CHAPTER 17- The End

5.9K 245 30
                                    

CHAPTER 17- The End

INIWAS ko ang aking mukha nang hahalikan ako ni Miggy. Pumunta siya sa office ko ng umagang iyon at may dalang isang bungkos ng red roses. Hindi maganda ang mood ko. Kahapon, first monthsary namin ay hindi ko man lang nakita ang anino niya. Naghintay ako hanggang hatinggabi dahil baka naman may surprise siya sa akin pero wala. Kung anu-ano na nga ang naisip ko na ginagawa ni Korea, e. Talagang sila pa ang magkasama sa mahalagang araw na iyon sa pagiging magkasintahan namin.

"What's wrong?" tanong ni Miggy.

Nang-uuyam na tiningnan ko siya. "What's wrong? Talagang hindi mo alam ang sagot sa tanong mong iyan, Miggy? Gusto mo ba talagang ako pa ang magsabi sa'yo, ha. First monthsary lang naman natin kahapon pero nasaan ka? 'Andoon! Kasama ni Korea!" galit na sabi ko.

Aba, hindi naman niya ako masisisi kung maging dragon na naman ako ngayon. Kasalanan naman niya talaga!

Nahampas niya ang sarili niyang noo. "Oh! I am so sorry, Africa... Nakalimutan ko-"

"Nakalimutan mo kasi kasama mo si Korea. Wow!"

"Hindi mo alam kung bakit kasama ko si Korea kahapon."

"At hindi ko na kailangan pang malaman dahil mukhang alam ko na."

"Kung ano man ang iniisip mo, mali iyan."

"Wow na lang! Umalis ka na lang muna, Miggy. Isama mo na rin iyang flowers mo at naiirita lang ako!"

"Pero-"

"Stop! Ipapakain ko sa'yo 'yang bulaklak mo. Out! Out! Out!"

Naiiling na lang na lumabas si Miggy ng office ko. Kilala na rin niya ako kapag nagagalit. Hindi ko daw alam kung bakit sila magkasama. Wow! Hindi naman ako tanga para hindi ko alam kung bakit. Malamang, totoo nga na lolokohin na naman ako ng dalawang iyon. Pwes, hindi ako papayag na mangyari ulit iyon. Siguro nga ay magjowa pa rin ang sina Miggy at Korea! Gusto kong ipakita sa kanila na hindi na ako ang dating uto-utong si Africa. Pero before ako gumawa ng kahit na anong aksyon, dapat ay may proof muna ako na niloloko talaga nila ako.

Tama! Susundan ko si Miggy.

Tumayo agad ako at kinuha ang shoulder bag ko. Parang sinisilihan ang paa na nagtatakbo ako palabas ng office. Bumaba ako sa ground floor gamit ang elevator. Naabutan ko pa doon si Miggy na sasakay pa lang sa kotse niya.

Siguro ay pupunta siya kay Korea at ibibigay niya sa babaeng iyon ang roses! Sabagay, sayang nga naman 'yon... bulong ko sa aking sarili.

Hinintay ko muna siyang makasakay sa kotse niya bago ako sumakay sa kotse ko. Sinundan ko siya. Mabuti na lang at hindi niya napansin na sinusundan ko siya. Nagtaka ako ng slight nang huminto ang kotse ni Miggy sa isang malaking hospital.

Anong gagawin niya dito?

May kamag-anak kaya siya na naka-confine dito?

I don't know kaya kailangan kong malaman.

Sinundan ko siya hanggang sa loob. Mabuti na lang at may dala akong scarf at ipinulupot ko iyon sa mukha ko. Disguise na ito! Nang biglang tumigil si Miggy sa paglalakad ay agad akong nagtago sa likod ng isang tanke ng oxygen. May tumatawag pala sa kanya dahil kinuha niya ang kanyang cellphone.

"Hello, Korea... Yes, papunta na ako. 'Andito na ako sa hospital. Pupuntahan na kita sa room mo. Wait for me, okay?" anito sabay lakad ulit.

Halos hindi ako makagalaw sa pinagtataguan ko. Si Korea ang pinuntahan niya dito? At ano naman ang ginagawa dito ni Korea?

Nag-isip ako...

Hindi kaya... Buntis si Korea?

"At si Miggy ang ama?!" bulalas ko.

Si Africa, Ang Negang NegraOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz