CHAPTER 29

1.9M 34.4K 10.8K
                                    

CHAPTER 29

Hindi pa umaabot si Valerian sa pinto ng kuwarto niya nang mabilis ang mga paang humakbang pabalik sa sala. Pabalik kay Grace.

Para may sariling isip ang mga 'yon na tumigil hindi kalayuan sa mahabang sofa kung saan naroon ang babae, yakap ang hubad na katawan, nakapikit at walang ingay na lumuluha.

Parang sinagasaan ang puso niya nang ilang beses sa sakit na nararamdaman sa mga oras na 'yon.

Here he was, seeing the woman that made him experience hell in its new fucking form cried. Dapat masaya siya, 'di ba? Dapat magbunyi siya dahil pinaiyak niya ito... dahil nasaktan niya 'to. Pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman niya?

He felt horrible! Gusto niyang bugbugin ang sarili dahil siya ang dahilan ng pag-iyak ng babae.

Fuck! He should be celebrating that he got his revenge, but he couldn't even fake a fucking smile on his lips. Nakapawalang respeto ang ginawa niya sa pagkababae nito.

Walang ingay siyang lumapit sa sofa at umupo sa gilid n'on.

Mabilis na nagmulat ng mga mata si Grace at nakita niya ang sakit na nakapaloob do'n. It was suffocating him.

"Grace..."

Tinuyo nito ang luha na nagkalat sa pisngi, saka pilit ngumiti. "Ayos lang ako. Sige na umalis ka na. Baka may gagawin ka pa."

That broke his heart into million pieces. "I'm sorry," pabulong niyang sabi habang nakatingin sa mga mata nito kung saan naroon pa rin ang sakit. "I didn't mean to treat you like this—"

"I guess I deserved it." May pilit pa ring ngiti sa mga labi nito. "Nang iwan mo ako bigla kanina, pakiramdam ko binaboy mo ako." Mahina itong tumawa nang walang emosyon. "Pero naisip ko, ginusto ko rin naman, eh. Ako ang nag-udyok sa 'yong ipasok ang daliri mo sa pagkababae ko. Kasalanan ko lahat... palagi naman, eh." May tumulong luha sa pisngi nito. "So don't say sorry. Dapat maging masaya ka. Hindi ba ito ang gusto mo, ang makita akong nasasaktan para kahit paano makapaghiganti ka sa pananakit ko sa 'yo noon?" Tumaas ang kamay nito at hinaplos n'on ang pisngi niya. "Smile, Valerian. Celebrate that in my first day as your slave, you manage to make me feel worthless."

Hindi kayang ibuka ni Valerian ang bibig para magsalita. Parang nawala ang dila niya. He felt suffocated. Parang may nakaharang sa lalamunan niya at sinasakal siya n'on.

Ang kamay niya na nakakuyom ay umangat at hinawakan ang kamay ni Grace na humahaplos sa pisngi niya, saka pinisil. "Grace..." Ang isa niyang kamay ay hinaplos ang pisngi nito at mga labi. "You will never be worthless, okay? This time, ako ang may kasalanan. Huwag mong akuin lahat."

Kinagat nito ang pang-ibabang sabi, saka marahang tumango.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakatabing sa mukha. "Napagod ka ba sa biyahe mo papunta rito sa Baguio?"

Fuck! He was such a bastard! Ni hindi man lang niya iyon tinanong kanina. Maybe because he was mad. And anger was never a good emotion to feel.

Anger could hurt people and that was what he did to Grace. He hurt her. And he felt like fucking shit!

Tumango ito. "Medyo. Ilang oras kasi akong nakaupo."

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka nag-eroplano?"

Umiling ito. "Nag-uumpisa akong muli, Valerian. Kaunti lang ang pera ko. Hindi ko 'yon gagastusin para lang maging stress-free ang biyahe ko patungo rito. Kailangan kong magtipid. Halos lahat ng pera ng pamilya napunta sa pagpapagamot ni Mommy sa cancer niya. Hindi man naubos 'yon, pero sapat na para magdoble-kayod ako kasi hindi ko puwedeng asahan si Daddy. Ang natirang pera, sa kanya na 'yon. Kami ng kapatid ko, sariling-sikap para makaahong muli."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon