CHAPTER 11- Unexpected Encounter

4.6K 191 9
                                    

CHAPTER 11- Unexpected Encounter

"DANAYA, sa tingin mo... sino kaya itong DM na ito na secret admirer ko?" Pakurap-kurap na tanong ko habang nakadapa kaming dalawa sa gilid ng swimming pool sa isang pang-sosyal na resort dito sa Laguna. Ang ganda-ganda ko sa suot kong white two-piece swimsuit. Habang si Danaya naman ay mukhang ewan sa one piece bathing suit niya na color mint green.

Tumihaya siya ng higa sabay upo. "At talagang in-assume mo na secret admirer mo si DM, ha! Kaloka ka!" aniya sabay tawa.

Gusto ko sanang hilahin si Danaya sa pool at lunurin siya dahil pinagtawanan niya ako. "At bakit? Hindi pa ba secret admirer 'yong almost two weeks na siyang nagpapadala ng flowers sa akin?"

"Sabagay, may point ka. Pero, in fairness! Maganda ang effect ni DM sa'yo, mars. Napansin ko kasi na bumabalik na ang positive aura mo. Naglalaho na ang nega version mo. Congrats!"

"Ayoko nang magpaka-ipokrita pero you are absolutely right! Nakaka-good vibes naman kasi talaga 'yong..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa dalawang tao na nakita ko na naglalakad. Sina Miggy at Korea!

Sinusundan ba ako ng dalawang ito para bwisitin ako?

"Bakit natahimik ka yata, mars?" untag sa akin ni Danaya.

Hindi ko siya sinagot. Tumayo ako mula sa pagkakadapa at sinuot ang aking robe.

"Nasa'n ang manager ng resort na ito?"

"Ha? Why?"

"May papaalisin lang ako!"

"Sino?"

"Sila!" sabay turo ko kina Miggy at Korea na nakaupo na sa gilid ng pool.

Umiinom pa sila ng juice at ang sweet-sweet! Hindi daw sila. Neknek nila! Kung makapaglandian sa public, wagas! Tatawa-tawa pa itong Korea na ito habang hinahampas sa braso si Miigy. Ang harot talaga ng babaeng ito. Ang sarap nilang lunurin sa iniinom nilang juice!

Ipinitik bigla ni Danaya ang daliri niya sa harap ng mukha ko. "Mars! Nakasimangot ka na naman! Nega ka na naman. Akala ko ba positive vibes na ulit dahil kay DM? Anyare?"

"At talagang nagtanong ka pa? Alam mo naman na nakita ko na naman ang reason kung bakit ako naging nega!"

"Move on na kasi, mars!"

"Eh, sa ayoko. Nasaan ba ang manager dito? Tawagin mo nga!"

"Naku, mamaya sila Miggy na naman ang may-ari nito, mapahiya ka pa. Hayaan mo na lang sila, mars... I-enjoy na lang natin ang moment na ito dahil bukas back to work na naman tayo. Remember, may rampa ka next week."

Magsasalita pa sana ako nang makita ko na napatingin si Korea sa gawi namin. May ibinulong siya kay Miggy at itinuro pa ako ng babaeng iyon. Sabay silang tumayo at lumapit sa amin. Bwisit naman talaga, 'no? Nakita pa ako ng mga taong ayaw kong makita. Sabagay, kasalanan ko rin naman ito, e. Ako ang nagplano ng reunion. 'Yan tuloy, naging maliit ang mundo ko. Ang gusto ko lang naman ay ipakita sa kanila kung ano na ako ngayon at mainggit sila sa akin pero mukhang hindi ganoon ang nangyari. Successful na rin sila. Ano pang ipagyayabang ko, 'di ba? At talagang hanggang ngayon ay magjowa pa rin sila. Kahit itanggi nila, alam ko na magjowa sila.

"Hi, Africa! Small world, huh! 'Andito ka rin pala..." ani Korea.

Makikipag-beso sana siya pero umiwas ako.

"Malamang, 'andito ako kaya nga nakikita mo ako, e!" Mataray kong tugon.

Napahiya yata siya sa sinabi ko kaya natahimik na lang siya. Well, wala akong pakialam kahit maging mean ako sa kanila ni Miggy. They deserve lahat ng pagtataray ko dahil sa ginawa nila sa akin noong high school pa lang kami.

"Wait nga lang, sinusundan niyo ba ako? Bakit kung nasaan ako, nando'n di kayong dalawa?"

"No, Africa. Nagkataon lang talaga..." sagot ni Miggy.

Parang hindi ko pa alam, siguro ay pinapakita ng dalawang ito sa akin kung gaano sila ka-sweet. As if naman magseselos ako. Mukha nila!

Hindi ako magseselos kahit pa maglakad sila na magkahawak-kamay. Baka gusto nilang kumuha ako ng chainsaw at tagpasin ang mga kamay nila. Hindi rin ako magseselos kahit magyakapan at maghalikan sila sa harapan ko. Kukuha pa ako ng granada at ihahagis sa kanila! At lalong hindi ako magseselos kahit mag-chuk-chakan pa sila-Wait! Bakit sila mag-chu-chuk-chakan?! Hindi pwede! Hindi!

"Okay, fine. Whatever!" sabi ko sabay tirik ng mga mata ko.

Nakita ko na humarap si Korea kay Miggy at nagpaalam ito na magsu-swimming.

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang two-piece swimsuit. Sexy ang gaga pero hindi ako magpapatalo. Hinubad ko ang robe na suot ko at pinahawak iyon kay Danaya. Sinadya ko talagang ipakita ang curves ko sa kanila. Negra ako pero maganda pa rin ako at sexy. Mas sexy akong tingnan kay Korea dahil mas matangkad ako sa kanya.

"Ganito ba kabigat itong robe mo at kailangang ako pa ang pagdalhin mo?" reklamo ni Danaya.

"Tumigil ka diyan! 'Wag kang panira..." bulong ko sa kanya.

Eh di, nganga ngayon si Miggy. Nakatulala siya habang pinagmamasdan ang katawan ko. Si Korea naman ay halos manliit. Alam siguro ng gaga na mas sexy ako sa kanya. Hindi na niya ako matatalbugan ngayon. Never!

-----***-----

HINDI ko na pinaalis sina Miggy at Korea kahit alam kong hindi naman sa kanila itong resort. Mukhang ngayon na kasi nangyayari iyong gusto ko-ang ipakita sa kanila kung ano na ako ngayon. Na isa na akong magandang babae, kahali-halina kahit negra. Nakaramdam ako ng kasiyahan nang makita ko na parang naaakit si Miggy sa akin kanina. Ang sarap lang sa feeling! May satisfaction. Gano'n!

Nasa bar kami ng resort at umiinom ng lady's drink. Chill lang kami ni Danaya.

Nagulat na lang ako nang bigla kaming lapitan ni Miggy. Pinaalis pa niya si Danaya para magkausap kami ng kami lang.

"VIP ka masyado! Bakit mo pinaalis si Danaya?" masungit kong sabi sa kanya.

"I'm sorry, Africa. Gusto lang kitang makausap nang tayo lang dalawa..." aniya. Amoy-alak siya. Mukhang lasing.

"Hindi ako nakikipag-usap sa lasing. Excuse me!"

Lalayasan ko sana siya pero bigla niya akong hinawakan sa braso. "Africa, please! I still love you!" Natigilan ako sa sinabi niya.

Nang-uuyam na nag-smile ako. "Still? Sure ka? Still? Kailan mo ba ako minahal?"

"Oo, noong una, alam ko na sumunod lang ako sa utos ni Korea. Pero nang makilala na kita, hindi sinasadyang nahulog na ang loob ko sa'yo. Minahal kita noon... hanggang ngayon!"

Ang sarap sanang kiligin dahil sa mga sinasabi niya pero kapag naaalala ko ang panloloko niya sa akin ay hindi ko talaga maiwasan ang hindi magalit.

"Hanggang ngayon ay manloloko ka pa rin, Miggy. Pero, iba na lang. 'Wag ako. Saka, bitiwan mo nga ako! Baka makita pa tayo ni Korea, kung ano pa ang isipin niya!"

"Magkaibigan lang kami ni-"

"Yeah! Whatever!" putol ko sa sasabihin niya at iniwanan ko na siya.

Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

TO BE CONTINUED...

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now