CHAPTER 10- Secret Admirer

4.5K 182 10
                                    

CHAPTER 10- Secret Admirer

MONDAY. Pagpasok ko sa office ko ay namangha ako sa dami ng flowers sa loob ng office ko. Talagang pina-arrange siya kaya nagmistulang paraiso doon. Nega lang ako pero marunong pa rin naman akong um-appreciate ng magagandang bagay.

Pumasok si Macey-ang bago kong secretary. Kasunod na pumasok si Danaya.

"Oh my, God!!! Ang gandaaa!!! Is this for me?!" Eksaheradang react ng kaibigan kong bakla.

Sinapak ko siya. "Assuming! Kaninong office ba ito, ha? Siyempre, para sa akin 'to!"

"Wala naman kasi akong office kaya baka dito na lang sa office mo nilagay!"

Hindi ko na lang pinansin si Danaya. Kinausap ko na lang si Macey. "Macey, sino ang gumawa nito sa office ko?" tanong ko sa kanya.

"Actually, ma'am, hindi ko rin po alam. May mga lalaki lang po na nag-set up niyan dito at hindi po sinabi sa amin ang pangalan ng kung sino man ang nag-utos sa kanila na gawin iyan. Pero, ang sweet po kung sino man siya. Effort kung effort!" Halata ang kilig sa mukha ni Macey.

"Okay. Ang dami mong sinasabi. Lumabas ka muna!"

Isinara ko ang pinto ng office ko pagkaalis ni Macey. Naiwanan kaming dalawa doon ni Danaya. First time na may gumawa nito sa akin, ha. Kaya naman natutuwa ako, hindi ko lang ipinahahalata kay Danaya dahil alam kong aasarin lang niya ako.

Nilapitan ko isa-isa ang mga bulaklak at sinamyo ang amoy ng mga iyon... Pa-smile-smile pa ako ng konti.

Babaeng-babae ang feeling ko today!

"Mars, pa-girl ka ngayon, ha! Ngayon ko lang ulit nakita ang smile mong 'yan!"

"Danaya, stop! Tao pa rin naman ako. May feelings pa rin naman ako sa mga ganitong bagay."

Naglakad-lakad din si Danaya at tiningnan din ang mga flowers. Kumuha siya ng isang white rose at inilagay iyon sa tenga ko. "Sino nga kaya ang gumawa nito, 'no? Hindi kaya si... Miggy? Ayyy!!!" Muntik nang mabasag ang eardrum ko sa lakas ng tili niya.

"Ano ba?! Ang sakit sa tenga!" Reklamo ko. "Alam mo, imposibleng si Miggy dahil kilala ko siya. Hindi siya ma-effort na tao. And besides, sila ni Korea. Kaya malabong siya." Sabi ko lang iyon pero bakit deep inside ay umaasa ako na sana si Miggy nga ang gumawa nito sa akin?

"Okay. Lets say na hindi nga siya. Pero... who? Hindi kaya may secret admirer ka?! Oh my, God! Mars! May nagkakagusto na sa'yo! Congrats!"

Tiningnan ko ng masama si Danaya. Anong tingin niya sa akin? Porket negra ako ay wala nang nagkakagusto? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkakagusto sa akin pero natatakot lang siguro sila dahil masungit talaga ako. Naisip ko tuloy bigla, hindi nga kaya may secret admirer ako? Marahil ay natatakot or nahihiya lang siya sa akin kaya ayaw niyang magpakilala.

Ewan ko lang, ha, pero kinikilig ako kung totoo iyon!

-----***-----

NANG mga sumunod na araw ay nagsunud-sunod rin ang pagpapadala sa akin ng flowers. Sa office, sa bahay o kahit nga minsan ay may makikita ako sa hood ng kotse ko. Palaging may note pero smiley lang naman ang nakalagay. Hindi rin naman nakasulat kung nanliligaw ba ang nagpapadala niyon o gusto ba niya talaga ako.

Dahil sa mga flowers na natatanggap ko ay unti-unti akong nagbago. Iyon ang napansin ko sa aking sarili. Hindi na ako masyadong nakabusangot at palaging nakasigaw. Hangga't kaya kong pigilan nag pagiging nega ko ay nagagawa ko naman. Siguro ay dahil sa kakaibang atensiyon at effort na inilalaan sa akin ng taong nagpapadala sa akin ng flowers kaya medyo nagbabago ang aura ko. Hindi ko na rin iniisip masyado ang galit ko kina Miggy at Korea. Mas nakatuon ako sa kilig na nararamdaman ko kapag nakakatanggap ako ng bulaklak!

"Good morning, 'ma!" Bati ko kay Mama Trudis nang umagang iyon.

Napatigil siya sa paghigop ng kape at nagtatakang napatingin sa akin. "Anyare sa'yo? May lagnat ka ba?"

"Bakit naman, 'ma?"

"Anong bakit? Bakit naka-ngiti ka at good mood ka yata?"

"Wala na ba akong karapatang maging in good mood?" sabi ko habang nagpapalaman ng itlog sa tinapay.

"Malala ka na, Africa! Pabago-bago ka. Pero sana magtuloy-tuloy na iyan. Na-miss ko kasi iyang smile mo, anak. Teka nga, bakit ka nga pala nagkakaganyan, ha?"

"Magkukwento ako sa iyo... Soon!"

Maya maya ay biglang pumasok sa dining ang isa sa mga kasambahay namin. May dala siyang flowers at inabot iyon sa akin.

"Araw-araw na lang may nagpapadala sa'yo ng flowers. Kanino ba galing iyan? Iyan ba ang dahilan kung bakit ka good mood?"

Habang inaamoy ko ang flowers ay may bigla akong naisip.

"Manang, kaka-deliver pa lang ba nito?"

"Oo, ma'am. Alangan namang kahapon pa tapos ngayon ko lang binigay!"

Bastos! Pinalampas ko na lang ang pamimilosopo ni Manang sa akin. Tumakbo agad ako sa labas ng bahay at doon ay nakita ko ang isang lalaki na ini-start ang motor nito. May helmet siya sa ulo at sigurado ako na siya ang nag-deliver ng flowers. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala ang "secret admirer" ko!

"Hoy!" sigaw ko sa lalaki.

Napatigil siya sa pag-start ng motor.

Tumakbo agad ako palapit sa kanya.

"Ikaw ba 'yong nagdeliver ng flowers sa bahay ko?" tanong ko sabay turo sa bahay ko.

"Ako nga po."

"Ikaw ba ang secret admirer ko?"

"Ho?"

"Tanggalin mo nga 'yang helmet mo!"

Sinunod naman niya ako. Isang lalaki na may makapal na nguso, pango ang ilong ang nasa loob ng helmet. Sa hitsura niya ay mukhang nasa forties na siya.

"Delivery boy ka, 'di ba?" Hindi naman sa pagiging masama pero wish ko lang ay hindi siya ang secret admirer ko.

"Delivery boy nga. Kaya nga ako nagdeliver ng bulaklak sa inyo, 'di ba?"

Pilosopo! Ilang pilosopong tao ba ang nakaka-encounter ko sa araw na ito?

"Mabuti naman... I mean, anong shop or company ka ba? Kilala mo ba kung sino ang nagpadala ng flowers?"

"Bee Flower Shop po. 'Eto po ang log book namin." Inabot niya sa akin ang isang maliit na notebook. "Ito 'yong nagpadeliver ng bulaklak sa inyo, ma'am..." Sabay turo niya sa isang pangalan.

DM. Iyon ang nakasulat na pangalan. Tapos may number niya. Kinuha ko iyong number. Nagpasalamat ako sa delivery boy at pumasok na ako sa loob ng bahay.

DM? Sinong DM naman kaya iyon?

Wala akong maisip kung sino. Wala akong idea...

TO BE CONTINUED...

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now