CHAPTER 13- Ang Katauhan Ni Secret Admirer

4.7K 178 10
                                    

CHAPTER 13- Ang Katauhan Ni Secret Admirer

OH MY, GOD! Oh my, God! Si DM na ang kausap ko sa kabilang line. Ang ganda ng boses niya. Nakaka-inlove! Okay. Kalma ka lang, Africa. Huwag mong ipahalata na kinikilig ka. Itago mo ang lecheng kilig na iyan. Kaya mo iyan. Act normal. Kunwari hindi ako affected.

"So, paano mo nalaman ang number ko? Are you still there? Hindi ka na nagsasalita..."

Napapitlag ako mula sa pagkakatulala ko. "Ha... Do'n sa delivery man..." Wait. Bakit ba masyado akong pabebeng magsalita? Baka kung ano ang isipin ng DM na ito, ha.

"Gano'n ba?"

Tumikhim ako at naggalit-galitan. "Sino ka ba talaga? Bakit palagi kang nagpapadala sa akin ng flowers?"

"Hindi pa ba obvious? Nabasa mo naman siguro 'yong card na ibinigay ko sa'yo no'ng last time. I love you, Africa... Matagal na."

Feeling ko ay tumambling ang puso ko. Damang-dama ko kasi ang sinseridad sa boses ni DM kahit sa telepono lang.

Lalo tuloy akong na-curious sa kung sino talaga si DM. Kung ano ang hitsura niya. Gwapo kaya siya? Matangkad? Mayaman? Disente? Yummy?

Yummy talaga?

Grabe na itong naiisip ko, ha.

"I love you agad? Alam mo naman siguro na negra ako, 'di ba?"

"Ikaw ang pinakamagandang negra, Africa!"

"Okay. Kung seryoso ka sa ilove you na sinasabi mo, makipagkita ka sa akin!" hamon ko.

Hindi agad nakasagot si DM. "Pero-"

"Walang pero pero, DM! Makipagkita ka sa akin bukas. Sa roof top ng building ko kung saan ako nagtatrabaho. Nine ng gabi! At kapag hindi ka nakipagkita sa akin, 'wag ka nang umasa na tatanggapin ko pa ang flowers o chocolates na ipapadala mo. Understand?" Pagkasabi ko no'n ay in-end ko na ang tawag na iyon.

Talagang tinakot ko na siya. Pero pero pa siya, ha. Akala naman niya uubra siya sa akin!

See you soon, DM!

Ewan ko lang pero kinabahan ako bigla. Normal lang naman siguro ito...

-----***-----

"WHAT do yout think? Bagay ba sa akin ang cocktail dress na ito, Danaya?" tanong ko sabay tapat ng dress sa katawan ko.

Nasa kwarto ko kaming dalawa ni Danaya. Prenteng nakahiga siya sa kama ko habang hawak ang cellphone niya at nagsi-selfie habang ako ay ngarag na ngarag na sa pamimili ng susuotin kong damit para sa pagkikita namin ni DM tonight. Dapat pala ay next week ko na lang in-scheduled ang meet up sa kanya. Kinapos tuloy ako ng oras sa paghahanda. Siyempre, dapat maganda ako kapag nakita niya ako at nakita ko siya for the first time. Well, hindi naman ako nag-e-expect nang sobra pero mas okay na ready ako, 'di ba?

Tiningnan ako ni Danaya sabay ngiwi. "Bagay iyan kung a-attend ka ng JS Prom!"

"Eh, ito?" sabay kuha ko ng long gown na kulay itim.

"Mars, libing ba ng maharlika ang pupuntahan mo?"

"Hindi."

"Bakit 'yan ang isusuot mo? Kaloka ka!"

"Ito na lang kaya?" Isang floral ne bestida naman na kulay violet ang kinuha ko.

"Kung gusto mong mapagkamalan kang masungit na teacher, go! Iyan ang isuot mo!"

Hopeless na napaupo na lang ako sa kama at malungkot na tiningnan ang nagkalat na mga damit. Lahat na yata ng magagandang damit sa aking walk-in closet ay nailabas ko na. Kulang na lang ay pati damit ni Mama Trudis ay pakialaman ko na rin.

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now