Agad siyang ngumiti. "Of course, I like pink," mabilis niyang sabi. "Pink is cute."

RV instantly smiled. "Yesh. Feynk is beautiful."

Napailing-iling na lang si Valerian nang makapasok sila sa banyo. Agad na sumigaw si RV ng, "Bathtub!"

His son had a thing with bathtub. Weirdo din tulad niya.

"Late kayo, mga loko!" Pinandilatan ni Valerian ang mga kaibigan na kasama ang kanya-kanyang asawa. Late nang dumating ang mga ito sa simbahan para sa binyag nina VG at GV.

"Sorry, my man," hingi ng tawad ni Knight, sabay abot ng regalo sa kanya. "Kadarating lang ng flight ko."

Valerian narrowed his eyes on Knight's gift. "Ako ba talaga pinaglololoko mo, ha? Bakit Barbie 'yan? Hoy, Velazquez, lalaki ang mga anak ko!"

Napakamot sa batok si Knight. "Sorry naman. Ikaw itong hindi nag-reply nang mag-email ako sa 'yo kung ano'ng gender ng kambal mo. Hindi ako manghuhula, Val, nasa Spain ako, remember?"

Umingos siya. "Hindi ka man lang nagtanong sa iba?"

Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Ahm, I was busy?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin, saka bumaling sa iba niyang kaibigan. "No gift, no entry." Tumalim ang mga mata niya. "Ilabas na iyan nang makapasok na kayo sa simbahan."

Napailing-iling na lang ang mga kaibigan niya habang isa-isang inilalapag ang mga regalo sa mga anak niya.

Valerian smirked. "Lester," tawag niya sa secretary na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. "Gather all their gifts and put it in the back compartment of my car."

"Yes, Boss," agad namang sagot ni Lester.

"O, halina kayo, pasok na," nakangising sabi niya habang nauna nang naglakad papasok at karga-karga si VG.

"Daddy!" matinis na sigaw ni RV na tumatakbo pasalubong sa kanya. Gumuhit ang tuwa sa mukha nito nang makita si Knight. "Nong Knight! Nong Knight! You're here!"

Agad namang sinalubong ni Knight si RV at kinarga ito, saka pina-ikot-ikot sa ere. "Hey, baby! How are you?" nakangiting tanong nito sa anak niya.

"I'm good, 'Nong Knight." Bumaling ito sa ibang kaibigan niya na mga ninong din nito. "Hello po. May regalo kayo sa 'kin, hmm? 'Nong Dark, I ordered a real elephant. Nong Lander, I ordered a real gun. Nong Ymar, I ordered a real stock in the market."

Napakamot na lang sa batok ang mga ninong ni RV. Samantalang napasimangot naman ang anak niya kasi alam na nito ang ibig sabihin n'on. Walang regalo.

Yumakap ito sa leeg ni Knight. "I miss yah, 'Nong Knight. Mag-stay ka ba? Where's my pasalubong? I ordered a plane, remember?"

"Sure." Knight grinned. "I have a toy plane for you—"

"I want real plane!" Nakabusangot ang mukha ni RV. "Put me down. Tampo ako sa 'yo!"

Natatawang inilapag ni Knight ang anak niya na tumakbo kay Grace at nagsumbong na humihikbi pa.

Pailing-iling na lang si Valerian.

"Sana hindi maging weird itong kambal mo," wika ni Shun na nasa tabi si Themarie.

Valerian scoffed. "Kung kayo ang mga ninong? Wala nang pag-asa ang mga anak ko."

Mahinang natawa si Calyx. "Wala ka nang choice, Volkzki. Kami lang ang nagtitiyaga sa kabaliwan mo."

"Agree," sang-ayon ni Iuhence. "Sinong manghihingi ng twenty-five percent stocks sa kompanya ko bilang regalo? Si RV lang." Pumalatak ito. "'Yang anak mo, ang bata-bata pa, mukhang pera na."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiOnde as histórias ganham vida. Descobre agora