CHAPTER 01- Neganess Overload

21.1K 473 47
                                    

CHAPTER 01- Neganess Overload

PRESENT TIME...

TUWID na tuwid ang leeg ko habang rumarampa ako sa ibabaw ng entablado. All eys on me. Panay ang kislapan ng flash ng camera na nakatutok sa akin. Click! Click! Pose! Rampa! Lahat ay namamangha sa bawat galaw na ginagawa ko. Mula sa paghakbang ng mga paa, pag-sway ng kamay at paghambas ng aking balakang. Anong sinabi ni Nicki Minaj sa pwet kong dinaig pa ang pwet ni Thalia? Maumbok at tayong-tayo parang ang boobs ko lang din. Feel na feel ko talaga ang pagrampa ko tonight habang suot ang isa sa magagandang creation ni Elise-isa sa mga mahuhusay na designer ng Pilipinas.

Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang Africa Jones? Sino ba naman nag hindi maiinggit sa kung ano ang meron ako ngayon?

Super model. Business woman. Independent. Fierce.

"Negra! Negra! Negra!"

Neg-What?!

Sino ang hampaslupang sumigaw niyon mula sa audience? At saan naman kaya kumuha ng lakas naman ng loob ng hinayupak na iyon!

"Negraaa!!!"

Hayun! Nakita ko na. Ang number one hater ko na walang ginawa kundi sirain ang araw ko. Isang babae na hindi ko kilala na halata namang insecure na insecure sa aking kagandahan! Kagandahan? Alam ko naman sa sarili ko na maganda ako kahit na marami ang tinataasan ako ng kilay dahil sa kulay ko.

Well, totoo naman ang sinabi niya na negra ako. Oo. Inaamin ko, negra ako. E, ano naman ngayon? Isang black-American ang tatay ko kaya naman negra ako. Very proud ako sa kulay ko. Dahil dito ay naging ramp model ako. Madali daw kasing bagayan ng kulay ng damit ang kulay ko. Plus, matangkad pa ako at payat. Pang-model na katawan talaga.

Hindi ko na siya pinansin. Isa lang naman kasi siya sa mga naiinggit sa success na tinatamasa ko. Ikaw ba naman ang maging cover ng ilang fashion magazines at ma-feauture sa ilang business magazines and newspapers bilang successful business woman sa edad na twenty-five. Beauty products ang business ko. Soaps, lotions, cosmetics etcetera etcetera!

Tumalikod na ako para bumalik sa backstage. There, sinalubong ako ng bakla kong assistant o alalay ko na si Danaya. Siya 'yong bakla na trying hard magmukhang babae kaya namumukhang drag queen. High school bestfriend ko siya kaya siya ang kinuha ko. I trust him... her naman kasi. Alam ko naman na hindi niya ako tatraydurin. Ganoon kasi ang ugali ko. Mahirap ma-earn ang trust ko lalo na sa mga bago ko pa lang kakikilala. Feeling ko kasi ay tatraydurin ako palagi or kung hindi naman ay sasaktan lang at lolokohin. Naku! Kilala ko na ang kulay ng ibang tao. Minsan, kakaibiganin ka lang para saktan o kaya ay gamitin!

Naalala ko na naman tuloy ang hinayupak na si-

"Mars! Ang bongga naman talaga ng rampa mo tonight! Kaya lang may panirang girlash na sumigaw ng negra. Kung nando'n lang ako, baka napatay ko na ang hitad na iyon! Alam mo naman na ayokong may umaapi sa'yo, mars. Nasasaktan ako! Alam mo 'yan!" Very dramatic na sabi sa akin ni Danaya.

Umupo ako sa seat ko. Isa-isa kong tinanggal ang mga jewelries na suot ko. "Magkano, Danaya?" Nasa likod ko lang siya at bahagyang minamasahe ang balikat ko.

"Anong magkano?"

"'Wag ka nang pa-inosente. Magkano ang babalehin mo? Say it at baka magbago pa ang mood ko. Kilala kita kapag gan'yang sobrang concern ka sa akin, babale ka!" sabi ko at nilabas ko na ang mamahalin kong wallet.

"Mars naman... Hindi naman. Masyado mo naman akong hinuhusgahan, e. Naiinis lang talaga ako doon sa nanlalait sa-"

"Okay then. Madali naman akong kausap." Ibabalik ko na sana sa bag ang wallet nang pigilan ako ni Danaya. "O, bakit?"

"Joke lang! Ikaw naman... Three thousand lang naman."

"Three thousand. Baka naman sa boyfriend mo na naman gagamitin. Naku, kilala ko na ang mga lalaking iyan! Lolokohin ka lang ng mga lecheng iyan kaya kung ako sa'yo makipag-break ka na!"

Itinirik ni Danaya ang mata niya. Lumipat siya sa tabi. "'Ayan ka na naman sa ka-negahan mo, mars! Oo, naiintindihan ko kung bakit over over ka sa ka-negahan dahil sa nangyari sa iyo noon. Pero hindi naman porket niloko ka ng isang lalaki noon ay ganoon na lahat ng lalaki! My God, mars! Saka, alam mo naman na nag-aaral ang jowa ko. Very studious siya kaya very proud ako sa kanya. Kailangan kasi niya ng budget para sa pag-aaral niya."

"Nag-aaral? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na niloloko ka lang ng jowa mo. Hindi siya nag-aaral. I saw him! Sa ibang babae niya ginagastos ang perang binibigay mo sa kanya!"

"Sinisiraan mo na naman siya, mars! How could you!"

"'Wag mo akong ini-english, ha! Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ko sabay kuha ng three thousand sa wallet ko at ibinigay iyon kay Danaya.

Hmp! Totoo naman ang sinabi ko, e. Lolokohin lang ng jowa niya si Danaya. Lalo na at kilala ko si Danaya, basta sa lalaki, bigay lahat 'wag lang iwanan. At pagkatapos na hindi na niya maibigay ang mga hinihingi nito, iiwanan siya! Ewan ko lang kung hindi lumuha ng dugo itong kaibigan kong beki kapag nangyari iyon. Tatawanan ko talaga siya dahil hindi siya marunong makinig sa akin na experienced na.

Tumayo na ako at hinarap si Danaya. "O, bakit? Totoo naman, ah! Lahat ng lalaki manloloko. Kaya nga ako napuno ng negative vibes dahil sa ginawa nila sa akin. Ang tatay ko, iniwan kami. At si... si... Hmp! Ayoko nang sabihin ang pangalan niya dahil nabubwisit na naman ako!"

"Hay naku, mars! Hindi naman porket niloko ka ni-"

"'Wag na 'wag mong mababanggit ang pangalan niya. Don't you dare, Danaya!" Naniningkit na ang mga mata ko.

"Eh, kasi naman. Hanggang ngaon, hindi ka pa rin maka-move on kay-"

"Danaya! Stop! Alam mo naman na ayoko nang marinig ang pangalan niya. You know me. Ibabalibag kita ng extreme hanggang pati ikaw, hindi mo na makilala ang sarili mo!"

"Whatever, mars! Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutan ang ginawa sa'yo ni-"

"Danayaaa!!! Makulit kang bakla ka! Sinabi ko nang 'wag mong i-try na banggitin sa harapan ko ang pangalan ni-"

"Nino? Ni Miggy Daniel Pascual?"

"No!!!" exxagerated na sigaw ko. Isang malakas na sapak ang ginawad ko sa mukha ni Danaya dahilan para bumagsak siya ng walang malay.

Nagsama-sama lahat ng negative emotions sa mukha ko at naipon lahat iyon doon.

Miggy Daniel Pascual.

Bwisit talaga ang Danaya na ito! Sinabi ko nang huwag babanggitin ang pangalan ng hinayupak na iyon pero ginawa pa rin.

Si Miggy na pinaasa ako sa forever.

Si Miggy na sinaktan at niloko lang ako.

Si Miggy na dahilan kung bakit ako binansagan na "negang negra".

Nakakabwisit talaga si Danaya!

Ayoko na sanang gawin ito pero hindi ko na kayang mapigilan ang aking sarili na mag-flashback!

TO BE CONTINUED...

Si Africa, Ang Negang NegraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora