At mas dumoble pa yata ngayon dahil wala na kami sa Alegria.

Kinagat ko na lang ang labi ko habang tinitignang nag fi-flex ang muscles niya sa kakapush-up. Tumutulo na rin ang pawis niya. Ewan ko ba kung bakit noon ko pa talaga kinakahumalingan yang pawis niyang katawan.

"Baka ma-late ako." Sabay tingin sa relo ko.

"Last..." Aniya habang nag pu-push up parin.

Nagpasya akong picturan siya sa cellphone ko. Ang gwapo talaga ng kurimaw na ito. Sheeeet. Hindi na ako magpapakitang pinagnanasaan ko siya ngayon at baka ma-late na talaga ako.

Nakita ko ang cellphone niya sa tabi ko kaya tinignan ko ito. Patuloy siya sa pag pu-push up. Nakita ko na maliban sakin ay katext niya rin kanina si Leo.

Leo: Maymake up class tayo. Napaaga yung FS kasi mag aabroad yung prof for 2 months.

Jacob: Di ako pwede. May ramp si Rosie.

Leo: Ha? Paano yan?

Jacob: Absent.

Leo: Ikaw bahala.

"Jacobbb?" Tumaas ang boses ko.

Parang kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Napalingon siya at natigilan sa ginamit kong tono.

"B-Bakit?" Hiningal siya at napaupo sa pinupush-upan niya.

Hindi ko mapigilang tignan ang buong-buo niyang sparkling abs. Hinihingal parin siya habang tinitignan ako.

"Jacob, a-ano 'to?" Tinignan ko na lang ang cellphone niya para ma distract ako.

"A-Ano?" Lumapit siya sakin.

Puno ng pawis ang katawan niya. Yung parang nilagyan ng oil sa sobrang kintab. Tumutulo pa ang pawis sa ulo niya at bahagyang basa ang buhok niya. Sheeet! Napanga-nga talaga ako sa kakisigan niya. Hindi niya naman namamalayan yun dahil tinignan niya rin ang cellphone niya.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!