Kabanata 29

1.1M 28.8K 11.1K
                                    

Kabanata 29

Naniniwala naman ako

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay April.

Alam kong mejo mean ang pagkakatanong ko pero hindi ko talaga inaasahang mapapadpad siya dito sa bahay namin.

"Jusmiyo ka, Rosie! San ka galing? Asan si Jacob? Nag-away ba kayo?" Salubong ni Auntie Precy sakin.

Umiling ako. Papasok ako ng bahay at di parin matanggal sa sistema ko ang tanong kung bakit nandito si April. Ano ang pinag uusapan nila ni Auntie Precy?

"Hindi... I mean... oo. Pero okay na kami."

Nagkatinginan sina Auntie Precy at April. Pareho silang bumuntong-hininga at napaupo sa sofa. Para bang nawalan sila ng lakas pareho.

"Bakit?" Tanong ko.

Tumingala si April sakin.

Umupo narin ako sa sofa para marinig ang sasabihin nila.

"Kasi naman... nalaman ko na nagalit si Jacob kay Jasmine. Tapos nakita ko yung sasakyan niya kanina, dumaan, naisip ko, nandito siya sa Alegria pagkatapos ng isang linggong pagkawala dahil sa away nila ni Jasmine pati sa mga kapatid niya."

"Oo. Nag-away sila. Nag-away din kami ni Jacob. Naabutan ko silang naghahalikan sa opisina ng trucking."

Parehong nanlaki ang mga mata ni Auntie Precy at April.

Umiiling na si April bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko.

"Inaway ko si Jacob pero sinabi niya saking di niya magagawa yun. Na si Jasmine yung nag initiate."

"Rosie, maniwala ka sa kanya." Napalunok si April.

Nabigla ako sa opinyon ni April.

"Alam ko. Nandito ako the whole time na wala ka. Alam ko ang mga ginagawa ni Jacob, bukambibig ka niya."

Natahimik ako.

Huminga si April ng malalim bago nagsalita muli.

"Rosie... Kilala ko si Jacob. Simula bata pa kami, alam na alam ko na ang pag uugali niya."

Tumango ako kay April.

"Kukuha lang ako ng pagkain, ah. Di pa yata nakakapaghapunan itong si Rosie... Saglit lang." Sabi ni Auntie at nagmadaling pumunta sa kusina.

Nakinig ako sa sinasabi ni April. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga makukuha ko sa sinasabi niya o kasinungalingan na naman. It's just so hard to trust her again. Siya ang puno't dulo ng video na iyon noon.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now