CHAPTER 22

1.3M 30.2K 5.5K
                                    

CHAPTER 22


Habang binabantayan ang ina
sa ospital, maraming nakatambak na magazine sa harap ni Grace. Lahat 'yon ay binili ni Nali para sa kanya dahil wala na raw siyang ibang ginawa kundi ang magbantay. Ni manood nga ng TV ay hindi niya ginagawa sa loob ng apat na buwan niya sa Japan.

Inilapag niya ang magazine na natapos na niyang basahin, saka pinulot ang State Trend Entertainment Magazine.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang nasa front page si Valerian. Oo nga pala, State Trend Entertainment Magazines also distributed in Asia. At hindi nakakagulat na laman n'on si Valerian. Kilala ang lalaki.

Mabilis niyang hinanap ang page kung saan naroon ang full article patungkol kay Valerian.

"The hot bachelor and the president of AirJem Airlines, Valerian Volkzki and Lena, the daughter of the vice president were seen together in one of the parties hosted by Count Knight Velazquez. According to our reliable source, the two were dating in LaFure Restaurant. And a week ago, the two were spotted kissing in Valerian's car—"

Ipinikit ni Grace ang mga mata nang maramdamang parang may paulit-ulit na tumatarak na patalim sa puso niya.

Ang sakit-sakit.

At kasunod ng sakit na 'yon ay ang galit na naramdaman niya kay Valerian. Apat buwan pa lang ang nakakaraan simula nang umalis siya pero may iba na itong babaeng pinagkakaabalahan.

He promised to be hers always. Kalokohan lang pala ang lahat ng 'yon.

Hindi siya makahinga kaya naman tumayo siya. At nang pumihit siya paharap sa pinto, nakita niya si Nali na nakatingin sa kanya.

Mabilis niyang pinahid ang basang pisngi dahil sa luha niya na hindi niya namalayang tumulo na pala. "Nali, sa labas lang ako—"

"No." Naglakad ito palapit sa kanya, saka sinapo ang mukha niya. "Bakit ka umiiyak?" Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang magazine kung saan nakalathala ang article tungkol kay Valerian. "Grace, sagutin mo ako. Did this guy..." Itinuro nito ang mukha ni Valerian. "Hurt you?"

Umiling siya. "Hindi—"

"Huwag kang magsinungaling sa 'kin, Gracey. You already lied to me once, don't do it again."

Umawang ang mga labi niya. "A-ano?"

"Nang gabing doon ako natulog sa condo mo at umalis ka dahil sabi mo may emergency sa clinic, sinundan kita kasi nag-alala ako sa 'yo dahil gabi na," paliwanag nito. "Pero laking gulat ko nang makita si Valerian Volkzki na kausap mo, kinuha ang bag na dala mo at sumakay ka sa kotse niya. And I was beyond shock when I saw you two kissed." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Grace, you're innocent as a baby. Kaya nagulat ako sa nakita ko pero hindi ako nagsalita o nagsumbong kay Daddy. Alam kong malaki ka na at nakikita ko namang masaya kang kasama siya. But now, you're crying..."

Doon siya walang ingay na napahikbi at yumakap nang mahigpit kay Nali. At habang umiiyak ay ikunuwento niya lahat ng nangyari. Lahat-lahat. Wala siyang inilihim.

At nang matapos niyang sabihin lahat, gumaan ang pakiramdam niya pero naroon pa rin ang sakit sa isiping may ibang babae nang nagpapasaya kay Valerian. Ang sakit-sakit n'on. Mas masakit dahil nangako itong sa kanya lang ito.

"Oh, Grace." Pinisil ni Nali ang kamay niya. "That man took advantage of your innocence. God! Gusto ko siyang suntukin!" Napailing-iling ito. "Ito na nga ang sinasabi ko kay Daddy, eh. Alam kong mula simula na may magte-take advantage sa kainosentehan mo—"

"Hindi niya ako pinuwersa." Kahit galit siya kay Valerian, ayaw niyang marinig na pinagsasalitaan ito ng negatibo ng kapatid niya. "Kung nasasaktan man ako ngayon, kasalan ko 'yon. Hindi niya ako pinilit ang isang bagay. Lahat ng ginawa niya sa 'kin, pumayag ako nang buong puso."

Nali sighed and shook her head in disbelief. "You really love him, huh?"

Umawang ang mga labi ni Grace, saka napakurap-kurap. "W-what?"

"Grace, ipinagtatanggol mo siya kahit nasasaktan ka dahil sa article na nabasa mo tungkol sa kanya. If that's not love, I don't know what that is anymore." Nali tsked. "I love you, sis, kahit minsan tinatarayan kita. Naiinis lang kasi ako sa kainosentehan mo, pero ngayong hindi ka na naman pala inosente, oras na para mamulat ang mata mo sa totoong mundo." Inagaw nito ang magazine na hawak niya at itinapon 'yon sa sofa, saka matiim na tumingin sa kanya. "Una mong dapat malaman ay iyang mga lalaki, gagamitin lang ang katawan mo at pagsasawaan, pagkatapos ay iiwan ka rin. Pangawala, pagdating sa isang relasyon o pag-ibig, walang forever, kaya kalokohan ang mga pangakong binibitawan ng letseng kalalakihang 'yon."

Grace couldn't help herself but to agree with Nali.

"Pangatlo, dapat hindi ka magpa-under sa kanila. Dapat lumaban ka. If they tease you, tease them too."

"Hindi ko alam kung paano—"

"Tuturuan kita." Hinaplos ni Nali ang pisngi niya, saka niyakap siya. "Don't worry, sis, tuturuan kita sa lahat ng dapat mong malaman bilang isang babae. Hindi ko hahayaang manatili kang ignorante sa mga bagay-bagay sa mundo. Hindi na ako ngayon magpapapigil kay Daddy na gusto ka yatang ikulong sa hawla ng kainosentihan."

"Salamat, Nali," sabi niya, saka kumawala sa pagkakayakap nito.

Nali grinned. "Don't thank me, sis, wala pa akong ginagawa." Tinapik nito ang baba niya. "So, papayag ka bang turuan kita sa mga bagay-bagay sa mundo na sigurado akong hindi mo alam?"

Mabilis siyang tumango. "Oo. Payag ako."

Tumalon si Nali sa tuwa. "Great." Pinulot uli nito ang magazine na itinapon, saka ibinigay sa kanya. "Una, basahin mo ang buong article tungkol kay Valerian. Kung puwede, paulit-ulit pa. At kapag sobrang sakit na at pakiramdam mo naging manhid na ang puso mo dahil sa sakit, saka tayo mag-uumpisa."

Bumaba ang mga mata ni Grace sa magazine at binasa nga ang article tungkol kay Valerian at sa bago nitong babaeng kasama ngayon.

Sa bawat katagang binabasa niya, parang pinipiraso ang puso niya. Ang luha niya ay bumubuhos na parang umuulan nang malakas. Kahit masakit, pinilit niya ang sariling tapusing basahin ang buong article. At saka inulit niyang basahin nang ilang beses bago siya tumigil.

Yes. It was painful. Very painful. And she felt so numb.


CECELIB | C.C. 

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon