CHAPTER 15- In Doubt

4.1K 160 7
                                    

CHAPTER 15- In Doubt

"ANG sarap pa rin po talaga ng leche flan niyo, tita!" Puri ko sa leche flan ni Tita Amor. Katatapos lang namin mag-dinner at nagdi-dessert na kami.

"Thank you, Africa. Alam ko na favorite mo iyan kaya gumawa talaga ako ng marami nang sabihin ni Miggy na dadalhin ka niya dito tonight. Kaya before ka umalis, magdala ka sa bahay mo."

"Talaga po? Sige po. Hindi ko iyan tatanggihan, tita. Teka, nasa'n na si tito?" Tumahimik sila sa tanong ko kaya medyo nagtaka ako. "Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?"

Si Menchie ang sumagot. "Papa passed away five years ago pa, ate. Car accident..."

"Oh, sorry... Hindi ko man lang nabalitaan."

"No worries, iha," ani Tita Amor.

Halos alas-onse na rin ng gabi bago natapos ang kwentuhan namin at nagdecide na ako na umuwi. Ipinadala ko na rin sa driver ko ang kotse ko para hindi na ako ihatid pa ni Miggy. Alam ko din naman na kailangan niya ng maagang pahinga dahil may business din naman siyang inaasikaso.

Nagpahatid na lang ako sa kanya hanggang sa gate ng bahay nila.

"Mag-iingat ka, ha..." ani Miggy nang nasa labas na kami ng bahay nila.

Sandali kaming tumigil doon upang mag-usap ng kaunti.

"Lagi naman. Para sa'yo!"

Niyakap niya ako na parang naglalambing. Hindi ko alam pero naluha ako sa simpleng gesture na iyon ni Miggy. Ang emotional ko naman yatang masyado. Naramdaman ko pa ang malalim niyang paghinga. "Hindi talaga ako makapaniwala na okay na tayo, Africa. At tayo na ulit. Simula kasi nang magkahiwalay tayo ay hindi ka na naalis sa isip ko. Gusto ko nang hiwalayan noon si Korea pero inuunahan ako ng pride ko. Sinong makakapagsabi na after ten years ay magkikita ulit tayo at babalik sa dati?" aniya.

Gumanti ako ng yakap sa kanya. "Kahit naman ako, e. Parang dream lang lahat ng nangyayari ngayon. Sa totoo lang, kaya ako nagpa-reunion ay para ipakita sa inyo ni Korea kung ano na ako ngayon at para maghiganti sa inyo. Pero mahirap talagang kalaban ang puso. Hindi pa man ako sumusuntok, talo na ako nito..."

"Ang lalim naman masyado!" aniya at napahagikhik kami nang sabay. "Mahal na mahal kita, Africa!" aniya at bahagya siyang lumayo sa yakapan namin upang hagkan ako sa aking labi.

-----***-----

THE next day, pumunta ako ng Gyrea para dalhan si Miggy ng food. Sinakto ko na malapit na ang lunch time nang pumunta ako doon. Isang waiter ang pinagtanungan ko kung nasaan si Miggy. Ayon dito ay nasa office daw at kausap si Korea. After kong magpasalamat ay naghanap na lang ako ng bakanteng table at doon ko hinintay si Miggy. Wala pang limang minuto nang makita ko si Korea na lumabas sa isang pinto.

Tumayo ako at nilapitan ko siya. "Hi, Korea!" bati ko sa kanya.

Medyo natigilan ako nang mapansin ko na namumugto ang mga mata niya. Parang galing sa pag-iyak. SIyempre, nag-alala ako. Kasama naman sa pagpapatawad ko kay Miggy ay naka-package na rin doon ang pakikipag-ayos ko kay Korea. Isa pa, mahirap talaga kapag may kinikimkim kang galit sa puso mo.

"A-africa?" Nagulat pa siya nang makita ako. Baka naman natakot sa akin. Akala siguro ay aawayin ko siya.

Medyo itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Don't worry, hindi kita aawayin..." sabi ko.

"I know. Sinabi na sa akin ni Miggy ang lahat. Masaya ako para sa inyong dalawa. Sige, I have to go. Bye, Africa," aniya at walang lingon-likod na lumabas siya ng Gyrea.

Masaya daw siya pero bakit parang umiyak?

Ang gulo niya, ha.

"Africa?"

"Miggy!" Nilapitan ko si Miggy na nasa likuran ko lang pala. "Dinalhan kita ng lunch. Ako ang nagluto nito, ha."

"Wow naman. Ang sweet naman ng future wife ko!" Hinapit pa niya ako sa beywang at naglakad na kami papunta sa office niya.

"Future wife ka diyan!"

"Bakit ayaw mo?" tonong nagtatampo ang pagsabi niya niyon.

"Gusto! Pero 'wag muna ngayon. Alam mo naman, marami pa akong commitments. Lalo na ngayon, may fashion show pa ako next week sa Paris."

"Hindi ko rin naman sinabing ngayon. Kaya nga future pa, e."

"Ewan ko sa'yo!" Natatawang sabi ko.

Nasa loob na kami ng office niya. Nagpatawag siya ng isa sa mga waiter niya at nagpadala siya doon ng mga pinggan, kubyertos at inumin.

Habang inihahanda ko ang kakainin namin ay naalala ko si Korea kaya naman hindi ko naiwasan ang hindi mag-usisa. "Nakita ko kanina si Korea... Parang umiyak siya. Ano bang pinag-usapan niyo at gano'n siya?" usisa ko.

Nang tingnan ko si Miggy ay bigla siyang umiwas ng tingin. "W-wala. May problema lang siya doon sa dine-date niya. 'Wag na natin siyang pag-usapan. Tara, kain na tayo. Mukhang masarap iyang dinala mong foods, e!"

I really don't know pero may feeling ako na umiiwas siya na pag-usapan si Korea...

-----***-----

"NAKU, mars! Hindi naman kaya mahal pa rin ni Korea si Miggy kaya nang sinabi ni Miggy kay Korea na kayo na ay nag-crayola ang babaita? Or hindi kaya sila talaga tapos nakipag-break si Miggy sa kanya kasi kayo na ni Miggy!"

Kung hindi ko lang kausap si Danaya sa cellphone at kaharap ko lang siya kanina ko pa nahablot ang buhok niya at sinabunutan siya nang bonggang-bongga. "Alam mo, ang OA mo, Danaya. Ang dami mo agad nasabi!" sabi ko.

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina sa Gyrea. Tapos kuntodo bigay naman ng theory si Danaya sa kung bakit parang umiyak si Korea. Hindi kasi ako naniniwala sa sinabi ni Miggy na kaya ito umiyaka y dahil sa dine-date nito. Dine-date lang tapos iiyakan ng ganoon to the point na mamaga na ang mata? Matindi! I know, may mas malalim pang dahilan kung bakit.

"Eh, ano pa ba kasi ang magiging reason ng pag-iyak ni Korea? Sige nga, magbigay ka ng iba pang reason!"

Nag-isip ako pero wala akong maisip. At doon ko naisip na may possibility na tama ang lahat ng theory ng kaibigan kong bakla. Bigla naman akong kinabahan. Naku, 'wag naman sanang tama si Danaya.

"Oh, natahimik ka, 'di ba? Mag-isip-isip ka, mars. Niloko ka na nila dati, pwede nilang gawin ulit sa'yo iyon."

"Hoy, bakla ka! Hindi na kita maintindihan. Dati ikaw ang nagtutulak sa akin kay Miggy tapos ngayon ganiyan ang mga sinasabi mo. Ano ba talaga? Saka, wala naman silang reason para lokohin ulit ako."

"Mars, concerned lang naman ako sa'yo. Malay mo naman, tini-testing nila kung hanggang ngayon ay tanga ka pa rin!"

Bigla akong natigilan. Huwag naman sana...

Hindi ko na alam ang mangyayari kung for the second time ay maloko ulit ako nina Miggy at Korea!

TO BE CONTINUED...

-----***-----

Malapit na ang pagwawakas... ABANGAN!

Si Africa, Ang Negang NegraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora