CHAPTER 02- Noong Pa-Sweet Pa Ako

9K 297 46
                                    

CHAPTER 02- Noong Pa-Sweet Pa Ako

TEN YEARS EARLIER…

“LA LA LA LA…” Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad papasok sa school namin. Excited akong pumasok ngayon dahil bukod sa first day ng school ay last year ko na rin bilang isang high school student. Yes, fourth year high school na ako. Finally, makakatapos na rin ako sa secondary school. Ga-graduate na rin ako at aakyat sa stage habang nakasuot ng toga.

Haaay… Punung-puno talaga ako ngayon ng positive vibes! Feeling ko ay walang kahit na sino ang makakasira sa napaka gandang araw na ito!

“Africa negra! Africa negra! Africa negra!” sigaw ng mga second years students na puro lalaki nakasalubong ko papasok. Kilala ko na sila. Sila iyong mga first year students last year na alaga akong tuksuhin dahil sa maitim ako at sa sabog at kulot na buhok ko.

Nag-smile ako sa kanila at nag-wave pa. “Hello sa inyo! Good luck sa first day ng school, ha?”

“Hindi ka ba maaasar sa amin, Africa negra?” tanong ng isa sa mga nanlalait sa akin.

“Ha? Bakit naman ako maaasar? Kayo talaga…”

“Eh kasi, tinatawag ka naming negra!”

Tawanan silang lahat.

Nagpaikot-ikot ako at nakangiting tumigil paharap sa kanila. “Bakit naman ako magagalit sa inyo? Negra naman talaga ako. Sige, maiwan ko na kayo, ha. Bye!” Kakamot-kamot na lang sa ulo ang mga nanlalait sa akin nang iwanan ko na sila.

Ang akala siguro nila ay mapipikon ako dahil nilalait nila ang kulay ko, doon naman sila nagkakamali. Hindi ba sila napapagod? Isang taon na nila akong tinatawag na “negra” pero hindi ko naman sila pinapatulan. Ang mga ibang tao talaga, porket kakaiba ako, ang tingin nila sa akin ay isang alien na dapat pagtawanan. Pare-parehas lang naman kaming nilikha ng Diyos.

Napakaganda ng buhay para isipin ko pa ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Mahal na mahal naman ako ng Mama Trudis ko. Binusog niya ako love kaya naman very positive ang pananaw ko sa lahat ng bagay.

“Good morning, classmates! Happy first day of school sa ating lahat!” Iyon agad ang sinabi ko pagkapasok ko ng classroom pero walang pumansin sa akin.

Iyong iba, nagkukwentuhan. Iyong iba naman ay binibida ang mga gadgets nila. May ibang tiningnan lang ako sabay irap. May narinig pa nga ako na nagsabi na: “Naku! 'Andiyan na naman ang luka-lukang si Africa negra!”

Hay naku… Hindi dapat ganiyan. Dapat sinasalubong nila ang first day of school with a bang!

BLAGH!

Napasubsob ako sa sementong sahig nang may biglang bumangga sa likuran ko. Pagtayo ko ay nakita ko si Korea Tiongson—ang half Japanese kong kaklase na ubod ng puti. Naka-crossed arms siya habang nakatingin sa akin. Kasama niya ang bestfriend niyang si Genevie.

Maganda si Korea. Maputi talaga ito at artistahin ang datingan niya kaya naman siya ang palaging class muse namin simula elementary. Habang ako naman ay palaging president.

“Naku, sorry, Korea. Nakaharang yata ako sa dadaanan mo kaya nabangga mo ako. Alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya dahil—“

“Sinasadya ko iyon!” Nakataas ang kilay na putol niya sa pagsasalita ko.

“Oo. Sinasadya niya!” I second the motion talaga lagi si Genevie kay Korea. hindi rin ito papadaig sa pagmamaldita ng bestfriend nito.

“Korea…”

“Ilang bubuyog ba ang nakatira diyan sa buhok mo, Africa?” Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Korea.

Nag-smile lang ako. “Nagkakamali ka, Korea. Hindi ito beehive, walang bubuyog dito. Buhok ko ito. Tingan mo, hawakan mo pa.

“Eww! Ayoko nga! Nakakadiri! Baka magkaroon pa ako ng galis sa kamay!”

“Hindi naman… Nag-sha-shampoo naman ako.”

Itinirik niya ang kanyang mga mata at naglakad na. “At sinasadya ko ulit ito!” Binangga niya ulit ako habang papunta siya sa kanyang seat.

“Sinasadya niya ulit iyon!” Si Genevie na naman.

Sinundan ko na lang si Korea ng tingin at nang magtama ang mata namin ay nag-smile ako sa kanya pero inirapan lang niya ako.

Naiintindihan ko naman kung bakit maldita si Korea. Ang alam ko kasi ay naghiwalay ang parents niya. Nasa mommy niya siya ngayon. Siguro, nalulungkot lang siya kaya iyong kalungkutan niya ay pinagtatakpan niya ng kamalditahan niya. Saka sanay na rin naman ako sa kanya. Elementary pa lang ay ganiyan na siya sa akin. Favorite niya talaga akong i-bully dahil sa kulay ko.

Maraming tao man ang ginagawang katatawanan ang pagiging negra ko, kahit kailan ay hindi ko naisip na maging maputi. Ito na kasi ang ibinigay ng Diyos sa akin at naniniwala ako na someday ay makakatulong sa akin ang pagiging negra ko.

Huminga na ako ng malalim at nang papunta na ako sa seat ko ay biglang dumating ang bestfriend ko na si Diosdado Hermosa o Danaya.

“Maaars!!!” Pakembot-kembot na lumapit siya sa akin at nakipagbeso-beso. Kinuha niya agad ang compact mirror niya upang tingnan ang mukha niya doon.

“O, bakit naman nananalamin ka?” tanong ko.

“Chini-check ko lang naman kung nagkaroon ako ng uling sa feslak ko. Nakipagbeso-beso kasi ako sa’yo.”

“Grabe ka naman, mars…”

“Joke lang! I miss you, mars!”

“Miss ka diyan! Magkapitbahay lang naman tayo. Araw-araw naman tayong magkasama no’ng summer vacation. 'Di ba nga, finally ay nagpatuli ka na. Congrats, mars!”

“Gaga ka! Bunganga mo naman! Dinig na dinig ka ng classmates natin!”

“Be proud dahil tuli ka na, Danaya! Tara na nga sa upuan.” At hinila ko na siya sa seat naming dalawa.

-----***-----

“MARS, alam mo ba ang bali-balita? May bago daw tayong kaklase. Ang alam ko ay boylet!” Kinikilig na sabi sa akin ni Danaya habang naglalakad kami papunta sa canteen. Break time na kasi namin.

“Talaga? Bakit naman parang kinikilig ka?”

“Baka kasi gawpo o kaya ay cute! Dapat pala nagsuot ako ng long gown today para mapansin niya agad ako. What do you think?”

“I think, lumalandi ka na naman. Alam mo, ang isipin mo dapat ay sana mabait siya at hindi bully. Para naman hindi na madagdagan ang bully sa school na ito. Kawawa naman kasi iyong mga estudyante na biktima ng bullying. Nagiging reason kasi ito ng suicide at iba pang emotional problems. Kaya sana lang talag—“

“Hep! Hep! Tama na! Okay na. Gets ko na, o. Preno na, pwede?”

Nag-smile ako. “Okay. Ano bang kakainin mo?”

“Libre mo ako?”

“Hindi. Libre mo.”

“Gagang 'to!” Natatawang sabi ni Danaya sa akin.

TO BE CONTINUED…

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now