"Alam kong marami akong nagawang masama sa inyong dalawa. Dahil desperate akong makuha ang atensyon ni Jacob... dahil nakabaling na ang buong atensyon niya pagtungtong mo pa lang dito sa Alegria."

Tumango ulit ako.

"Pero tanggap kong ikaw ang mahal niya at mahal mo rin siya." Napatingin si April sa mga kamay niya. "At nakikita mo naman sigurong walang pag-asa diba?" Ngumisi siya sakin pero ramdam ko ang kalungkutan niya.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanyang pampalubag-loob. Wala. Wala akong maisip. Wala akong masabi.

"Okay, ito ang punto ko... Kilala ko si Jacob. Mabait siya. Mabait na mabait. At siya yung mahilig maging hero ng lahat. Tuwing inaaway ako noon, lagi niya akong pinagtatanggol. May ibang inaaway din bukod sakin, pinagtatanggol din niya. Pero ako yung paborito niya dahil ako yung madalas na inaaway noon. Pero nung dumating ka, hindi ko maintindihan, hindi ka naman kinawawa, pero nasayo ang atensyon niya."

Natahimik ulit siya. Para bang iniisip niyang mabuti kung ano ang sasabihin niya.

"Ngayon, isang araw, narinig kong nag uusap si Jacob at Jasmine."

Kinabog agad ang dibdib ko sa sinabi ni April. BAKIT? ANO ANG PINAG USAPAN NILA?

"Nabanggit ni Jasmine kay Jacob na iniwan siya ng ex niya at pinagpalit siya sa iba. Umiyak si Jasmine noon."

Hinintay kong may sasabihin pa si April na ikakasakit ng damdamin ko.

"Syempre, gaya ng sinabi ko, mahilig si Jacob sa pagiging hero. Yung tipong icocomfort ka pag may problema ka. Yun ang kahinaan niya. Hindi niya kayang makita ang ibang tao na nahihirapan. Kung may magagawa siya, gagawin niya. Pero ito ang first time kong makita siyang dumidistansya sa mga may problema. Hindi niya kayang magpaka hero sa lahat dahil gusto niya, sayo lang siya magiging hero... Parang ganun."

Kinilabutan ako sa sinabi ni April.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

Dumating si Auntie Precy dala ang mga pagkain. Nakatoon parin ang pansin ko kay April.

"Nung time na umiyak si Jasmine, sumandal siya kay Jacob. Hindi siya pinigilan ni Jacob pero hindi niya rin naman siya niyakap o ano."

Tumango ulit ako at naghintay pa ng karagdagang impormasyon.

"Isang araw, tinanong ko siya kung anong meron at bakit imbes na kayo ang laging magkasama ay si Jasmine ang kasama niya. Sinagot niya ako na para lang ito sa trabaho. Syempre, ayaw kong may kasama siyang iba bukod sayo kaya tinutulak ko si Jasmine palayo sa kanya tuwing may pagkakataon ako. Pero pinagsabihan ako ni Jacob na wa'g akong maging harsh sa kanya kasi may pinagdadaanan siya."

So... he cared after all. Hindi ko masisisi si Jacob kasi mabait talaga siya.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now