CHAPTER 16- Jealous And Paranoid

4.3K 170 3
                                    

CHAPTER 16- Jealous And Paranoid

ILANG araw pa ang lumipas at nakalimutan ko na ang "crying scene" ni Korea. Consistent naman kasi si Miggy sa pagiging sweet sa akin. Actually, malapit na naming i-celebrate ang first monthsary namin. Excited na nga ako kasi for sure, may surprise siya sa akin sa araw na iyon. Next week na nga pala iyon. Kailangang free ako the whole next week. Mamaya mag-out of town kami ni Miggy nang biglaan kaya dapat ready ako at hindi magiging hadlang ang schedule ko. Ipapaayos ko na iyan mamaya kay Macey.

"Danaya, pakiayos na lang lahat ng gamit ko, ha. Pakisunod sa car," utos ko kay Danaya after ng fashion show ko. Napagod kasi talaga ako tonight dahil nakailang palit ako ng damit dahil hindi nakapunt iyong isang model. Bilang mabait naman ako, ako na ang nagprisinta na magmodel din ng damit na dapat ay isusuot ng absent na modelo.

Gusto ko rin naman kasi na natsa-challenge ako minsan.

"Okay, mars. Ako nang bahala dito at alam kong pagoda ka sa rampa mo."

Nagpaalam na ako sa kanya at dire-diretso na ako sa kotse ko. Mabuti na lang at isinama ko ang driver ko dahil hindi ko na talaga kaya ang mag-drive. Sa backseat ako umupo.

"Aalis na po ba tayo, ma'am?" tanong sa akin ng driver ko na si Manong Jose.

Parang medyo iba ang boses ni Manong Jose ngayon. Ah, baka naman dahil sa pagod lang ako.

"Wait lang po, Manong Jose. Nasa loob pa po si-" Natigilan ako nang mula sa unahan ay humarap sa akin si Manong Jose. At hindi siya ang driver ko kundi si Miggy!

Parang nawala ang pagod ko nang nag-smile siya sa akin.

"Miggy? Nasaan si Manong Jose?" Napapangiti kong tanong.

"Pinauwi ko na. Binigyan ko ng pamasahe. Tinext kasi ako kanina ni Danaya at ang sabi niya ay mapapagod ka sa fashion show mo ngayon. Kaya naisip ko na ako na lang ang mag-drive sa iyo pauwi, alam ko naman na ako lang ang makakatanggal ng pagod mo," ani Miggy sabay kindat.

Nag-init ang magkabila kong pisngi. In all fairness, gumaan talaga ang pakiramdam ko nang makita ko siya. "Stop, Miggy! Kinikilig ako sa'yo!" pabebe kong sabi.

"Ang cute-cute mo talaga, Africa!" sabay pisil niya sa cheeks ko. "Sana ay ganyan ka na lang. Huwag ka nang bumalik sa pagiging masungit at nega, okay?"

"Hindi na. Nandiyan ka na naman, e. Hindi mo na naman ako ulit lolokohin at sasaktan,'di ba?"

"Hinding-hindi na. Pangako! Dito ka nga sa unahan umupo..."

Lumabas ako saglit ng kotse at lumipat sa katabi ni Miggy sa may driver's seat.

"I love you, Africa..." aniya at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

I know na hahalikan niya ako.

Malapit na malapit nang maglapat ang aming mga labi nang biglang may kumatok sa bintana sa may gawi ko. Napapitlag kami sa gulat at nakita namin na si Danaya pala ang kumakatok. Mukhang nabibigatan na siya sa mga dala niya.

Wow naman! Ang ganda naman ng timing nitong si Danaya!

Disappointed na binuksan ko ang pinto ng kotse at sinimangutan siya.

"Ang bigat talaga nitong-Ay! Nandiyan pala si Papa Miggy. Hello, Papa Miggy!" ani Danaya.

Nagkusa na siyang pumwesto sa back seat at saka kami umalis na.

Sayang. Naudlot pa ang kissing scene namin ni Miggy. Hmp!

-----***-----

MASAYA akong gumising nang umagang iyon. Paano ba naman, this is really is it! First month na ng relationship namin ni Miggy. Ano naman kaya ang pakulo niya today? Wala pa siyang good morning text kaya ako na ang nauna. Hindi ko siya binati ng happy monthsary dahil ang gusto ko ay siya ang mauuna. Mamaya nakalimutan pala niya, e. Pero imposibleng makalimutan niya ang araw na ito. Love na love kaya ako no'n!

Pakakain ko ng breakfast ay go agad ako sa parlor. Talagang nagpaganda ako para naman ready na ako sa kung ano man ang magiging ganap today.

Naghintay ako ng tawag or texts from Miggy pero dumating na ang hapon ay wala pa rin. Medyo naiirita na ako, ha. Nang mag-three na ng hapon ay doon na ako nag-decide na puntahan siya sa Gyrea.

"Hi! Nasaan si Sir Miggy mo?" tanong ko sa isa sa mga waitress niya doon.

"Kayo po pala, Ma'am Africa." Kilala na rin naman ako sa coffee shop ni Miggy bilang girlfriend niya. "Wala po si Sir Miggy, e. Kanina pang umaga umalis."

"Saan daw pupunta? Hindi ba niya nasabi sa'yo?"

"Hindi po, e. Sorry po..."

"Gano'n ba..." sabay buntung-hininga ko.

"Pero narinig ko po kung saan siya pupunta!"

Tsismosa rin pala itong waitress na ito. "Saan naman daw?" usisa ko.

"Kay Ma'am Korea po. Kausap niya kasi kanina si ma'am sa phone tapos nagmamadaling umalis si Sir Miggy. Parang nag-aalala pa nga po, e. Naku, ma'am, ayokong mag-isip kayo ng kung anu-ano, ha. Basta sinasabi ko lang ang nakita at narinig ko."

"Okay. Salamat..."

Mabigat ang pakiramdam na lumabas ako ng Gyrea at nagpunta sa kotse ko. Doon ay sandali akong nag-isip. Kung totoo ang sinasabi ng waitress na iyon, it only means na magkasama sina Miggy at Korea ngayon. At talagang mas pinili pa niya na sumama sa friend niya kesa sa akin na girlfriend niya. Isa pa, it's our monthsary!

Naiinis na nahampas ko ang manibela.

"Oo na! Nagseselos na ako!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung magmukha na akong baliw na nagsasalita mag-isa. Wala namang nakakakita at nakakarinig.

Hindi pwedeng wala akong gawin!

Tinawagan ko si Miggy. Nag-ri-ring pero walang sumasagot.

Tinawagan ko ulit pero nakapatay na ang phone niya.

"Pesteee!!!" sigaw ko na naman sa sobrang inis ko.

Bumabalik na naman ako sa pagiging halimaw! Aba! Hindi niyo naman ako masisisi. Monthsary lang naman kasi namin ngayon ng boyfriend ko tapos ang kasama niya ay ang friend niya daw. Ang saya, 'di ba? Ang saya!

At bakit naman kaya patay ang phone ng lalaking iyon? Ayaw magpa-istorbo? At bakit ayaw magpa-istorbo? Kasi nga, kasama niya si Korea. Hindi kaya... nasa hotel ang dalawang iyon at... at...

"Nooo!!!" Halos maiyak na ako sa sobrang inis ko.

Gusto kong puntahan si Miggy kung nasaan man sila ni Korea pero saan? Hindi ko nga alam kung nasaan ang dalawang iyon at kung ano ang ginagawa nila.

Hay! Nakakabwisit! Ang paranoid ko! Pero may basehan naman kung bakit ako nagkakaganito. May nakaraan sina Miggy at Korea kaya ako nakakaramdam ng ganito. Isa pa, hindi kaya tama talaga ang hinala ko noon na lolokohin na naman ako ni Miggy for the second time?

Ayokong mag-isip ng kung anu-ano pero nagawa na kasi ako ni Miggy na lokohin noon at pwede niyang gawin ulit iyon. Sana ay tama ang pagbibigay ko sa kanya ng second chance... Sana lang talaga. Baka kung ano na ang magawa ko kung malaman kong niloloko na naman niya ako.

TO BE CONTINUED...

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now