CHAPTER 06- A Change Of Heart

5.2K 198 39
                                    

NOTE: Pinalitan ko po ang name ni John Julius. Ang name na niya ngayon ay MIGGY DANIEL PASCUAL/ MIGGY. Salamat po.

CHAPTER 06- A Change Of Heart

“AND our Miss Wellington Academy for this year is…”

Halos dumagundong na ang puso ko sa pagtibok sa sobrang kaba ng mga oras na iyon. Parang gusto ko nang himatayin sa grabeng emosyon na nararamdaman ko. Sana ako ang manalo. Sana ako! Ginawa ko ito para mapansin ako ni Miggy kaya I deserve the crown tonight!

“Siguro, umaasa ka pa rin na ikaw ang mananalo, negra…” bulong sa akin ni Korea.

“Walang masamang umasa,” tugon ko.

“Walang masama kung may pag-asa! Pero ikaw? Hopeless!”

Hindi ko na siya sinagot. Hanggang sa…

“Our Miss Wellington Academy is… candidate number fourteen! Miss Korea Tiongson!!!”

Halos magiba ang buong covered court sa hiyawan at palakpakan ng mga tao nang i-announce na si Korea ang nanalo. Ako naman ay natulala lang saglit pero naka-recover din naman agad. Okay lang kahit natalo ako. Atleast, pinakita ko sa lahat lalo na kay Miggy na kaya kong sumali sa mga ganitong contest. At hindi na masama ang first runner up, ha. Sa dami ba naman namin na sumali.

“I told you!” Nang-aasar na sabi pa sa akin ni Korea bago siya pumunta sa unahan upang lagyan ng korona.

Pabalik na sana ako sa back stage nang biglang magsalita ang emcee. “Wait! I made a mistake!” malakas nitong sabi na nagpatigil sa lahat ng tao na naroon at nagpatigil din sa paglalakad ni Korea habang suot ang korona.

Nagpatuloy ang emcee. “Ang totoong Miss Wellington Academy is candidate number thirteen—Miss Africa Jones! Nagkamali lang ako ng basa. It’s my mistake. I’m sorry. It’s on the card…” Pinakita pa nito ang card kung saan nakasulat ang winner at pangalan ko nga ang nakalagay doon!

Hindi naman makapaniwala si Korea sa nangyayari.

Kahit ako ay hindi alam ang gagawin. Pupunta ba ako sa unahan para koronahan o babalik na lang sa back stage.

Napatingin ako kay second runner up at sinenyasan niya ako na pumunta sa unahan. “Go, girl! 'Wag kang tanga! Kunin mo ang korona!” sigaw pa niya sa akin sabay palakpak.

Iyon nga ang ginawa ko. Pumunta ako sa unahan. Tinanggalan ng korona si Korea at inilipat iyon sa akin. Totoo na ba ito? Ako ang Miss Wellington Academy? OMG! OMG! Parang wala na akong napansin ng moment na iyon kundi ang shining moment ko.

Yes, I did it! Nanalo ako. Mapapansin na ako ni Miggy! Kaya?

-----***-----

PAGPUNTA ko sa back stage ay nakita ko na nakayakap si Korea kay Miggy habang umiiyak ito. Kahit may selos akong nararamdaman ay nilapitan ko silang dalawa. Nag-sorry ako kay Korea pero tinarayan lang niya ako. Ang sabi niya ay inagaw ko daw sa kanya ang korona at kahit kailan ay hindi niya ako mapapatawad.

-----***-----

“MARS, hanggang ngayon talaga ay hindi ako makapaniwala na ikaw ang nanalo last night! Grabe! Ang dramatic ng pagkapanalo mo!” Pumapalakpak na turan sa akin ni Danaya habang nasa classroom kami at gumagawa ng assignment. Kailan na namin itong matapos bago pa dumating ang teacher namin para sa next subject.

Tila nangangarap na tumingin ako sa pinto. “Hay… Kaya nga, mars! Akala ko talaga ay talo na ako pero hindi pala. Sa tingin mo kaya, mapapansin na ako ni Miggy dahil doon?”

“Miggy na naman? Mars, pwede ba, kahit ilang minuto lang… wag mo munang banggitin pangalan niya? Miggy ka nang Miggy, e, may Korea na nga 'yon. For sure, galit din sa’yo si Miggy dahil galit sa’yo si Korea. Feeling kasi ng malditang bruha na iyon na inagaw mo sa kanya ang crown. E, hindi mo naman kasalanan 'yon. Kasalanan iyon no’ng emcee.”

Si Africa, Ang Negang NegraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt