EPILOGUE

1.8M 41K 16.9K
                                    

I dedicate this story to GRACE OQUENDO. Thank you for letting me use your name. Love yah!


EPILOGUE

Six years later...

Nagising si Valerian nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti. Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Reev Venidect sa mukha niya. Uli.

Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Grace. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.

Natigilan si Valerian nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.

A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti. "Morning, moon cake."

"Hey, baby." Dumukwang si Grace palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si RV dito sa kama. Nagigising, eh."

"Good morning." Ngumiti siya, saka hinalikan ang asawa sa mga labi. "Do you want me to cook breakfast for you, moon cake?"

Tumango ito. "Yep. Bilisan mo, ha? Baka nakakalimutan mo, binyag ngayon nina Vleek Grant at Grimm Vaxter."

Valerian sighed in happiness as he looked at his twins in the crib. Wala silang lahing kambal, lalo naman sa pamilya ni Grace, pero nagkaroon sila ng kambal. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman.

Umalis siya sa kama, saka binuhat si VG. "Hey, baby, binyag n'yo ngayon. Gising na."

Sa halip na si VG ang magising, si GV ang pumalahaw ng iyak.

"Fuck!" he cursed.

Agad namang binuhat ni Grace si GV, saka isinayaw-sayaw. GV instantly stopped crying and fell asleep again.

Nakahinga siya nang maluwang samantalang si Grace naman ay dumukwang at ginawaran siya ng halik sa mga labi.

"No cussing, baby. Baka marinig iyan ng mga bata."

Shit! "Sorry, moon cake." Napangiwi siya. "Anong oras ang binyag?" tanong niya kapagkuwan.

"Nine AM," sagot ni Grace.

"Daddy? Mommy?"

Sabay silang bumaling ni Grace kama. At gising na pala ang makulit nilang panganay.

"Hey, good morning, baby." Mabilis niyang nilapitan si RV, saka hinalikan sa ulo. "Want to bath with Daddy?" Nakasayanan na nilang dalawa na maligo nang sabay. "Binyag mamaya nina GV at VG. Pupunta tayo sa church."

"Yes po," excited na tugon ni RV sa kanya.

Mabilis itong naglambitin sa leeg niya. Siya naman ay mabilis na inilapag si VG sa kama, saka binuhat si RV.

"Daddy, like ko na soap 'yong kulay feynk na kay Mommy, ha?" sabi ni RV.

At the age of four, RV still couldn't pronounce some words correctly.

Kinunutan niya ito ng noo. "Pink ang gusto mo? Hmm, anak, hindi 'yan manly."

Kumunot din ang noo nito. "I like feynk!" And then RV's face turned dark. "Don't yah, Daddy?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon