Kabanata 25

725K 18K 7.2K

Kalimutan ko: SPG: Lengwahe. hehe. sorry.

---------------------------------------------

Kabanata 25

Cool off

Hinila niya ako papuntang parking lot. Kinuha niya sa bulsa ang susi at pinatunog ang sasakyan. Nilapit niya ako sa pintuan ng front seat para sana ipasok pero kinuha ko pabalik ang kamay niya. Naramdaman ko agad ang ang pagkahilo ko sa alak

"Ano ba, Rosie?!" Sigaw ni Jacob nang hinarap ako. "Ano bang problema mo?"

"Anong problema ko, Jacob? IKAW!" Sigaw ko. "Ba't ka nandito? Anong ginagawa mo dito?"

Handa akong magparaya. Handa ko siyang i-give up. Handa ko siyang pakawalan, pero hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at ngumiti na lang sa desisyon niya.

"Bakit, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako iniiwasan? Anong problema mo? Mahal mo pa ba ako?" Nabasag ang boses niya sa huling tanong niya.

Nanghihina ako kaya hindi ko alam kung saang lakas ko hinugot ang sampal na ginawa ko sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa sampal ko. Nang bumaling ulit siya sakin, nakita kong namuo na ang luha sa mga mata niya.

"TANGINA, ROSIE! DIRETSUHIN MO NGA AKO, AKO PA BA YUNG MAHAL MO O MAY IBANG LAMAN NA YANG PUSO MO?" Sigaw niya sakin.

"Tangina ka rin, Jacob! Bakit ako ang tinatanong mo niyan?"

Lumapit siya sakin, umatras naman ako. Tinulak ko siya para matigil ang paglapit niya sakin.

"Ako ang dapat magtanong sayo niyan! Diba? Ako dapat!?"

Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko. Nanginginig na rin ako sa galit pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mailabas ang luha ko. Pero mabuti na rin ang ganun. Dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak dito.

"Bakit mo ako iniiwasan? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Bakit wala ka sa bahay pag uwi ko? Bakit ka pumunta sa bar na ito? At bakit mo pinapangalandakan sa mundo na single ka? AT BAKIT MO KASAMA ANG BRANDON NA YUN?" Mabilis at klaro ang pagkakatanong niya sakin nito.

Kinagat ko ang labi ko at sinimangutan si Jacob. Ngayon lang yata ako nagngitngit sa galit simula nung nag-away kami noon.

"Kung makapagtanong ka parang wala ka ring ibang kasama sa Alegria, ah? Kung makapagtanong ka parang ang linis-linis mo!?  Well, at least kasama ko lang si Brandon! Hindi kami nagyakapan! Hindi kami naghalikan! Tulad ng ginagawa niyo ni Jasmine sa Alegria! Sa likod ko! Habang wala ako! Habang nasa malayo ka! Habang magkasama kayong dalawa..."

Kitang kita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang mga mata.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!