CHAPTER 07- Ang Pagpapatuloy Ng Nakaraan

4.9K 199 6
                                    

CHAPTER 07- Ang Pagpapatuloy Ng Nakaraan

PAGOD na pagod ako pagkauwi ko sa mansion namin that day. Galing ako sa office at medyo na-stress ako sa mga tatanga-tanga kong empleyado. Kaya naman mas mabuti na i-fired ko na lang sila kesa ako ang mabwisit sa mga ginagawa nilang katangahan. Sabihin na nilang masama ang ugali ko pero iyon talaga ang patakaran ko sa buhay. Kapag may mga taong nagiging reason para mahirapan ako, dispatsa agad!

Kaya naman kahit three pa lang ng hapon ay umuwi na ako. Isinubsob ko muna ng ilang minuto ang mukha ko sa manibela ng kotse ko saka ako bumaba. Sinalubong ako ng kasambahay namin at ipinadala ko sa kwarto ko ang bag ko.

"Manang, nasaan si Mama?" tanong ko.

"Ah, ma'am, nasa kwarto niya po sa itaas..."

"Bakit? May kwarto ba siya dito sa ibaba? Bakit kailangan mo pang lagyan ng itaas?"

"Sorry naman po, ma'am."

"Ano naman ang ginagawa niya doon sa kwarto niya?"

"Ah, siguro po... nagsu-swimming!" Papilosopong sagot ni manang.

Napataas ang kilay ko sa sagot niya. "Manang... mahal mo ba ang trabaho mo?" pananakot ko sa kanya.

"Ah, eh... Ito naman si ma'am, hindi na mabiro. Joke lang po."

"Mainit ang ulo ko kaya 'wag mo akong dinadali ng mga joke mo."

"'Sus! Palagi namang mainit ulo niyo..." bulong niya.

"Anong sabi mo?!"

"Wala po. Ang sabi ko, may kasamang feng shui expert ang mama niyo sa itaas. Papalayasin daw po ang mga bad at negative vibes dito sa bahay. Kaya kung ako sa inyo, magbalot-balot na kayo, ma'am. E, 'di ba, nega kayo?"

"Manang... Kunin mo na mamaya kay mama ang huling sweldo mo at ikaw na ang magbalot-balot! You are fired!" sigaw ko sa kanya.

Aapela pa sana siya pero tinalikuran ko na agad siya at umakyat sa itaas. Intrimitidang kasambahay! Ang daming alam. Nakaka-nega lalo! Hmp! Akala naman niya ay uubra siya sa akin.

Umakyat na ako sa itaas at nakaamoy agad ako ng insenso. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni manang. Dumiretso ako sa kwarto ni mama at doon ay nakita ko siya kasama ang isang matabang babae na mukhang Chinese. May hawak ang babae na insenso at pinapausukan nito ang buong kwarto.

"Mama, ano ito?" Medyo naiiritang tanong ko.

"Ah, nandiyan ka na pala, Africa. Meet Madam Ching... Feng shui expert siya at pinapa-feng shui ko itong bahay para lalo tayong swertihin this year. At para naman mapuno ng positive vibes itong bahay hindi 'yong puro ka-negahan na lang."

"At talagang naniniwala kayo sa gan'yan? 'Ma, ang swerte ng tao ay nasa kamay niya. Kung pupunuin mo ng lucky charms itong bahay tapos hindi na ako magtatrabaho, sa tingin mo ba seswertihin pa rin tayo?"

Sumimangot siya. "Hay naku, Africa! Ang nega mo talaga. Hayaan mo na nga ako dito at si Madam Ching. After nito ay doon naman kami sa room mo-"

"No! Ayoko nga."

"Naku, bahala ka na nga!" sabay tirik ni mama ng mga mata niya. "Kailangan na talaga kasing maalis ang mga negative vibes dito sa bahay."

Mukhang pinaparinggan ako, ah. "Okay, fine. Basta, 'wag niyong papakialaman ang kwarto ko," sabi ko at lumabas na ako. Nagpunta na ako sa kwarto ko para magpahinga.

-----***-----

KINABUKASAN ay binalitaan na ako ni Danaya tungkol sa pag-aasikaso niya ng reunion namin. Okay na daw ang venue sa isang mamahaling hotel at pati na rin ang foods. Sosyal daw lahat kaya hindi ako mapapahiya. Excited na talaga ako sa reunion na ito dahil makikita ng lahat ang Africa na nilalait nila noon. Well, negra pa rin ako pero siguradong maiinggit sila sa narating ko. I am so sure of that!

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now