Pangwakas

1.4M 28.3K 14.8K

SPG: Lengwahe, Sexual, etc. 

Salamat sa pagbabasa ng Season 2. Hope magbasa din kayo ng mga upcoming stories ko. Pasensya na kung bitin na naman ito. WAHAHA. Kung ayaw niyong mabitin, wa'g na lang kayong magbasa... ganito talaga yung ending na naisip ko eh. Hope you enjoyed this kasi nag enjoy ako sa pagsusulat.

love you readers <3

--------------------------------------------------------------

Pangwakas

"Jacob, mamaya punta na lang tayo agad sa bahay nila para makuha at mabasa mo yung kontrata." Sabi ni papa.

Kakarating ko lang galing Maynila. Alam kong dapat buong byahe akong natulog para di ako puyat pagkarating dito, kaya lang hindi ko kayang matulog. Masyadong magulo ang isipan ko. Ayaw ko ng malayo kay Rosie pero ito ang gusto niya. Tama siya, kailangan kong mag-aral sa negosyong ito. Gusto ko itong pasukan at magandang training ground ito para sakin pero pag naiisip kong kapalit ng pag-aaral ko nito ay ang pagkakalayo namin, hindi ko kinakaya. Maaring kulang pa ako sa maturity. Kumpara saming dalawa, ako itong mas mabilis manlambot tuwing nagkakalayo kami. Nami-miss kaya ako nun? Hindi na lang ako mag iisip ng masama para hindi na siya magalit.

Nakatulog na ako nang di namamalayan. Nang nagising ako, siya agad ang nasa isip ko. Pag masyado na kayong malapit, parang lagi mong ineexpect na pagkagising mo, siya ang bubungad sayo. Pero sa ngayon, unan at cellphone ko ang bumungad sakin.

Dinampot ko agad ang cellphone ko at tinawagan siya...

"Akala ko nasa kwarto kita dito. Baliw na yata ako." Sabi ko.

Tumawa si Rosie sa reaksyon ko.

"Soot-soot ko nga pala ang binigay mong relo." Dagdag ko.

"Maganda ba?"

"Oo, Rosie. Binili mo ba ang sweldo mo ng relo para sakin?" 

Sana tigilan niya na ang pagmomodel, nakakainsulto naman. Kaya ko naman siyang buhayin, ba't kailangan niya pang magpakahirap para makabili ng mga bagay. Hindi naman ito kailangan. Tsaka... isa pa yang mga male models diyan sa Agencyng napasukan niya. Kung makatingin parang nanghuhubad ng mga babae, lalo na kay Rosie.

"Uhm... Oo." Malambing niyang sinagot ang tanong ko.

"Rosie... Kung nag modeling ka para lang mabigyan ako ng ganito, sana tinigil mo na lang. Hindi naman kailangan eh. Ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw na buong-buo. Hindi kailangan ng kung anong materyal. Ayokong nahihirapan ka para lang sa ganito."

"Kasi gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan lalo na ngayong magkakalayo na tayo. At least man lang may alaala ka sakin."

"Alam mo kung ano ang tanging gusto ko?"

"A-Ano?"

"Ikaw. Dito. Sa harap ko. Araw-araw. Yun lang masaya na ako."

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!