Kabanata 13

831K 18.8K 4.9K

Kabanata 13

Bye, Jacob

Mabilis natapos ang linggong iyon. Ganyan talaga ang buhay. Pag ayaw mong matapos ang mga araw, biglang bibilis ang oras. Pag gusto mo namang matapos na, babagal naman. Ngayong ayoko munang umalis si Jacob, biglang bumilis ang takbo ng panahon. Next week, araw-araw akong magwi-wish na sana ay bumilis ang panahon, pero alam kong mas lalo lang babagal iyon.

Patuloy sa pagsinghap si Jacob habang nagmamaneho patungong venue ng catwalk bukas. May rehearsal kami ngayon.

"Jacob, di bale... baka next time makakapanood ka na talaga."

Umiling siya, "Kung sana di ako uuwi ng Alegria, makakapanood sana ako. Patingin ng dress mo." Aniya.

Tumango ako at kinabahan.

Ang alam ko kasi, bag and shoe collection ang imomodel ko. Ibig sabihin, hindi long gowns. Malamang mga sexyng damit ang ipasosoot samin.

"ROSIE!!!" Binati ako ni Kira at Karl nang nakarating kami sa venue.

As usual, indifferent parin si Jacob sa kanilang dalawa. Busy na ang mga models sa likuran. Yung iba, sinusukatan na at ipinapakita na sakanila ang mga bags at shoes na imomodel.

"Three rotations yung gagawin niyo. Ibig sabihin, tatlong beses kang mabilis na magpapalit ng damit. Two rotations lang dapat ito, kaso lang, nagkulang sa models eh."

Tumango ako.

"Karl, pwede patingin sa damit na sosootin niya?" Biglang sabi ni Jacob kay Karl.

Nalaglag ang panga ni Karl kasabay ng pag-hang niya.

"A-A-Ahhh. Okay. Wait lang." Tinalikuran kami ni Karl.

Malagkit namang tinitigan ni Kira si Jacob.

"Maiiksi ba?"

Bumaling si Kira sakin, "May short-shorts doon tsaka... high wasted shorts, yung top ay cropped corset."

"Ano yun?" Tanong ni Jacob.

Bago pa nasagot ni Kira si Jacob ay dumating na si Karl dala-dala ang mga sosootin ko.

Kumunot ang noo ni Jacob nang nakita ang mga maiiksing damit na ito.

"Rosie..."

"Jacob, rarampa lang naman ako gamit yan. HIndi naman ako magtatagal sa pagsosoot niyan."

"Alam ko namang nagsosoot ka na talaga ng mga sexyng damit bago pa lang tayo nagkakilala pero sumusobra naman yata itong makikita yung pusod at pwet mo."

Uminit ang pisngi ko.

Bahagyang tumawa si Kira.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!