Kabanata 28

750K 17.8K 9.1K

Kabanata 28

Masama at Maarte

Malakas ang kabog ng puso ko nang humakbang na ako papunta kina Jasmine. Nakita kong may nakaabang na sasakyan sa kanila sa kanto. Aalis na yata sila kaya binilisan ko ang paglalakad.

Sumulyap siya sakin ng nakangiti dahil siguro sa sinabi ng kasama niya. Pero nang nagfocus na siya sa mukha ko, nawala ang ngiting ipinakita niya.

"Jasmine." Untag ko.

Papalapit na ako sa kanya.

Seryoso siyang tumingin sa loob ng sasakyan habang hinahawakan ang pinto.

"Wait lang. Susunod din ako." Aniya at sinarado ang pintuan para harapin ako.

Hindi ko alam kung bakit nakasimangot lang ako palagi. Hindi ko kayang magmukhang 'okay' sa harap niya. Kahit wala pa naman talaga siyang alam sa sadya ko, hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya.

"Rosie! Gabi na ah?" Tumingin siya sa likod ko. "Galing ka pang Maynila?" Tanong niya.

Tumango ako pero tikom na tikom ang bibig ko para wala akong masabing masama sa kanya.

"Sinong kasama mo?" Tanong niya.

Hindi ko iyon nasagot agad. Ilang beses ko pang ni-rephrase ang mga sagot na iniisip ko.

'Si Jacob.'

'Bakit nangangarap kang magkita ulit kayo ni Jacob?'

'Inaasahan mo sigurong nandito si Jacob kasama ko?'

"Pwede ba kitang makausap?" Tinikom ko ulit ang bibig ko pagkatapos kong sabihin yun.

"Uhm..." Tumingin siya sa sasakyan nila at umatras ng bahagya. "Sure."

Naglakad siya palayo sa sasakyan nila. Lumapit siya sa isang sari-sari store. Mabuti rin kasi mas malinaw ko siyang makikita dahil sa ilaw ng poste.

"B-Bakit, Rosie?" Narinig ko agad ang panginginig ng boses niya.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malamig na simoy ng hangin o dahil kabado siya sa mga itatanong ko.

"May gusto ka ba kay Jacob?"

Her jaw dropped. Alam kong nakakalaglag-panga ang tanong ko pero by now, dapat nag expect na siya na tatanungin ko siya ng diretso.

Nakakabaliw na katahimikan ang dumapo saming dalawa. Alam ko na ang sagot pero gusto kong marinig ng diretso sa kanya. Gusto kong malaman niya na alam ko... Gusto kong malaman niya na hindi ako bulag sa mga pinaggagagawa niya.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!